Chapter 3

7 0 0
                                    

Rocky's POV

Kasalukuyan kaming nag uusap ngayon para sa debate next week. War on drugs ng new administration ang topic. Nabanggit ko na bang PolSci ang
Major namin?

"Ma'am ang daya talaga! Dapat hiwalay sina Ales at Rocky! Lugi kami!"

Angal ni Ronnel. Palibhasa ay sa kabilang team siya.

"Pinili ninyo ang bunutan kaya panindigan ninyo yan! Take it as a challenge for your team, Ronnel! Baka maging article pa sa next issue ng campus paper ang pagkapanalo ninyo pag nagkataon!"

Opo, siya ang adviser ng school paper namin. Ewan ko nga kung paano to nauuto ni Ate Scent eh. Tsk!

Naghiyawan naman ang team nila at nabuhayang pinagpatuloy ang meeting. Napangiti na lang ako.

"Let's do this, guys! Wag tayong pakampante! Tayo ang mananalo, diba Isabela?"

Tumango na lang ako. Ayaw patalo ni Ales eh! Kaso mas gwapo pa din ako sa kanya! Hehe

Matapos ang meeting slash klase ay bigla na lang akong hinila ni Ales palabas ng campus. Nagtext (di ko alam kung saang lupalop niya nakuha ang number ko) siya kanina na gusto niya akong makausap after class kaya sumenyas ako kay Reno na tatawagan ko na lang sila. Tsk!

Pinasakay niya ako sa passenger seat ng Montero niya.

"Pre di ka pa ba kuntento sa meeting natin? May bukas pa naman!"

May gimik kami ng tropa ngayon eh!

"How did you know about Tasha? Trusted friends ko lang ang nakakaalam tungkol dun..."

"Tungkol sa pag ibig mong pururot kay Tasha? Di ako King of SLU kung wala akong sources..."

Napailing siya.

"Isabela..."

"Hep alam ko na yan! Pre wag kang mag alala at off limits ako talaga kay Tasha. Di ko type ang good girls kaya chill ka lang..."

Mukhang nagulat siya sa sinabi ko.

"Really? But she's perfect! Imposibleng hindi mo alam na inaabangan ng lahat kung sino sa ating dalawa ang makaka relasyon niya..."

Natawa ako.

"Sayo na nga, ang kulit! Tsaka bagay kayo! Diba sabi mo perfect ka? Oh may match ka na, Ales!"

Ngumiti siya.

"Shit, it's a relief! I dunno but I think she's crushing on you! At nakakapagtaka dahil babaeng babae naman siya tapos-"

Napansin niya ang masamang tingin ko sa kanya kaya pumreno siya sa pagsasalita.

"I mean no offense ha pero imposible kasing magkagusto yun sa hindi tunay na lalaki eh..."

Natawa ako at maangas siyang tiningnan.

"Baka mas lalaki pa ako sa paningin niya kaysa sayo! Bwahahhaha!"

Siya naman ngayon ang may masamang tingin sakin kaya kinagat ko na ang dila ko para magpigil ng tawa.

"Basta Pre wala kang problema sakin. Kahit maghubad siya sa harap ko eh di ako papatol noh! Manligaw ka na kasi dun para sakin na yung mga chix hehehhe"

He sighed at mukhang napapaisip sa sinabi ko.

"Alright. I think we are clear here. I trust you, Isabela. Usapang lalaki to ah. Wag mong babaliin, okay?"

Tumango ako at inamba sa kanya yung kamao ko. Yung Duterte sign wahaha!

"Clear!"

Pinagbunggo namin ang kamao namin at nagtawanan.

"Sana pala noon pa kita sinubukang kausapin ng casual noh? Akala ko kasi sineseryoso mo yung rivalry natin as King of SLU eh..."

Natawa ako.

"Di ah! Ikaw nga itong competitive sa lahat ng bagay eh! Gusto mo halikan pa kita eh para patunayang wala akong tinatagong sama ng loob sayo!"

Binuntutan ko yun ng tawa pero nakakunot na ang noo ni Ales sakin. Napakamot ulo ako.

Nawala sa utak kong hindi kami tropa ni Ales. Tsk!

"Biro lang Pre! Paano baka pwede na akong bumaba?"

"If you don't mind, have you kissed a man, Isabela?"

Napangiting aso ako.

"Sort of?"

"What do you mean?"

"Parang when you nod your head yes but you wanna say no lang yan, Ales. Yes I kiss a man's lips, but the kiss shared? Ako pa din ang lalaki sa amin..."

"I don't get it... Sample kaya?"

Natawa ako.

"Off limits ka tulad ni Tasha. Kings don't kiss each other, Ales..."

He grinned.

"We can be an exception, Isabela..."

I smirked.

"Try harder, Pre! I know your moves. Ginagawa ko din yan sa flings ko"

"Then I can ba a queen for a while if that 's what it takes to get a kiss from you..."

"Ohhhhhhhh!"

Napahalakhak na ako talaga. Tangina! Ngayon ko lang napatunayan na magka level kami ng karisma kahit pa nga mas gwapo ako sa kanya.

"King Ales, teach me your ways! Hahhaha! Ayan na, narinig mo na ang gusto mong marinig!"

Nanlaki ang mata niya.

"Damn! You can read a man's mind already! Exceptional, King Isabela! But I still want your kiss!"

Tatawa tawa na lang akong napailing.

"Tama na nga ang kagaguhang ito at may
gimik pa kami! Bababa na ako pre!"

Imbes na buksan ang pinto ay pinandar ni Ales ang sasakyan.

"Saan kayo? Hatid na lang kita at nahiya naman ako sa pang aabala sayo"

"Hah! Gusto mo lang sumama eh! Sa Silver Moon Pre!"

Natawa siya, tawang "nahulaan-mo-nanaman-ang-nasa-utak-ko-pre!"

Napailing na lang ako at tinawagan si Reno.

"Rekta na kayo dun Pre! Papunta na kami ng bagong recruit ko!"

Natawa na naman si Ales.

"Sino?! Si KING ALES?!IBA KA TALAGA BOSS KING!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DI KAMI TALO!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon