Pare Ko

349 9 11
                                    

*Vol. 2.5

Pare Ko

**

Alam mo yung feeling ng pinaasa? MASAKLAP. yan lang ang tanging pang uring pwedeng ikabit sa salitang "pinaasa". Masaklap ang umasa.. lalo na.. kung umasa ka sa WALA.

__

Masaya ang kaarawan ni Julian noong Lunes. Lahat sila ng kanyang mga katrabaho sa food chain ay nag inuman at walang humpay na nagkantahan. Masaya silang nagbahagi ng ibat ibang kwento sa isat isa.. Si Jerickson.. binasted ng nililigawan nya. Si Paolo naman, dalwa dalwa ang syota.

Nakakatuwa man isipin pero hindi ganitong klaseng pag ibig ang gusto ni Julian para sa sarili. Gusto nya makahanap ng isang babaeng magbabago sa kanyang pananaw. Magbabago sa pagiging babaero nya. bente pa lamang sya pero nagkaroon na sya ng mga kasintahang hindi na nya mabilang sa sobrang dami. syota man sa cellphone, sa facebook o sa personal.

Lahat ng babaeng ito hindi nya gusto. Ni minsa'y hindi pa naman sya tunay na umibig. Mayroong mga magaganda na nakasilaw sa kanyang mata, pero kahit kailan, hindi pa nasisilaw ang kanyang puso ng isang dalaga.

--

Isang araw habang nagpupunas ng lamesang pinagkainan ng isang costumer nila, may isang grupo ng kolehiyala ang nagtatawanan na pawang sya ang pinapagusapan.

"Julian, tawag ka ni Mam Jenny sa storage room."

"o sige, susunod na ako."

nalaman nyang sya nga ang pinapagusapan ng mga ito nang pumunta sya sa loob ng storage room dahil sinundan sya ng tingin ng isa sa mga kolehiyalang ito.

--

nang makalabas sa storage room ay muling tumingin ang binata sa pwesto ng kumpol ng mga kolehiyala kanina. Hindi sya makatingin ng diretso pagkat may hawak syang floor map para punasan ang sahig. Tinawag sya ng isa sa mga ito at nanghingi ng gravy.

"kuya ano daw pangalan mo sabi nito."

itinuro ng babaeng medyo maliit ang katabi nya. Maganda ito. Bilugan ang mata at may makapal na labi na parang masarap halikan.

napalunok laway si Julian dahil nabighani sya sa ganda ng kolehiyalang itinuro ng maliit nitong katabi. "huy kuya.."

"ah? mam, Julian po. May kailangan pa ba kayo?"

"ano? Hulyan?"

"opo. Julian po."

"Sya naman si Joyce. oha, diba ang ganda ni Joyce!"

Napangiti nalang ang bianta at binalik ang lalagyanan ng gravy sa kinalalagyan nito kanina at muling nagpunas ng sahig. Hindi nya alam kung ano ang nadarama nung mga oras na yun. Hiya ba.. Kaba, nerbyos.. o, isang pakiramdam na ngayon nya lang naramdaman. Pakiramdam na hindi nya alam ang tawag.

Lumipas ang ilang linggo ay wala paring espesyal na nagaganap sa buhay ng kakabent palang na si Julian. Matapos syang natigil sa pag aaral ay ganito nalagn ng ganito ang nagnyayari sa buhay nya. walang excitement kumbaga.

Dahil tuwing lunes ay wala syang pasok, namasyal si julian sa Plaza at namili ng mga damit na ipapadala nya sa probinsya nila para sa kanyang mga kapatid at magulang. Nakuha nya ang isang t-shirt na kulay asul ngunit may nakahawak na nito. Isang babae. Nakauniform ng paaralan na parang pamilyar sa kanya.

tama, sa Kolehiyo de San Jose. yung paaralan ng kumpol ng kolehiyalang nakilala nya nung nakaraang linggo.

"uy kuya, hindi mo ba ako natatandaan?"

umiling si Julian sapagkat hindi nya talaga matandaan ang dalaga.

"eh itong si Joyce, natatandaan mo ba?"

itinuro ng babaeng maliit ang babaeng nasa likuran ni Julian. Aha.. yugn babae. Joyce nga pala ang ngalan. Oo. natatandaan ito ni Julian. Ang babaeng nagparamdam ng isang pakiramdam kay Julian.

"ah, oo. hehehe."

"gusto mo.. sama ka muna samin, libre ka namin."

ayaw sanang pumayag ni Julian ngunit sadyang mapilit ang maliit na babaeng Cheska pala ang pangalan. Napag alaman nyang ang dalawang ito ay nag aaral ng Interior design at nakatira pa sa kabilang baranggay. Masaya si Julian. Parang kabarkada nya na kasi ang dalawa kahit ngayon pa lamang sila nagkausap.

Si Cheska ay 19 na samantalang si Joyce, 18 palang. Tinanong ni Julian kung may lahi bang ibang bansa si Joyce pero wala naman daw at ito's sadyang maganda lang talaga.

Bago makauwi ay nagbigayan sila ng mga cellphone numbers at nabili nadin ni Julian ang mga nais nyang bilhin kanina.

pagkauwi, nagtext agad sya kay Joyce dahil sya'y sobrang interesado rito. Mula noon, palagi na silang nagkakatext at kung minsa'y .. nagkikita na rin.

Isang araw ay hindi mapakali si Julian at napansin ito ni Jerickson na katrabaho nya.. Ang sabi lang ni Julian..

"Hindi ako mapakali pag hindi sya nagtetext. pag hindi ko na sya nakikita. Ewan ko ba.. mahirap iexplain eh.. pero basta, masaya lang ako pag kasama ko sya."

"nak ng. inlove ka na pare. CONGRATS!"

"inlove? tss.. malabo pare."

--

"Ikaw ba Joyce, nainlove ka na?"

"ako? hehe. oo. kaya ayoko muna magkabf ulit. eh ikaw?"

"oo eh.. hehe."

"ah.."

"kung sakali bang ligawan kita.. pwede kaya?"

"tumigil ka nga dyan, ayoko pa magkasyota!"

--

Isang buwan, mula noong sinabi iyon ni Julian. Lalo pa siulang naging close ni Joyce. Akala nya.. parehas na sila ng nararamdaman sa isat isa. Masayang masaya si Julian. Sabi nya sa sarili, hinding hindi na nya lolokohin pa si Joyce, tulad ng ginawa nya sa ibang nakarelasyon noon.

tumawag si Julian kay Joyce. Lingid sa kaalaman ni Julian ay may pasok si Joyce noong mga oras na yon kaya napagpasyahan nyang puntahan na lamang si Joyce sa college nito. 

Pagpasok ay ininspeksyon muna ng guard si Julian at matapos nitoy binigyan ng ID at pinapasok narin. Naglibot si Julian at pawang masayang masaya at excited dahil kahapo'y may nabili syang sing sing na pang magBFGF, kaya nais nya sanang ibigay agad ang isa kay Joyce.

"Hi Julian! bakit ka narito?"

hindi inaasahan ni Julian na makikita nya si Cheska doon.

"hinahanap ko kasi si Joyce eh."

"ha? ah,  teka, kasama kasi si Gerald eh, pero teka, tawagin ko."

naghintay sa lounge ang kawawang si Julian. Unti unti na nyang natatanaw si Cheska at Joyce na magkasama. May isang matangkad na lalaki silang kasama. Gwapo ito, mohawk ang gupit at parang mayaman. Napatingin bigla si Julian sa cellphone nya at ginawa itong salamin para tignan kung ayos paba ang kanyang itsura.

"oh, Julian! bat ka nandito??"

"ah, ano kasi,"

"Julian, si Gerald nga pala, boyfriend ko, Gerald, yung kinkwento ko sayong crush ni cheska, si julian."

"Hi. Pare."

nagkamay ang dalawang lalaki't nagdahilan nalang si Julian na baka may naiwan si Julian na panyo noong huli silang magkita at baka nakuha ito ni Cheska. 

Masaya si Joyce. alam yun Julian. Kung kailan naman nya naramdaman ang sinasabi nilang Pagibig.. tska pa sya nasawi.

Bakit nga ba ganon. Mahirap pala talagang paasahin ang sarili.

Muli, nagcelebrate ng kaarawan nya si Julian at naginuman silang magbabarkada. bente uno na sya, kaya sinusumpa nyang hindi na aasa pang muli kung hindi tamang umasa. Hihintayin nya ang pagkakataon na makikilala nya ang babaeng muling magpapatibok ng puso nyang pawang namatay panandalian.

**WAKAS**

Love Song Stories Presents: EraserheadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon