Magasin

430 7 3
                                    

*Vol. 2.3

Magasin

**

Paano kung gumanda yung babaeng ginago mo noon? Ehdi kawawa ka ngayon?! Mamatay ka sa pagsisisi!

__

Maraming ginagawa sa eskwela noong araw na yun. Si Ericka Mae Benitez, isa sa mga estudyanteng masasabing average lang ay nagmumukmok sa isang tabi at abalang abala sa mga gawaing pampaaralan.

Dahil sa isa sya sa mga tinuturing na weirdo sa klase nila, bihira lang syang makisalamuha sa mga kamag-aral. lalong lalo na sa mga kalalakihan.

Marami man syang tigidig sa mukha, at naka brace man ang kanyang mga ngipin, naniniwala si Ericka na darating din ang araw at makikilala sya sa sarili nyang pagsisikap.

"Ericka, pahinging taba!" tukso sa kanya ni Harold. Si Harold Ramos, ang pinaka pilyo sa lahat ng kalalakihan nyang kamag aral. Oo. mataba din si Ericka. Sa katotohanan nyan ay hindi na din lubos maisip ni Ericka kung bakit ganoon sya kamalas sa pagiging "panget" nya.

Hindi umimik si Ericka sa nasabing iyon ni Harold. Wala din namang magagawa ang dalaginding dahil nasanay na sya. mula pa noong elementarya ay ganoon na ang turing sa kanya ng lahat ng tao. Mapa kamag anak nya man o hindi.

Isang taon nalang naman ay magtatapos na si Ericka ng High School. Balak na lamang nya sanang mag aral sa abroad dahil yan lamang ang tanging maipagmamalaki nya. Ang maluwag na bulsa ng kanyang pamilya.

"Ericka bat ang kapal ng kilay mo? HAHAHAHA"

"tapos, harold, tignan mo yung ilong, parang sa baboy! HAHAHAH"

Hilig man ng barkada ni Harlod na asarin si Ericka, kahit kailan nama'y hindi naging masama ang turing ng dalaginding sa kanila. Tuwing may hinihingin papel o anuman kay Ericka sina Harold at ang kanyang mga kaibigan, malugod naman nya itong ipinapamahagi sa mga kalalakihan.

Patuloy sa pang aasar si harold at ang kanyang tropa kay Ericka. Halos araw araw. Walang humpay.

"tigilan nyo na nga si Ericka Harold!!" saway ng ibang kababaihan sa loob ng kanilang silid aralan. Nagpapasalamat si Ericka sa kanilang madalas na pagtatanggol. Pero sa totoo lang, ang mga babaeng to ay kung minsa'y ayaw rin lumapit kay Ericka. Hindi lang nila alam kugn bakit.. Basta.. naiirita lang din sila, kahit medyo naaawa na rin.

"Ano bang meron sakin? Hay! bakit ganito ang mundo. masyadong mapang lait. ! Makikita nila. Sinusumpa kong papayat ako. Kikinis. At gaganda ako. SINUSUMPA KOO."

sabi ni Ericka sa sarili. noong graduation night, binasag ni Ericka ang lahat ng salamin sa kanyang silid sa bahay. Hindi nya alam ang nararamdaman. Kahit kasi noong sya'y umakyat sa stage, pakiramdam nya'y sya parin ang pinagtatawanan ng madla.

--

Kolehiyo na sila. Wala padin namang nagbabago sa dalaga. Si Ericka, na 18 na, nagdebut na mataba parin at madami pading tagyawat. Misnan may naiisip nyang magpapayat at maghilamos tuwing gabi, naiisip rin naman nya na, para saan pa para gawin nya iyon?

"Dito ka rin pala nag aaral Ericka!"

bati sa kanya ng pamilyar na boses. OO. si Harold nga. Sa kamalas malasan nya nga naman.. 

Lumipas ang mga araw na nagkikitat nagbabatian si Ericka at Harold. hanggang sa subukin si Harold ng kanyang mga bagong tropa ngayong kolehiyo nang makita nilang nginitian ng panget na si Ericka ang Gwapong pilyo na si Harold.

"Sige Harold, pustahan tayo, hindi lahat ng babae kaya mong ligawan at sasagutin ka." tukso sa kanya ni Elmer.

"ano ka? LAHAT NG BABAE.. kaya kong pasagutin!"

"talaga lang ha? Sige nga, manligaw ka ng isang babaeng exotic."

"Exotic?"

"OO. Yung swanget ba." sabi naman ni Landon.

"HUH? kayang kaya ko yan, magkano pusta?"

--

"Sigurado kabang mahal mo ako Harold?" 

nararamdaman ni Ericka na hindi totoo ang emosyon ni Harold para sa kanya. Pero.. ito ang unang pagkakataon na maging masaya ang puso ni Ericka. Ngayon nya lamang naranasan na maramdaman ito.. na makaramdam na importante sya kahit papano. Ngayon pa lamang sya nailibre ng pamasahe ng isang lalaki. at higit sa lahat..

ngayon pa lang sya nagkaroon ng nobyo.

Nakaupo sa canteen ang magkasintahang si Harold at Ericka. Wala pang isang linggo noong mgaing silang dalawa. "ayoko na Ericka. Hindi ko pala kaya. Nakuha ko nanaman yung.."

"nakuha mo ang alin?"

"Yung limang daan."

"limang daan?"

--

Umuwing luhaan ang dalagang si Ericka. Sobra ang sakit na kanyang naramdaman. Hindi nya lubos maisip kung bakit sya nagtiwala sa isang taong alam nya naman na masama ang ugali at hindi gagawa ng mabuti sa mga tulad nya. Mabuti na lamang ay walang ibang nangyari sa kanila bukod sa isang halik na naganap nung sagutin nya ang binata.

Lumipas ang isang linggo at napag-alaman ni Harold at ng kanyang barkada na lumipad papuntang Australia ang niloko nilang si Ericka. Nagsisisi man si Harold ay wala padin syang magawa dahil hindi talaga nya masikmura ang makipagdate sa isang katulad ni Ericka. Dahil hindi ganoon ang mga tipo nya..

Nagkaroon ng madaming nobyang magaganda't sexy si Harold noong college at nung nagsimula na syang magtrabaho. Isang Security guard. 

Graduate man ng Marine Biology, Security guard lang ang narating ng binata. Marahil ay dahil na rin sa di maiwasang bisyo at sa pagkapilyuhan nya.

isang araw, nang mapadaan sa isang sari sari store na nagtitinda ng mga dyaryo't magasin ang binata.. Mayroong isang modelo doon ng isang kilalang magazine ang kanyang parang namumukhaan..

AHA. tama. pitong taon nadin ang nakalipas. Madami nadin ang nangyari sa kanya. Pero ngayon nya lang ulit nakita ang babaeng ito. Si ERICKA.

Nakita nya ang balinkinitang katawan ng dalaga. Parang isang dyosa ito sa kinis at ganda.

Hindi makapaniwala ang malaway laway na si Harold. Hindi nya alam ang gagawin. nang kanyang hipuin naman ang bulsa'y kulang na kulang pa ito pangkain nya sa maghapon. Kaya hindi nya mabibili ang magasing nagkakahalaga ng dalawang daang piso. Mahal pa itong magasin na ito kumpara sa kinakain nya buong araw.

Binuklat nya ang magasin upang makita ang laman. Nakita nya ang buong puso't kaluluwa ng babaeng dati nya nang pinagtripan. Sabi roon, dadating ang intrnational model na si Ericka Benitez sa Pilipinas sa susunod na linggo.

Gagawa ng isang pelikulang hindi pwede sa mga 18 years old and below.

Kung sana'y naaalala pa ng dalaga ang pangalang Harold Ramos.. ehdi sana.. Si Harold lang ang nakikinabang sa ganda ng pigurat mukha ni Ericka ngayon. 

"Sayang."

yan lamang ang tanging nasambit ng Secu na si Harold at muling bumalik sa guard house ng school na kanyang pinapasukan.

**WAKAS**

Love Song Stories Presents: EraserheadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon