Baka nga totoong natural aphrodisiac ang chocolate, analysis ni Isaac habang pinakikiramdaman ang reaksyon ng katawan dahil sa babaeng palapit sa kanya.
Nutella Eggnog ang iniinom niya, at alam niyang may phenylethylamine ang chocolates na pinagdedebatehang nakapagpapataas ng sexual desire. Nagti-trigger din ito sa utak para mag-release ng oxytocin, na nagbibigay ng magandang pakiramdam sa isang tao as if in love ito.
Iyon nga iyon. Being the man of science that he was, nakadepende siya parati sa mga napatunayang katotohanan, hindi sa instinct at lalong hindi sa kung ano ang interpretasyon ng incurable romantics sa biglang pagkabog ng dibdib o sa pag-iinit ng katawan.
Pumailanlang ang intro ng isang awit mula sa stage. Ipinaalala niyon na nakaapekto rin sa tao ang musika. At masyadong passionate ang melody at lyrics ng kanta. Idagdag pa ang boses ng mang-aawit.
Hindi siya magugulat kung malalaman niyang hindi lang bar and restaurant itong venue ng kanilang company anniversary party, na sa itaas na palapag ay may mga pinaparentahan ding kuwarto para sa mga 'nadala' ng malanding ambiance ng lugar na ito.
Lahat iyon ay nag-compile na, kaya ganito ang reaksyon ng katawan niya sa babaeng palapit.
"Hi." Mas nakita niya kaysa narinig ang sinabing iyon ng estrangherang ngayon ay kaharap na niya.
Even with the dim lights, she was a wonder from afar. Para itong magnet na humila sa mga mata ng bawat tao sa lugar na iyon, especially men's eyes. But right here in front of him, the stranger was literally taking his breath with her exquisite beauty. At sa suot nitong empire waist dress at tila nang-aakit na ngiti, gusto na niyang isiping si Aphrodite mismo itong kaharap niya, or some mythological siren.
Greek mythology ang tema ng kanilang party. At kagaya ng nakalipas na mga taon, mag-co-costume lahat ng a-attend ng party depende sa tema. Dalawampung libong piso ang premyo para sa mapipiling star of the night kaya nika-career iyon ng maraming empleyado. Tuloy, nagkalat ang mythological creatures sa palibot ng bar.
Pero ang babaeng palapit sa kanya ngayon, mukhang tunay na diyosa sa suot nitong one-shouldered ivory gown. Ang tela ng suot nito ay malambot at bumabakat ang bawat kurba ng katawan nito. Kahit hanggang sakong ang damit, may slit iyon sa kanan na umabot hanggang sa tuhod nito, naghahantad sa isang maganda at makinis na binti. Her dainty feet enclosed in open-toe stilletos looked so soft and kissable. Ang buhok nito ay naka-braid palikot sa ulo nito, tila korona. Ang mukha...
Oh, good graces! Alam na niya ngayong hindi nga imposibleng maging dahilan ng giyera ang mukha ng isang babae.
Pinilit ni Isaac na ngumiti kahit awkward. Yumuko ito sa tainga niya para marinig niya ang anumang sasabihin nito. At muntik na siyang huminga nang malalim at singhutin ang lahat ng bango nitong sumalakay sa kanya.
"Who among the gods wear eyeglasses?" Sa kabila ng masyadong malakas ang musika at nakikipagpaligsahan pa roon na kabog ng puso niya, narinig niya ang seksing boses ng babae. He felt his sex react to it but he managed to ignore it.
Kinunotan niya ito ng noo. "Huh?"
"I'm sorry. I'm just curious. Mukha ka kasing naligaw na Clark Kent sa Olympus."
Niyuko niya ang sarili. Costume party itong pinuntahan niya. Pero dahil ginabi na siya sa laboratory at wala nang oras para umuwi sa bahay ay hindi na siya nakapagpalit. Hinubad lang niya ang lab coat niya at dumerecho na rito sa venue. Hindi sa may balak siyang isuot iyong Minotaur costume na pinadala sa kanya ng kaibigan niya. Ang totoo, ayaw niyang magpunta sa kasayahang ito. Mas gusto niyang itulog na lang ang gabing ito kaysa mag-inom at magpuyat sa a-lot-like-Halloween-party-in-April get-together na iyon.
BINABASA MO ANG
Irresistible Attraction (Published)
RomanceNang makilala ni Isaac si Hazel Del Fiero, naniwala na siyang posible ngang maging dahilan ng giyera ang mukha ng isang babae. The woman takes his breath away with her exquisite beauty and sensuality that he wants to believe he has met Aphrodite he...