"What the hell! Ano ba! Hindi ka pa tapos insultuhin ako?" hinihingal na asik niya.
Gusto niyang murahin ang sarili nang tumulo ang luha niya sa kabila ng lahat ng pagpipigil niya. Gayunpaman, marahas niya iyong pinalis at itinuloy ang brave-girl act niya. Mas magandang pangibabawin niya ang galit imbis na ang paghihinagpis, lalo't kaharap ang lalaking ito.
Inabot nito ang panga niya at itinaas ang mukha niya para magtama ang tingin nila. "Bakit ikaw pa itong matapang, ah?"
She smirked, at kumilos para iiwas ang mukha sa kamay nito. "Bakit, hinihintay mo bang mag-apologize ako?"
"Ikaw ang nanira ng relasyon ng iba, ang nanakit ng taong wala namang ginawang kasalanan sa 'yo. Ang akala mo ba—"
"Puwedeng pakidalian? Magsa-shower pa kasi at magpe-prepare para sa pagdating ng lalaki ko. Kailangan naming bilisan dahil uuwi pa siya sa asawa niya pagkatapos namin."
Kitang-kita kung paanong naggalawan ang muscles sa panga ng kaharap. She swore she had never seen him—or anyone for that matter—this angry. Nag-igtingan maging ang mga ugat sa leeg nito at kulang na lang apoy na rin ang lumabas sa mata at bibig nito. Base sa humigpit nitong hawak ng isang kamay nitong nasa baywang niya, alam niyang nagpipigil lang itong saktan siya physically.
At dapat ay kinakabahan na siya ngayon, nagmamakaawang pawalan siya nito. But she was so consumed with indignation to care about his anger.
Nagagalit siya—kay Isaac, sa sarili niya at sa sinumang tamaan sana ng hayup na kumuha at nagpadala ng video na iyon. Nagagalit siya at alam niyang sa kanilang dalawa, mas may karapatan siyang makaramdam ng emosyong iyon.
Ganito pala ang pakiramdam ng mapagbintangan at ng hindi paniwalaan; ang pakiramdam kapag imbis na ma-appreciate, minasama pa ang grabeng sakripisyong ginawa mo. She had let him go kahit masakit, pero ito ang napala niya.
"F*ck you," he muttered through gritted teeth; his voice full of raging contempt.
Hindi niya pinansin ang sakit na dinulot niyon na tumagos yata hanggang kaluluwa niya. Sarkastiko siyang ngumisi. "Oh yes, Isaac Leutkenholter," asik niya habang sinasalubong ang nagliliyab nitong tingin. "I can't wait to be f*cked by you."
He muttered an expletive. Sa isang iglap, inatake ng bibig nito ang bibig niya at mapuwersa siyang hinagkan.
Galit na pinagtutulak niya ito sa dibdib at pinaghahampas, habang panay ang piglas upang bitawan nito ang labi niya. Ngunit walang epekto sa malaki nitong katawan sa kaliliit niyang mga palad. Madiing nakayakap sa baywang niya ang isa nitong braso habang nakasapo sa panga niya ang isang kamay, patuloy sa pananalakay sa bibig niya ang dila.
"Oh yes, damn you!" asik nito bago sinalo ang puwitan niya at idinikdik ang katigasan sa katawan niya.
She whimpered against his mouth. Ayaw niya sana pero gumuhit ang mainit at masarap na sensasyon sa gulugod niya dahil sa pagdidikit ng mga katawan nila. Agad-agad sumalakay sa isip niya ang alalala ng gabing iyon, kung kalian una siyang hinagkan ni Ice. He was tender then, puno ng pag-iingat ang halik kahit pa naroon din ang init. For a moment then, she thought he felt the same way about her. For a moment, she believed those foolish ideas about true love and destiny crap.
Ngunit hindi ganoon ngayon. Walang gentleness sa alinman sa mga kilos nito. At nasasaktan siya.
"Goddamit! How could you taste so sweet?" pasinghal na ani Isaac. He gave the length of her neck a sensual lick before nipping on the soft flesh between her neck and shoulder. Nalimutan niya ang tungkol sa panlalaban at natunaw iyon kasama ng mga buto niya.
BINABASA MO ANG
Irresistible Attraction (Published)
RomanceNang makilala ni Isaac si Hazel Del Fiero, naniwala na siyang posible ngang maging dahilan ng giyera ang mukha ng isang babae. The woman takes his breath away with her exquisite beauty and sensuality that he wants to believe he has met Aphrodite he...