Natigilan si Isaac sa tanong ng kaharap, bahagyang namilog ang mga mata.
Special mission.
Secret.
Nadidinig lang niya ang mga salitang iyon kapag naglalaro siya ng RPGs.
Kumabog ang dibdib niya sa pinaghalu-halong excitement, arousal, at kaba. Iyong huli ang pinakamabigat sa mga iyon. Kung action ang susunod nilang mga eksena, baka magkalat siya ng kahihiyan. At kahit sanay siyang mapahiya noong elementary at high school, hindi niya yata gustong mapahiya sa harap ng unang babaeng nagparamdam sa kanya ng ganitong... attraction.
Napalunok siya bago sumagot. "O-oo naman. Ano ba 'yun?"
Lumapit si Hazel lalo sa kanya, tumingkayad at bumulong sa tainga niya. "I'm one of the judges for the 'Star of Night' contest kaya nga ako nag-iikot-ikot. Secret lang natin, ah."
"Oh." Hindi niya alam kung dismaya o relief ang kanyang naramdaman.
"Nabanggit mo nang chemist ka kaya malayo ito, pero maalam ka ba sa Greek Mythology?" usisa nito.
"Ahm, konti." That was an understatement of course.
Hellenistic History was one of his favorite part of history noong nag-aaral pa siya. At ang mitolohiya ng mga Griyego ang isa sa marami niyang interes—along with Astrophysics, Metereology, Algebra, Tolkien's Elvish language and—nevermind.
Anyway, back to Greek Mythology, fascinated na fascinated siya kung paanong nilikha ng mga Griyego ang mga diyos nila, ganoon din ang mga kuwento roon.
"Wala kasi akong masyadong alam sa Greek mythology maliban sa mga basics, like 'yung major gods. Hindi ko alam kung anong creature 'yung ibang nandito o kung ayos ba sa character. Kaya pakiramdam ko, hindi ko ito magagawan ng justice. Puwede mo kaya 'kong tulungan?"
Natigilan siya; muling inatake ng nerbyos. Pero naisip niya, ganitong 'rescue jobs' ang kaya ng gaya niya. "S-sure."
"Tatanungin lang kita tungkol d'un sa mga kung sinu-sinong myth character." Tiningala siya nito. "Okay lang ba 'yun? Pero okay lang sa 'kin kung mas gusto mong mapag-isa dito sa bar?"
Sandali siyang nag-isip. The latter sounded easier, safer... and boring. Ganoong mga tipo ang comfort zone niya. Pero para namang iinsultuhin niya ang sarili niyang DNA at magpapakatanga kung tatanggihan niya ang babaeng ito. She was every man's fantasy; every geek's impossible dream. Alam niya at kanina pa niya nararamdaman ang naiinggit na mga tingin ng mga lalaking nasa bar na iyon. Sigurado siya, mag-uunahan ang mga itong lumapit kay Hazel sa oras na iwan niya ito.
And maybe, it was time he tried to get out of his so-called comfort zone.
Itinaas niya ang salamin sa balingusan ng kanyang ilong gamit ang isang hintuturo. "Sige, ta-try kong tulungan ka."
"Perfect! Let's start na with that one." Isinabit nito ang braso sa braso niya, hinila siya patayo at nagsimula silang maglakad. "Ano 'yung bitbit niya?" turo nito sa isang lalaki.
Bahagya siyang naningkit para mas malinaw na makita ang itinuturo nito. Dim ang mga ilaw sa bar na iyon pero mas okay iyon sa kanya dahil mas sensitibo ang mga mata niya sa sobrang liwanag. "Oh, that must be the golden Apple of Discord. Si Paris 'yun."
"Wait. Kilala ko siya." Cute na kumunot ang noo nito habang nag-iisip na para bang tunay na tao ang pinag-uusapan nila. "'Yun 'yung sa Troy, di ba? 'Yung pumatay kay Brad Pitt?" Naintindihan niyang ang character ng nabanggit na actor ang tinutukoy nito. "'Yung... si Legolas? What's that poging actor's name nga?"
BINABASA MO ANG
Irresistible Attraction (Published)
Любовные романыNang makilala ni Isaac si Hazel Del Fiero, naniwala na siyang posible ngang maging dahilan ng giyera ang mukha ng isang babae. The woman takes his breath away with her exquisite beauty and sensuality that he wants to believe he has met Aphrodite he...