Chapter 3

441 19 1
                                    


"Wow, nagtu-twelve days of Christmas ba 'yang manliligaw mo, Sir?" natatawang tanong ni Gina, ang assistant niya.

Pilit niya itong nginitian kahit napipikon na sa panunudyo nito. Dumerecho siya sa opisina niya at ipinatong na lang basta sa mesa ang package na inabot nito nang ni hindi binubuksan, at hinarap na ang lab report na ginagawa niya sa computer.

Pangatlong araw nang may natatanggap siyang regalo mula sa isang 'Hazel Del Fierro' at pangatlong araw na rin siyang tinutudyo ng mga kaopisina dahil doon.

Noong unang araw, isang box ng Belgian chocolates. Guilty pleasure niya ang mga tsokolate at hindi niya iyon na-resist kahit sa likod ng isip niya ay naroon ang pangambang baka may gayuma iyon. In the first place, hindi na iyon kailangan ng dalaga. Tingin lang nito at ngiti, gayuma na ang epekto sa kanya. Pero siyempre hindi niya iyon aaminin.

Kahapon naman, isang malaking Tupperware ng pasta dish na may red sauce. Pinagpamigayan na lang niya iyon sa mga katrabaho dahil hindi naman niya kayang ubusin lahat.

Ngayon, sigurado siyang hindi pagkain ang laman ng package, pero hindi siya interesado. Kuno.

Napabuntong-hiningang inabot niya ang balutan para buksan. Hindi na niya kayang magpanggap na hindi siya interesado roon.

T-shirt na may design ng molecular structure ng theobromine ang naroon. Mukhang alam ng babae na choco addict talaga siya. Kulay steel blue iyon, iyong pinakagusto niyang shade ng asul at maganda ang tela. Sigurado siya, kasya iyon sa kanya. He'd have to give it to Hazel, magaling itong mag-research tungkol sa kanya.

Ibinaba niya ang t-shirt at hinarap ang lumamig na niyang tanghalian. Lampas ala una na pero ngayon lang siya nag-lunch. At imbis na mga kasamahan sa Research Department ang kasalo niya, trabaho ang kaharap niya habang kumakain.

Sumubo siya ng isa ng kanyang chicken ala king at ngumuya habang nakatitig sa regalo; iniisip ang babaeng nagbigay niyon.

He sighed again. Hindi na niya alam kung ano ang iisipin o mararamdaman. Ano ba ang ginagawa ni Hazel? Talaga bang gusto siya nito o pinagtitripan lang? At ano ba ang nangyayari at ganito na lang kalakas ang dating nito sa kanya? He was not supposed to feel this way about her.

Ibinaba niya ang pause nang maringgan ang tunog ng kanyang ringtone. Sinalakay siya ng matinding guilt nang makita ang pangalan ng nobya.

"Mel," bati niya.

"Huhulaan ko, ngayon ka palang nagla-lunch," anito.

"Tinapos ko lang 'yung ginagawa ko. Ayoko namang huminto sa kalagitnaan," depensa niya.

They were working on a new technology, kung saan rice hulls o iyong balat ng palay ang gagamitin nilang raw material para makagawa ng papel.

Mula noong i-hire siya ng PaperWorld bilang chemist seven years ago, matapos mabasa ng may-ari ang research niya tungkol sa paggamit ng damo sa paggawa ng papel, hindi pa yata niya nagawang kumain o umuwi sa tamang oras. Hindi siya masyadong proud na workaholic siya sa trabaho, pero iyon talaga ang gusto niya. Mas masaya siyang mag-stay sa laboratory kaysa sa bahay o kaya ay sa kung saang party.

Party. Isang mukha ang dumaan sa isip niya na agad niyang pinalis.

Noong huli niyang punta sa isang party, minalas lang siya. Dapat talaga, sinunod niya ang instinct at hindi na nagpapilit na magtungo sa bar na iyon.

Bumuntong-hininga for the nth time si Isaac. Walang productivity sa panghihinayang. Mas mabuti talagang kalimutan na lang iyon at charge it to experience na lang. Pero paano siya makakalimot kung heto, as if hindi pa sapat ang pangungulit ng mga alaala ng gabing iyon, panay ang padala ni Hazel ng regalo at notes. Hindi yata nito naintindihan ang sinabi niya noong gabing iyon na may nobya na siya at malapit nang ikasal.

Irresistible Attraction (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon