"Circe?" nabiglang ulit ni Isaac sa binanggit ni Emily na kinaroroonan nito at ng half-sister niya. "Itong nasa Quezon Ave? Are you sure?" kumpirma niya sa kausap sa telepono.
"Yes, Kuya. Sinama n'ung guard si Leigh, di ko alam kung s'an dinala." Kabarkada ito ni Leigh. Ayon sa babae, lasing na ang kapatid niya at nagwawala kanina sa nabanggit na bar.
"Okay. Andyan na ako," sabi lang niya bago tinapos ang tawag.
Napabuntong-hiningang inihinto niya ang kotse sa parking lot sa harap ng establishment. Dahil Sabado, halos wala siyang mapuwestuhan doon. Inalis niya ang heaphone na suot at limang segundong huminga-buga muna bago bumaba ng sasakyan.
Hindi na niya mabilang kung ilang beses na niyang nagawa ang ganito mula noong mapunta sa poder niya si Leigh.
Anak ito ng kanyang ama sa pangalawa nitong asawa. Nang maghiwalay ang mga ito, sa kanya iniwan ang dalagita. Hindi nila alam kung nasaan ang kanyang ama, habang ang ina nito ay masyadong gumon sa alak at sugal dahil sa depression para magawang mag-asikaso ng anak.
Galit man siya sa ama at sa stepmother, hindi niya kayang magalit din kay Leigh. Alam niya, nagrerebelde lang sa ngayon ang seventeen-year old na babae dahil nga sa nangyari sa mga magulang nito, bukod pa sa hindi sila ganoon kalapit.
Sanay na siya sa ganitong sitwasyon. Kaya alam niyang hindi ang pagsundo sa kapatid ang dahilan ng tila acid reflux niya. O ng pagpa-palpitate ng puso niya. Itong bar na ito ang dahilan.
Muli siyang bumuntong-hininga bago pumasok sa entrance. Kulang isang linggo na mula noong huli siyang pumaroon pero pakiramdam niya, taon na mula noong huli niyang makita si—
Parang napako ang mga paa ni Isaac sa kinatatayuan at ang paningin niya sa dalagang nasa stage.
Hazel...
His eyes voraciously took in the stunning sight of her. Nakasuot ito ng isang simpleng tube blouse, skinny jeans, sexy stilletos nakaladlad ang kulot na buhok, nakaharap sa isang mic stand, may nakasabit na red electric guitar sa balikat, nakapikit habang umaawit.
And then the rest of the world ceased to exist for him.
She was so beautiful she took his breath away... but she also looked so sad it tugged at several strings in his heart.
Dumilat ito at tumuon sa kawalan ang mga mata. He noticed how sad her eyes were, almost teary; how emotional her voice as if she was singing her heart and soul out. Like she was thinking too deep, reminiscing a lost love and feeling the ache all over again. Hindi siya pamilyar sa awit na kinakanta nito pero tila napakalungkot niyon sa interpretation ni Hazel at namimigat ang dibdib niya.
And this was too far from the fun, little flirty girl he met a few night's ago. This woman looked so heartbroken.
A lump formed in his throat.
Oh come on, man up, Isaac.
Nakapikit ito nang matapos ang awit. At bahagya siyang nagising mula sa pagkakatulala nang magpalakpakan ang mga tao sa bar na iyon. For a while there, he completely forgotten where he was, and who he were—a man engaged to a woman he professed he loved.
"I love you, Hazel!" walang hiyang sigaw ng isang lalaki mula sa kaliwa niya.
"I love you too," sabi lang ng babae bago bumaba na sa stage. May sinasabi sa mic ang lalaking nasa harap ng keyboard pero hindi na niya iyon naintindihan dahil nakatuon siya sa dalagang nakangiting nang matamis habang palapit sa kanya.
BINABASA MO ANG
Irresistible Attraction (Published)
RomanceNang makilala ni Isaac si Hazel Del Fiero, naniwala na siyang posible ngang maging dahilan ng giyera ang mukha ng isang babae. The woman takes his breath away with her exquisite beauty and sensuality that he wants to believe he has met Aphrodite he...