Chapter 6 *Feelings*

11 0 0
                                    

FEELINGS

Macy

"MACY! TANGHALI NA!!" sigaw ni nanay mula sa labas

Ugh.

"Opo nay limang minuto!" Sigaw ko

*Bogsh*

"Waaah!" Napabalikwas ako agad sa gulat

"Hindi ka ba gigising diyan! Huh?!" Sabi ni nanay na may Hawak pang kahoy na ready ng pamalo sakin kaya agad nagising ang diwa ko at napatayo agad

"N-nay? Y-yung.. ." Hindi ko matuloy ang sinasabi ko dahil  sa lukot ng mukha ni nanay

"Ano?!!" Sigaw ulit niya

"Nayungpintuankobasirana?" Derederetso kong sabi at napapikit na lang ako at i reready ko na yung pwet kong mapalo

5 . 4.. 3.. 2..... 1..

Napasilip ako sa kaliwang mata ko. At pagtingin ko wala si nanay kaya agad kong Minulat ang mga mata ko at tiningnan ko sa may pintuan si nanay habang nag pailing iling habang hawak ang sentido niya na parang nag iisip

"Anak . . Sira na ata doorknob mo at kailangan mo ng bumili ng bago" sabi ni nanay na nagtransform sa lion to Inosenteng pusa

"H-huh? Nay naman eh!" Pagmamaktol ko

"May reklamo ka?" Sabi ni nanay na mukhang naiinis na naman

"Ah eh hehe sabi ko nga bibili na lang ako ng bagong doorknob ehehe" sabi ko sabay peace sign Agad kong kinuha ang twalya ko at agad agad na naglakad palabas papuntang banyo at naramdaman kong sumusunod si nanay pero bago pa man yun

"Sinong may ari nito?" Sabi niya

Agad akong napaharap sakanya at nagulat ako ng bonggang bongga. . Yung jacket ni Zeo

"Sinong May ari nito huh? At may pangalan pang nakatatak oh Zeo" Sabi ni nanay

"Huh? Eh. Kasi ano-"

"Umamin ka nga sakin boyfriend mo ba tung Zeo na to?" Tanong ni nanay

Sana nga nay

"Hoy! Sumagot ka!" Sigaw ni nanay kaya nagising ako sa realidad

"Huh eh. Hindi nay"

"Eh saan galing to?" Takang tanong niya sabay taas yung jacket

"Pag mamay ari ni Zeo smith yan nay"

"Smith?"

"Ah opo nay yung kapitbahay nila marie" pagpapaliwanag ko

"Teka ang may ari nito ay si Zeo smith, alaga ni Manang mina?"

Bigla akong Natameme sa sinabi na ni nanay

"Nay kilala mo si Zeo? Kilala mo si manang mina?" Takang tanong ko kasi wala akong binabanggit kay nanay tungkol kay manang mina at lalong lalo na si Zeo

"Oo. Kasi dun yung pinagtratrabahuhan ko tatlong araw na nakakaraan"

Kulang na lang bumagsak ang panga ko sa Floor sa subrang gulat na tanong ni nanay What the? Ibig sabihin Kilala na ni nanay si Zeo at lalaong lalo na si Manang mina?

Just The Way You AreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon