Chapter 9 *Comfortable*

11 0 0
                                    

Chapter 9 - Comfortable

Macy

"Marie?" Pagtatawag ko kay marie

"Bakit?" Walang gana niyang sagot

"Galit ka pa ba?" Tanong ko sakanya

"Hindi naman. Bakit naman ako magagalit?" Sagot niya at nafocus ulit siya sa pagsusulat.

Kasalukuyang nandito kami sa Library at Gumagawa ng assignment, Nagpaliwanang na ako kahapon tungkol kay Zeo at Inamin ko na nagkausap kami, Pero hindi ko lang malamang dahilan naiinis pa din siya saakin at hindi pa din niya ako masyadung kinakausap.

"Marie, Alam kong--"

"Macy Pwede ba? Busy ako." Sagot niya inayus na niya ang gamit niya at tumayo na siya "Gusto kong mapag isa." Dagdag pa niya at naglakad na siya palabas ng library.

Alam kong masama pa din ang loob sakin ni Marie dahil kay Zeo, Hindi ko alam na nakakagawa na pala ako ng kinalalabag ng loob ni Marie.

"Hey." Napaangat ako ng tingin at nakita ko yung babaeng nanlibre sakin ng Strawberry cake noon.

"Oh Hi." Sagot ko at nginitian ko lang siya

"Ahm Okay ka na? Gusto ko lang sana humingi ng tawad noon nakaraan." Sabi niya

"Okay lang yun. Tska ako rin naman may kasalanan dahil hindi ko sinabi na allergic ako sa strawberry." Pagpapaliwanag ko sakanya

"Ako nga pala si Andy 3rd year college bago lang ako dito, Blockmates tayo sa ibang subject." Pagpapakilala niya sa sarili niya.

"Ako naman si Macy, Akalain mo nga naman hindi man lang kita napapansin." Sagot ko naman

"Busy ka kasi kay Marie." Tawang sabi niya "Malungkot ka ata?" Takang tanong niya

"May itatanong ako."

"Ano yun?" Sagot niya

"May Misunderstanding lang kami ng kaibigan ko. Masama yung loob niya sakin kasi. . ." Hindi ko na itinuloy kasi nakikipag usap ako sa hindi ko kakilala

"Kasi? . .ituloy mo, Don't worry I'm a good girl at hindi ako tsimosa, Mapagkakatiwalaan ako." Pagpapaliwanang niya

"Kasi. . ."

"Dahil kay Zeo?" Pagtutuloy niya sa sinabi ko. Nagulat ako sa sinabi niya, Paano niya nalaman?

"Nakikita ko kay Marie, I know na Marie Loves Zeo, The way she Act, The way she look at Zeo and the Problem is you getting closer to Zeo and Marie Doesn't like that." Pagpapaliwanag niya

Bigla akong nalungkot sa sinabi kasi mukhang alam na nga niya ang nagyayari saming tatlo

"Don't get mad, but sad to say Nakikita ko Si Marie ang may problema, You know why? Kasi wala siyang tiwala sayo kaya siya nagagalit sayo but i understand Marie kasi Nagmamahal rin lang naman siya and she always follow her heart." Sabi niya

Napatingin ako ng deretso sakanya "Alam mo bilang isang kaibigan, Ito lang ang maipapayo ko sayo kailangan mong layuan si Zeo para hindi lumayo ang loob ni Marie sayo at hindi masira ang pagkakaibigan niyo, kailangan mong intindihin sa ngayon ang nararamdaman ni Marie. You get me right?" Sabi niya

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 26, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just The Way You AreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon