Part1:its me!

2.8K 37 2
                                    

Rae's Point of View

Krrrrr....krrrrr..krriiing...napamulat ang mata ko bigla!

"Nakakainis!Sino ba kasi tong tumatawag? Ang sarap pa namang matulog!"Dahan-dahan kong kinapa ang mobile phone ko sa aking side table.
Napanganga ako kasi hindi naman pala tawag kundi alarm clock..

"Naku alas kwatro na pala ng umaga!Ang bilis naman ng gabi."kahit gustuhin ko pang matulog hindi pwede.May kapatid pa kasi akong dapat asikasuhin.Ipagluluto ko pa bago kami pumasok sa eskwelahan.Grade6 palang siya kaya dapat pa siyang alagaan.Hindi katulad ko na sa wakas ay graduating na sa course kong EDUCATION(secondary)major in mathematics."char..palang wala sa mukha".Dalawang taon kasi akong tumigil noon,self supportive para makatulong sa mama ko.

Habang nagluluto ako ay isinasabay ko na ang paglilinis sa aming bahay.
Bahay namin na bungalow type.Dipa nga tapos kasi kawayan na ang dinding sa may kusina.Tapos dalawa lang ang kwarto and take note wala pang sariling pinto.Tanging kurtina lamang ang nakaharang dito.Pero proud parin ako kasi pinaghirapan itong itayo ng mga magulang ko.Kahit pa tv at radyo lang ang gamit namin sa bahay..

Bigla ko tuloy naisip si mama.
"Haizzzt.!"I sighed.
Nagtatrabaho siya bilang kasambahay sa kabilang bayan,para lang matustusan ang pangangailangan naming magkapatid.Wala na kasi si papa.Magtatatlong taon na ang  nakalipas ng binawian na siya ng buhay.Namatay siya sa disgrasiya ng hindi siya nakasakay sa kanyang trycicle. In short nasagasaan siya..
Pero para sa akin parang kasama pa namin siya.Sa akin na kasi iniwan ang trycycle nito.Lagi ko itong nililinis at pinapaliguan para kahit papaano magmukhang  bago..

"Dylan,bilisan mo tanghali na.Kanina pa kita hinihintay."sigaw ko sa kapatid ko ng bumalik na ako sa huwisyo.
Nakakainis talaga yun,ang bagal niya kumilos.

   "Oo ate,andyan na po."nakabihis na ito  ng lumabas sa aming kwarto..

"Kumain ka na.Bilisan mo ha!"utos ko kay Dylan.
Mahilig kasi ito sa TUNGANGA pa MORE!Kaya palagi kong pinapaalalahanan.

Dali-dali na akong pumasok sa banyo at naligo.
After 15 mins ay lumabas na ako.

"Dylan!Andyan ka parin."bulyaw ko ng makita  ko parin siya sa may lamesa..ngrrR! Wala pa sa kalahati ang nakain..

"Ate naman eh."reklamo pa nito 
Nakakainis!Lagi na lng siyang ganyan.Nakakahighblood!
Pumasok na ako sa kwarto at nagbihis..Talagang late na ako.tsssk!tssk!
I have no choice kundi magmomotor kami ngayon.Buti nalang tinanggal ko yung sidecar kahapon.

Pagkalabas ko sa kwarto ay dumiretso na ako sa labas..Kaylangan ko pa kasing  punasan ang gagamitin naming sasakyan.
Patapos na nga ako pero di pa rin lumalabas si Dylan.

"DiiiiiiiiiilLaAAn"sigaw ko dahil na sa sobrang inis.

"I'm coming."sagot nito habang itoy palabas na.
Hindi nalang ako umimik  sa halip tinignan ko nalang siya ng masama.

Pagkatapos kong ilock ang pinto,inilabas ko na ang motor..Malapit lng naman ang school na pinapasukan namin.But still we are already 20mins late..

"Dylan,double time pls..!"naiirita na ako,baka nagsimula na kasi ang klase ko.ngRrrrrr..!

Naihatid ko na si Dylan kaya dumiretso na ako sa St.Jude University.

"This is me,Rae Algerine M.Alcantara,and this is my daily routine."Bulong ko habang papasok sa gate ng eskwelahan.


A/N:
Sorry po maiksi po ang update!
Free to comment,mapa good/badvives are purely accepted!para alam ko po ang dapat kong gawin sa susunod kong UD..Salamat

you're my SLAVE,you're MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon