"Hindi Pa Pwede"
Alas singko pa lamang nang umaga nasa kalsada na ako, nag-aabang ng tricycle o 'di kaya'y jeep na masasakyan papasok ng paaralan.
Nababagot na ako, wala pa ding sasakyan na dumadaan. Mala-late ako nito. Medyo may kalayuan din kasi ang aking paaralan. May gagawin pa ako kaya kailangan kong pumasok nang mas maaga.
Pagkatapos ng mahabang paghihintay ay nakasakay din ako. Madalas ay inaabot ng dalawampung minuto o 'di kaya minsan ay tatlumpung minuto bago makaabot sa sentro, kung saan naroon ang aking paaralang pinapasukan.
Medyo katapat lamang ng isang maliit na mall ang paaralan kaya't doon ako bumaba at upang makabili at makagawa na din ng aking report.
Tutal ay sarado pa ang mismong mall ay doon ako pumunta sa katabi nitong convenience store. Pagpasok ko'y dumeretso ako sa isang refrigerator at kumuha ng paborito kong inuming cold coffee, saka ako pumunta sa isang sulok kung saan ay may iilang school supplies at kumuha ng isang manila paper at dumeretso sa counter upang magbayad.
Pagkabayad ko'y dumeretso ako sa pwesto kung saan ay may mga upuan at lamesa. Hindi lamang ako ang narororoon, may apat pang nandoon din at nag-aalmusal. Isang pamilyar na lalaki ang nakita ko, nakasuot siya ng unipormeng katulad ng sa mga kaklase kong lalaki.
Umupo na ako at saka inilatag ang manila paper. Sinimulan ko na ang paggawa ng report ko. Tiningnan ko ang pambisig kong relo, 5:39, pwede pa akong gumawa sa loob ng labing limang minute at tumakbo papasok ng paaralan. Mas gusto kong gumawa dito kasi mas matahimik, kapag sa silid-aralan kasi'y maiingay at magugulo ang aking mga kaklase.
Sinimulan ko ang mag-isip ng strategy habang nagsusulat para gawing visual aids para sa aking report. Habang ako'y nagsusulat, maya-maya din ang inom ko ng aking kape.
Hindi ko namalayan na limang minute nalang bago ang mag-umpisa ang klase. Dali-dali' kong tinupi ang manila paper, isinukbit ang bag sa aking balikat at tumakbo na palabas ng convenience store at mabilis na tumungo papasok ng campus.
Hinihingal naman akong nakapasok sa silid. Naroon na din ang mga kaklase ko.
"Huy, anong nangyari sa'yo? Sumali ka ba sa marathon?" tanong sa akin ng isa sa malapit kong kabigan dito sa klase.
"Nagmamadali ako, akala ko nandito na si Ma'am. Na-stock ako sa 7-11! Letse din kasi minsan 'tong report na 'to e. Ako lang mag-sa magre-report dito. Ang dami-dami pang gagawin oh!" sagot ko na medyo pagalit habang hinihingal pa din ako! Hindi lang naman kasi school ang inaasikaso ko.
"Hay naku! Buti't nakaabot kang wala pa si mmaa'am. Peram muna ng pentelpen."
"Saglit lang." sagot ko, sabay ibinaba ko ang bag ko sa upuan ng aking arm chair at binuksan ang bulsa ng bag ko para kunin ang pentelpen. Pero wala akong makapang pentelpen. Tiningnan ko, pera wala talaga.
"Naiwan ko ata 'yung pentelpen. Nagmamadali na kasi ako." sabi ko sa kanya habang hinahalukay pa din ang bag ko. Nagbabakasakali na aka nandoon lang. Pero wala talaga.
"Pasensya na wala talaga. Hiram ka nalang sa iba." Sabi ko habang kapa-kapa pa din ang bag ko, saka siya tumalikod upang manghiram nalang siguro sa iba.
Dumating ang unang guro naming sa oras na iyon. Nagsimula akong mag-ulat sa unahan. Ang daming tanong ng aking mga kaklase, buti na lamang ay nasagot ko iyon lahat. Wooh! Nakakuha ako ng mataas na puntos para sa aking pag-uulat sa araw na iyon.
Lumipas na ang tatlong oras na nakikinig ako o 'di kaya'y nakikipagdaldalan lamang ako sa aking katabi, hanggang sa oras na ng recess.
"Nagugutom na ako." sabi ng aking katabi. Nilingon ko siya.