Nagising nalang ako sa isang malawak na kwarto. Nagulat ako kasi may biglang humawak sa kamay ko at iyon ay si Carl.
"Phew. Akala ko sino na"tiningnan niya lang ako ng seryoso at sinimangutan ako. Hays eto talagang lalakeng ito.
"Ayos ka lang ba? Bat ka nahilo kanina?"tanong niya.
"Gutom lang ata"tipid kong sagot. Tatayo na sana ako pero natumba ako kaya agad niya akong itinayo at inalalayan sa paglakad. Hays kailan talaga ang sweet nito.
"Ui anong nangyare kay Yumi?"tanong agad ni JP.
"Ayiee. Answeet nila"sabay nilang sigaw. Tae. Nagbablush naako.
"Shh. Wag kayo maingay"seryosong pagkasabi ni Grey. Tumayo siya at pumunta sa kusina. Nakaramdam daw siya ng gumagalaw na bagay dun. Tinignan niya iyon at bigla nalang siyang napasigaw. Agad silang pumunta sa kusina upang tingnan kung ano ang nandun habang ako naman naka upo lang sa sofa kasi masakit yung paa ko.
"Ambaho. Anu bayan?!"laking gulat nalang nila ng may nakita silang isang patay na pusa.
Agad tumawa ang magkakaibigan maliban kay Grey.
"HAHAHAHA LAPTRIP. HAHAHA. PUSA LANG PALA."Sabi ni Rosh na inipit na yung kamay kakatawa dahil nakahiga na.
Seryoso parin si Grey. Chineck niya yung sugat ng mga pusa at may pinulot siyang papel doon sa ilalim ng pusa.
Get ready. You will be the next.
-Unknown
Nagsimula na kaming kabahan kung sino nagsulat niyan. Pati sina Rosh na kanina tawa ng tawa, ngayon ay takot na ang kanilang nararamdaman.
"Sino ang may gawa nito?! Sagot!" Galit na galit na si Grey.
"Sagot!" Inulit niya. Pero lahat kami ay nakatulala lang.
"Alam kong isa sa atin ang killer. Kaya kung sino ka man. Umamin ka."sigaw parin ni Grey.
"Wala na tayong pag asa pa. Lahat tayo mamamatay dahil lang sa Field Trip na ito."bulong ko sa sarili pero narinig parin nila.
Third Person's POV
Hahahhaha. Oo tama ka Mayumi. Tamang tama. Relax Grey Relax. HMM. sino kaya susunod kong patayin? Aha! Siya. Get ready.
Carl's POV
Ramdam ko ang galit na namumuo sa puso ni Grey. Galit na galit siya."Wala na tayong mapagkakatiwalaan pa kasi alam kong nandito din siya sa bahay na ito. Wala na tayong takas"
Pati ako, gusto kong mapamura sa ginagawa ng killer. Pero pinipigilan ko lang kasi nandito mga kaibigan ko.
Hindi ko akalain na isa pala sa aming magbabarkada ay may traydor at killer.
Mayumi's POV
Pagkatapos nun ay pumunta kami sa mga kwarto namin. At sa iisang kwarto tig dadalawang tao lang. Babae at lalake. Upang maprotektahan ng isa't isa ang mga kaibigan nila.12:00am. Tulog na ang lahat maliban sa akin. Hindi ako makatulog. Bigla nalang akong niyakap ni Carl. Pinabayaan ko nalang siya. Habang nakayakap siya saakin. Unti unti nang pumipikit ang mata ko hanggang sa nakatulog naako.
Allyna's POV
Hays. Nauuhaw naako. Makapunta na nga sa babaNung binuksan ko yung ref. May nakita akong maliit na papel. Kinuha ko iyon at binasa.
Rest in peace
Yan ang nakasulat. Bigla akong kinabahan sa nabasa ko. Hindi ko kayang lumiko kasi natatakot ako. Pinakalma ko muna yung sarili ko atsaka lumakad ng dahan dahan. Habang naglalakad ako. May nabangga ako. Nagulat na lang ako ng may hawak siyang kutsilyo na akmang sasaksakin na niya ang noo ko. Pero bakit siya? Bakit?. Alam kong ito na ang katapusan ko. Wala naakong nagawa kundi pumikit at pinabayaan siyang saksakin ako. Doon ko nalang nakita ang totoo niyang pagkatao at dumilim na ang paligid ko.
Unknown's POV
Mission success. And yeah. Buti nalang siya yung bumaba. My most hatiest person ever. Nakakairita yang babaeng yan. Lalagyan ko nalang ng sweet letter yung kutsilyo na nakasaksak sa noo niya.Goodbye my sweet enemy. You may now Rest in War.
Grabe ang saya talaga wooh.
Now. Whos next? Uhm. Hindi muna ako magpapatay bukas. Im going to let them think kung sino ba talaga ang killer. Haha.