"Bakit? Sino ka?" Tanong ko sa lalake.
"May natatagong sekreto sa iyo Mayumi. Sabihin mo kung ano iyan" pagkasabi at pagkasabi niya nun ay bigla akong kinabahan.
Ayokong malaman nila ang sekretong nasa pagkatao ko, nasa puso ko.
"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo" yan lang ang tanging nasabi ko at nagmamadali akong tumakbo pero hindi ko alam na...
Katapusan ko na pala...
Nakikita ko ang anino niya. Pero hindi ko siya mamukhaan.
"Ikaw ang sanhi at ikaw din ang magiging bunga ng kamatayan nila" sarkastikong pagkasabi niya.
Siya ba ang papatay saamin?
"Oo, tama ka ng iniisip... ako ang papatay sainyo.. "hindi ko na siya pinatapos magsalita at akmang susugurin ko siya pero naunahan niya ako..
Tinapunan niya ako ng gas atsaka naglagay siya ng papel na nasusunog tska itinapon saakin.
"Waggggg"
"Waggggg" nagising ako ng wala sa oras. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Panaginip lang pala. Akala ko totoo na. Pawis na pawis ako at hinahabol ko lahat ng hininga ko.
Pero...
Totoo ba ang sinabi niya?
Wala akong sekreto.. ni isa wala akong sekreto.
"Oh inom ka muna"sabi ni Alyssa at inabot naman ni Shania yung tubig. Pinakain din nila ako. Kakapasok palang ni Ella na may dalang tray para sa pagkain.
"Salamat"tipid kong sagot. Lahat sila nandito at nag alala dahil sa akin.
Bakas sa mukha ni Carl na nag alala siya pero bakit nararamdaman ko na parang seryoso at galit siya?
Binalewala ko nalang yun at kumain habang silang lahat naman ay nakatingin saakin.
"Grabe naman kayo makatitig, natutunaw na yung tao kakatitig niyo"pambibiro ko habang may pagkain pa sa bibig ko.
"Dont talk when your mouth is full"Seryosong sabi ni Grey at Carl.
"Guys. Asan niyo inilagay yung bangkay ni Allyna?"tanong ni Ella. Oo nga saan nilagay ni Josh at Rain yung bangkay ni Allyna?
"Sa bodega"yan lang ang sagot ni Rain at umupo sa tabi ko.
"Asan si John?"tiningnan ko kanina kung saan nakatayo si Shania pero wala na pala siya. Kinabahan ako bigla at agad agad pumunta si Ella sa baba para hanapin si Shania.
"John?!"napasigaw siya sa kanyang nakita at agad agad kaming nagsitakbuhan papunta sa baba para tingnan kung anong nangyare.
Nakita namin si Shania na nakabigti. Tuyong tuyo yung dugo na nasa kanyang leeg at bibig.
Ayon sa kwento ni Ella. Sa kusina daw naganap iyon. Pumunta daw siya sa bodega para tingnan pero wala. Pagbalik niya sa kinaroroonan niya kanina. Doon na niya nakita na nakabigti si John. Iniimbistigahan pa ni Grey ang katawan ni John. Niyugyug niya iyon at may nakita akong nahulog na papel.
Kinuha yun ni Rain at ibinigay saakin.
Dugo ang ginawang pansulat dito.
12 students, 2 died, 10 left...
There is a person who knows who's my next victim.Yan ang nakasulat. Akala namin yun lang pero meron pa palang isa.
Binuklat ko iyon at nakita ko ang picture naming nagbabarkada.
Minarkahan ng ekis yung mga namatay na tapos check naman sa mga buhay pa.
Pero may isang litrato akong nakita na kakaiba.
Nakita ko mismo ang sarili ko sa isang gubat.
Asan ba? Never panaman akong nakapunta sa gubat eh. Masabihan nga tong mga kasama ko.
"Saan ba 'to? Hindi naman ako nakapunta sa gubat ah"tanong ko pero lahat sila ay nalito.
"Gubat? Asan jan? Eh picture nga ni Carl yang hawak mo eh"tiningnan ko muli yung litratong hawak ko. Mukha ni carl ang nandito.
Pero ano yung kanina? Hindi ba gubat at ako yung nakita ko?
Hindi na kami nagtitiwala sa isa't isa
Dahil isa lang saamin ang mamamatay tao.
Pumunta kami sa sari-sarili naming kwarto at agad kong tiningnan ang litrato, bumalik agad ito sa mukha ko at ang gubat. Teka, bakit familliar saakin tong lugar na ito?
Napaisip ako. Bigla nalang sumakit ang ulo ko pero pinipigilan ko.
Wag kang magpa uto sakanya
Wag kang magpa uto sa kanya
Pigilan mo
Pigilan mo
Paulit ulit yan sa utak ko. Bakit parang may nagsasalita? Pinigilan ko ang sakit sa ulo ko.
Unknown's POV
Sinimulan kong kontrolin si Mayumi. Kailangan ko siyang patulugin para malaman kung ano ang meron sa kanya. Pero pinipigilan niya ang sakit sa ulo niya. May pumipigil saakin. Talino mo talaga Mayumi.Mayumi's POV
Tinignan ko parin ng mabuti yung litrato at unti-unting lumalabas ang mga letra.Ikaw ang sanhi at ikaw din ang magiging bunga
Yan ang nakasulat sa litrato. Andaming gumugulo sa isip ko. Familiar na familiar saakin yang nakasulat pero... saan at paano nangyare iyon?
Hanggang sa nawalan ako ng malay at nakatulog
