Dear E,
It's been a week simula nung magstart akong sulatan ka. Kahit ako din ang nakakabasa. Nakakatawa mang isipin pero para akong baliw na sinusulatan ang sarili ko. Uyyy! Ikaw ah. Nakita kong naka topless ka. Bakit ganun? Dati sabi mo sa akin takot kang lumangoy. Tapos sabi mo pa sa akin na ayaw na ayaw mong nakikita ng ibang tao yang pandesal mo. Samantalang ngayon, hinahawakan pa niyang new gf mo yang pandesal mo. Ang daya mo din no? Wala kang pakisama e. Pero wala na tapos na nangyari na. Eto pa, si mama at papa may sinabi sa akin. Sabi nila iiwan na daw nila ako dito. Sabi ko bakit, alam mong sabi nila? 'Hindi ka na namin kayang tustusan. Sasabihin na namin sayo ang totoo. Na ampon ka lang' Haha. Saklap eh no? Nandito nga ako sa kwarto ko ngayon umiiyak habang nagsusulat ng letter na ito. Bakit ganun? Kung sino pa ang nagmamahal sila pa ang naiiwan. Iniiwan ng mga taong pinahalagahan nila. Pare-pareho kayo. Iniwan niyo ko. Iniwan niyo yung taong binigyan kayo ng halaga. Pero siguro nga sinumpa ako. Ok lang, tanggap ko. Tanggap ko kung ano itong mga dinaranas ko ngayon. Sige matutulog na ako E.
Love,
Serina Faye :'<