Dear E,
E? May tanong ako. Kailan yung unang beses na sinabi sayo na masakit ang ulo ko? E, nakakainis kasi e. Sumasakit na naman siya. Mas sumakit nga lalo e. Yung feeling ko bumibigat na yung ulo ko. Hindi pa kasi ako nakakainom ng gamot e. Siguro mga next week makakabili na ako ng gamot. Buti nalang nandito yung mga kapit bahay na inaabutan ako ng ulam at kanin. Nakakakain pa naman ako E. Ikaw E? Siguro kain ka ng kain no? Haha. E, kumusta natanggap niya yung aso na binigay mo? Siguraduhin mo lang na tinanggap niya talaga. Kasi kapag hindi mauupakan ko yang Trixie na yan. Siya na nga bibigyan e. Nakakairita. Oh paano E, may gagawin pa ako. Mamaya pa naman ako matutulog. Pero may gagawin ako e. Sige thanks. Byeeee.
Love,
Serina F. <3