Dear E,
Eeeeeeeee! Imissyow! Yeah. Yow! E! May sasabihin ako sayo. E, nagpacheck up na ako kanina. Sabi ng doctor, may namuo daw na tumor sa utak ko. Sabi nila pwede pa naman daw makuha sa gamot yun. Buti na nga lang daw hindi ko na pinatagal. E, kaya lang hindi ako natutuwa dun. E, binubuhay ko na yung sarili ko diba? San ako kukuha ng pera? Hehe. Bakit ko nga pala sayo tinatanong, bakit sasagot kaba? Hindi naman diba. Di bale, itutulog ko nalang. Hindi na ako magpupuyat. Baka sakaling maawa sa kin yung tumor. Malay mo lumiit siya ng kusa? Hehe. Sige na matutulog na ako. Ang magandang si Serina Faye! Yohoooo.
Love,
Serina Faye na maganda!