Dear E,
Waaaaaaaaaa! E. May sasabihin ako. Waaaaaaaa! Huhahuhahuhahu. Sino yung Trixie Park na nagadd sa akin? Gf mo? Siya ba yun? Siya ba yung babaeng ipinalit mo sa akin? Teka, eh bakit nya ako inadd? Hindi talaga ako makapaniwala e. O siguro pinakita mo ko sa kanya. Tapos inadd nya ako para magpainggit. Aba! Ang adik naman ata ng gf mo. Pero E, yung totoo? Pinapainggit niyo ba ako. E, 25 ka palang e. Totoo ba? Totoo ba na kasal kana? Grabe. Sa edad mo na 26 at sa edad nya na 24 kasal na kayo? E, napakasaklap naman ng nangyayari sa akin. Kakakita ko lang ng vacation niyo. Ngayon naman mga pictures niyo sa kasal. Sa Palawan pa. Ah. Inadd ako ng Trixie Park na yan kasi gusto niyang ipakita sa akin ang pagmamahalan niyo. Nakakainis. Nakakaselos. Kaya siguro wala kayong maupload kasi busy kayo. Ang sosyal sa Palawan ang kasal. Nakakainiggit. Waaaaaaaa! Ang ganda pa ni Trixie Park. Siya ba talaga yung nandun. Yung nakashorts? Ang sexy niya. Ang simple niya pa. Waaaaa. Ang daya-daya naman. Dati hindi pa kayo kasal kaya nandito ako umaasa. Pero ngayon, wala na kasal na kayo. Huhuhu. :'( uso umiyak E. Wala na nangyari na. Wala ng pag-asa. Paalam na. Pero hindi ako titigil na magsulat ng letter para sayo.
Love,
Serina Fayeeeeeeeee :'(