No way!

412 14 3
                                    


Dennise' POV

"Besh, kinakabahan ako" sabi ko
"Uy besh , kinakabahan ako uyy"

" Den? Kanina ka pa sabi ng sabi ng kinakabahan ka ha? Isa pa talaga iiwan kita dito" Ella

Napanguso na lang ako. Kahit talaga kailan donya tong besh ko.

Hayst. Kinakabahan kasi talaga ako eh.
Magtatransfer kami dito sa ateneo ngayon. Aist. Kung kailan kasi 4th year na eh.
Pero kasi nakakasawa na sa school ko dati.

Pero ang totoo talaga sinundan ko dito yung long time crush ko haha.
Matagal na akong may gusto kay Myco, wala eh. Gwapo na mabait pa saan ka pa?

Habang nagdadaydream ako sa gitna ng corridor ng...

"Urgh! Aray!" Sigaw niya

" Aray! Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo!" Singhal ko sakanya

" Hindi ka din mabubunggo sa akin kung hindi mo tinitignan dinadaanan mo. Don't put all the blame on me. Pareho lang tayo ang may kasalanan dito. By the way i'm sorry, have a good day miss tsk"  sabi nya ng walang emosyon sa kanyang mukha.

Tinignan ko siya.
Kinilabutan naman ako ng tignan niya ako.

Argh!! Ang yabang! Suplada pa hayst. Sayang ang gandang gwapo niya pa naman tsk.

Tinignan ko naman yung kasama ko pero nakanganga lang ito at parang tuod na nakangiti...

"Besh! Hoy! Napapano ka ba ha?"

"B-besh? Sampalin mo nga ako" sabi niya sa akin

PAAAAKKK!

"Aray ko naman den! Inaano ka ba ha!?"  Sigaw niya sa akin.

"Hoy ikaw ang may sabing sampalin kita sumunod lang ako sayo noh! At bakit ba kasi parang bangag ka jan ha!? Anong nangyari sayo!?" Mahabang sabi ko sa kanya

"Waaaaaaahhhhh! Besh! Si... si Alyssa besh! Waaahhh pati... pati yung buong bleed blue, gosh pwede na akong mamatay!" Sabi niya ng may pakurap kurap pa ng mata.

"Teka...Sino naman yun? Sino sila? Ano ang bleed blue?teka naguguluhan ako ha?"

"Ngayon ka lang ba pinanganak besh? Sikat na sikat sila! Gosh pinapangarap sila ng mga kababaihan girl! Kahit akooo!"

"Huh? Pati yung supladang yon!?"

"Oo, siya si Alyssa Valdez besh ang vocalist nila. Ang ganda ng boses non nakaka inlove, yun nga lang ang cold niya at hindi ngumingiti. Kaya kapag nginitian ka niya maging masaya ka kasi once in the blue moon lang yun ngumingiti, wala pa din yan nagiging girlfriend. Hindi nga ata sya marunong magmahal, at yan ang hindi ko alam kung bakit...
   Tapos yung singkit siya si Gretchen Ho, siya ang lead guitarist  nila. Babaero yan at hindi nagseseryoso. Hindi nga daw yun marunong magmahal.
  Tapos yung maitim siya si Kim Fajardo, siya ang isang guitarist ng banda, loko loko siya pero mabait din.  Happy go lucky ika nga nila.
   Tapos yung maputi na maikli ang buhok, siya si Victonara Galang, drummer siya ng banda. Siya ang pinakamabait sa kanilang lahat. 
  Tapos yung isa naman ay si A Nacachi ang isa pang vocalist ng kanilang grupo. Mabait din yan pero medyo seryoso." Mahabang sabi ni ella

"Okay? Ikaw ng may alam besh"

"Syempre naman, by the way bagay kayo ni alyssa besh. Lalo ng nung nagkatitigan kayo. Gosh ang lakas ng spark!" Kinikilig niyang sabi

"What! No way besh. Ang layo niya kay Myco besh. Si Myco lang talaga ang gusto ko. " Sabi ko sa kanya

" Just saying , pero bahala ka. Akin na lang siya kung ayaw mo haha" sabi niya habang tumatawa

Psh kahit kanya na noh!
Pero parang iba ang pakiramdam ko nong tignan niya ako.
Ang lungkot ng mata niya pero napakaganda ng mga iyon.
  Argh! Ano ba tong mga iniisip mo Den! Hayst. Pangit sya! Pangit!!

--------*

  Papunta na kami sa next class namin. Magkaklase nga pala kami ni besh.
Wala eh, dikit talaga kami haha.

Room

Nakaupo na kami ni besh ng may pumasok na lima naming kaklase...

"Oh shit, no way" bulong ko.

Pero di ko na talaga kaya so...

"IKAW NA NAMAN!?" Sigaw ko sa kanya.

-------*

Hi:)

Sorry po kung sabaw haha

You Are The Only Exception (Alyden)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon