I let my heart wins<3

436 12 6
                                    

Alyssa's POV

Pumunta na ako sa next class ko matapos ng pangyayaring iyon.
Pagdating ko doon ay wala ang mga itlog hanggang dumating na ang prof namin, hayst mukhang nagcutting na naman sila.

Naalala ko nanaman ang nangyari kanina, masama na kung masama, iniiwasan ko lang na masaktan ulit.
Pero bakit ganon? Parang ayokong makita na umiiyak siya? B-bakit parang n-nasasaktan ako?

Winaksi ko na lang ang pakiramdam kong iyon at nagsimula ng makinig sa prof namin pero wala talaga..
Napatingin ako sa bintana ng may napansin akong nagmamadaling pumunta sa clinic dahil may buhat buhat itong babae.
Napakunot ang noo ko ng makita kong si Dennise ang babaeng iyon. A-anong nangyari? B-bakit wala siyang malay?

Nagtaas na ako ng kamay para makuha ang atensyon ng prof namin, at hindi nga ako nabigo...

"Yes Miss Valdez? What can I do for you?"

"I think I'm sick Ma'am, can you give me a slip so that I can go to clinic?"

"Oh! Sure, can you go there alone? Or you want someone to accompany you?"

"It's okay Ma'am, I can manage"

Umalis na ako sa room at nagsimulang maglakad patungo sa clinic.
Yeah, I'm going to clinic, not because I'm sick or what but because of Dennise.
I don't know why, my heart says that I need to take care of her as if she's fragile but my mind don't...
But my heart wins...

Pagdating ko sa clinic ay walang nurse so hinanap ko na kung saang bed siya...
Pagkahanap ko ng bed niya ay wala siyang kasama.

Umupo ako sa tabi ng kama niya ay hinawakan ko ang kamay niya...

Pagbibigyan ko na ba ang sinasabi ng puso ko? Hahayaan ko na bang lumambot ito?

I guess my heart wins, I hope I will not regret it someday...

Pinagmasdan ko na lang ang kanyang maamong mukha, ang ganda niya, bilugan ang kanyang mga mata at ang hahaba ng pilik mata nito. Ang kanyang ilong ay matangos at makinis ang kanyang mukha...

Bumaba ang tingin ko sa kanyang labi at bigla akong namawis, bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko ang mapupula at manipis nitong labi parang ang sarap halikan nit---

Ow shit! Anong pag iisip yan Valdez!? Ang manyak mo!

Napailing na lang ako sa naisip kong iyon...

"I'll take care of you, I promise" wala sa sariling bulong ko...

Unti unti akong nakaramdam ng antok at tuluyan na ngang nakatulog habang hawak hawak ang kanyang kamay...

Dennise POV

"Uhmm..."

Binuksan ko ang aking mata at nakita ang puting kisame...
Nasaan ako? Bakit ako nandito?

Nilibot ko ang aking mata at napagtantong nasa clinic pala ako...
Naramdaman kong may nakahawak sa kamay ko at si Alyssa yun, the heck, anong ginagawa nito dito?!
Pagkatapos niya kong sabihan ng kung ano ano!

Naalala ko nanaman yun, shit! Masakit pa rin eh...

Umalis na ako sa clinic ng hindi siya ginigising. Manigas sya!

Mag gagabi na din pala pero walang tigil pa rin ang mga luha ko sa pagbuhos...

Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ko to iniiyakan? Ano bang meron sayo Alyssa? Bakit ganito!? Damn!

Umupo lang ako sa may parking lot habang umiiyak, madilim na din at basang basa na ako ng ulan, mukhang magkakabagyo pa shit!

Nahihilo na ako, dahil sa sobrang lamig at pagod ko... heto nanaman po ako.

Nagdilim na ang paningin ko at natumba, pero bago ako mawalan ng malay...

May sumalo sa akin

"Dennise!" Tawag nito...

Hindi ko kilala pero pakiramdam ko safe ako sa mga bisig niya...
And everything went black...

Alyssa's POV

Nagising ako ng wala na si Dennise sa kama, luminga linga pa ako para hanapin siya but no sign of Den.

Galit talaga siya sa akin. Hayst.
Nagmamadali akong bumaba at pumunta sa parking lot nagbabakasakaling nandoon pa siya pero wtf! Ang lakas ng ulan...

Shit shit shit baka basang basa na yun.
Damn it Dennise, where are you!?

Naglakad ako papuntang parking lot walang paki kung basang basa na...

Hindi ako tumigil maglakad not until i saw her, lupaypay na ito at hinang hina. Nang mahihimatay na ito ay tumakbo ako agad at sinalo siya...

"Dennise!" Damn it!

Sinakay ko na siya sa kotse at pinatay ko ang aircon dahil nilalamig na siya, sana naman hindi siya magkasakit...

Tinahak ko na ang daan papunta sa kanila pero sobrang baha na...
No choice, sa condo ko na lang kami matutulog ngayong gabi...

Kinuha ko ang phone niya at dinial ang Mommy niya...
Nagpaalam ako na sa condo ko muna siya matulog ngayong gabi dahil hindi na makadaan ang sasakyan ko papunta sa subdivision nila, nung una naghehesitate pa ito pero sinabi ko sa kanya na hindi ko ito papabayaan then she's okay with that...

Nasa tapat na kami ng condo ko , and yes, Binuhat ko sya papunta dito... pinagtitinginan ako ng mga tao pero who cares? This is not their business anyway tss...

Hiniga ko na sya sa kama at niready ang gagamitin niyang pamalit, nagtawag ako ng ibang tao para bihisan sya ..

"Alyssa okay na sya, napalitan ko na, pakainin mo sya ng soup at bigyan ng gamot pagtapos niyang kumain" Manang

"Sige po manang, salamat po, pasensya sa abala"

"Nako ayos lang yun iha, mauna na ako ha? May kailangan pa akong gawin ee" Manang

Umalis na si manang at dumiretso ako sa kwarto, nakita kong nanginginig sya so kumuha ako ng jacket at makapal na blanket para hindi siya malamigan...

Pumunta na ako sa kusina para magluto ng soup...
Marunong naman akong magluto, natutunan ko to simula nung iwan niya ako... naging independent ako at humiwalay kay papa... tama na. Tsk

Pagtapos kong maluto yun kumuha ako ng gamot para mapainom sa kanya mamaya pagkatapos niya kumain...
Dinala ko na ang pagkain at gamot niya sa taas, gigisingin ko na lang ito...

"Dennise, hey wake up"
Tinapik ko ang pisngi niya at unti unting bumubukas ang mata niya...

"N-nasaan ako? B-bakit ako nandito?" Nanghihinang sabi niya

"Hey shhh, don't talk, wag ka munang magalit sa akin. Mag uusap tayo pagising mo bukas. Wala namang pasok, sa ngayon kainin mo tong soup na ginawa ko para makainom ka na ng gamot at magpahinga ka na ulit okay?" Sunod sunod kong sabi sa kanya

Napakunot naman ang noo niya at nagsalita

"Wha---"

"Shhh I said don't talk , yung noo mo wag mong ganyanin" pilit kong inaalis ang kunot ng noo niya, hinaplos ko ang mga ito...

Natigilan kaming dalawa at napatingin sa isa't isa, unting unting lumapit ang mukha namin...
Yan na...
.

.

.

.

-------*

Opppssss pabitin:D

Hindi pala naiupdate yung chapter 5 nung last week deym, sorry:'(

Sorry sa late kong update guys, nagkasakit kasi ako eh:(

I hope you understand...

May nagbabasa pa ba nito?
Should I stop this? Comment nga kayo para alam ko D:

Icy_pink

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 26, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You Are The Only Exception (Alyden)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon