Hurt</3

337 13 1
                                    

Dennise POV

Tahimik lang kami habang nasa kotse.
Hindi ko kaya to. Nabibingi ako sa katahimikang ito.
Hayst bahala na nga kung masnob ako nito.

"Alyssa uh-uhm, may itatanong sana ako"

"What?" Seryosong sabi nito.

Hayst suplada talaga tong babaeng to.

"Pwe-pwede bang ma-maging magkaibigan tayo?"

"Problema mo? Bakit mo naman naisipan yun?" Sabi niya habang nakakunot ang noo niya.

"Wala naman, pwede ba?"

"Give me an acceptable reason, why? Bakit gusto mo?" Napatingin ito sandali sa akin pero binalik niya din ang tingin niya sa daan.

"Uh- gusto ko lang"

"No, kung yan lang dahilan mo. Save it. Ayoko" madiin na sabi nito.

"Pero ba--" naputol ang pagsasalita ko

"Ito ba bahay niyo? "

"Uh Oo, sa-salamat"

"Welcome." Walang emosyong sabi nito

"Kahit ayaw mo, gagawin ko. Good night!" Sabi ko sa kanya.

Bumaba na ako ng sasakyan niya at lumakad papunta sa gate namin.
Pinatakbo niya na ang sasakyan niya papalayo sa pwesto ko.

Napabuntong hininga na lang ako at pumasok na sa loob ng bahay.

"Princess bakit ngayon ka lang? "Daddy

Pumunta ako sa gawi nila ni mom at hinalikan ang pisngi nila.

"Wala po kasi akong payong, buti na lang hinatid ako ng kaibigan ko"

Napangiti ako dahil sa sinabi ko, kaibigan, hope so

"Oh ang ganda naman ng ngiti ng prinsesa natin dad oh, I wonder kung sino ba yang kaibigan mo ha?" Ngiting sabi ni mom

"Mom talaga, wala po" iiling iling na sabi ko.

"By the way Mom, Dad where is Jus and Mosh?"

"Ow, sa room na nila. Maagang nagpahinga ee" Mom

"Okay po, Punta na ako sa room ko Dad and Mom, good night po"

"Good night sweety" Mom

"Good night princess" Dad

Hinalikan ko sila sa cheeks bago umakyat sa room ko.

Nagshower ako bago matulog dahil ang lagkit ng pakiramdam ko.
Pumunta na ako sa kama ko at chineck ko sandali ang phone ko bago ako matulog.
09********* sino naman to?
Binuksan ko ito

09*********:

Hey Dennise it's me Myco, How are you?

Oh em geee....

"Aaaahhhhhhhh! Shit! Si Myco!!!!"

Wala akong pakialam kung sumigaw sigaw ako soundproof naman tong kwarto ko haha.

Kinalma ko ang sarili ko at nagtype ng reply ko sa kanya.

To: 09*********

Uhm hi, I'm fine , ikaw?

Bzztt bzzzzt

From: Myco<3

Wala eh crush ko kasi haha.

Okay lang din:) , Go to sleep now Den,it's getting late na kasi . Good Night:)

To:Myco<3

Okay, Good Night:)

OMG kinikilig ako!
Nilapag ko na yung phone ko sa table malapit sa kama ko.

Nahiga na ako sa kama
At nakatulog na ako habang nakangiti.

Alyssa's POV

Nakarating na ako sa condo ko,
Nagshower ako sandali at nagpalit na ng damit.

Bakit kaya niya gustong makipagkaibigan sa akin?
Tapos ano? Iiwan niya din ako?

Bakit tuwing malapit siya iba itong nararamdaman ko?
Gulong gulo na ako! Iiwasan ko na sya habang maaga pa.
Baka kasi pag pinatagal ko pa ito baka ako din ang kawawa...

Nakatulog na lang sa gitna ng pag-iisip ko...

Kinabukasan

Maaga akong nagising dahil 7 ang class ko.
Napapaisip pa din ako kagabi pero naisip ko na lang na mabuti pang iwasan na lang siya.

Nagdrive na ako papuntang school...
Ng makarating na ako ay pinark ko sandali ang kotse ko...

Habang naglalakad ako sa corridor may biglang simigaw ng pangalan ko

"Alyssa!!"

Nilingon ko ito pero tumingin ako agad sa daan at naglakad ulit...

Naramdaman ko na lang na hinila niya yung kamay ko...

"Wooh! Nakakapagod naman! Bakit hindi ka man lang huminto?" Den

Yeah, si Dennise nga...

"Bakit ba?"

"Sabay na tayo" nakangiti ito habang sinasabi iyon

"Ayoko, sige mauna na ako"
Naglakad na ako at iniwan siya doon

Pero hinabol nya lang ulit ako.

"Teka! Bakit ba ang sungit mo? Meron ka ba?" Inosenteng tanong niya

"Kailangan mo pa bang malaman yon? Tss lumayo ka sa akin"

"Ano ba Ly! Umayos ka nga! Nakikipag kaibigan lang ako oh!" Inis niyang sabi

Naiinis na din ako sa kakulitan niya, pati pinagtitinginan na kami...

Hinila ko sya papunta sa bakanteng classroom...

"Ayoko nga sabi diba?! Hindi ka ba nakakaintindi!? O sadyang bobo ka lang? Ayokong maging kaibigan ka! I don't want you to be my friend! O yan English na baka naman naiintindihan mo na?! Get lost!" Sigaw ko sa kanya

Iniwan ko na sya doon tulala at papaiyak na...
I don't care! Tss.
Badtrip!

Dennise's POV

"Ayoko nga sabi diba?! Hindi ka ba nakakaintindi!? O sadyang bobo ka lang? Ayokong maging kaibigan ka! I don't want you to be my friend! O yan English na baka naman naiintindihan mo na?! Get lost!" Sigaw niya sa akin at iniwan na ako...

Unti unting tumulo ang luha ko at napaluhod na lang sa sahig dahil nanghihina na ako...

Ang sakit! Bobo? Fuck! Sa buong buhay ko ngayon lang akong nasabihan ng ganon.

Iyak na lang ako ng iyak at nawawala na ako sa wisyo ko, kinuha ko ang phone ko at dinial kung sino ng natawagan ko...

"Help *sob* s-second floor, b-bakanteng room*sob*"

And everything went black...

-----------*

What's up readers?

Once a week na lang ako mag-uupdate okay lang?
Busy kasi sa school eh, hope you understand guys...

Sa mga silent readers po jan mag ingay naman kayo :D
Pakiligin niyo naman si author , magcomment or vote lang masayang masaya na ako promise :D

Btw
Dedicated to @JazmineHebron
Thanks for reading:)

Icy_pink<3

You Are The Only Exception (Alyden)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon