Chapter 2 - Second Encounter

103 1 0
                                    

June 2012

-Lucian-

Hi ako nga pala si Lucian Dizon, 11 years old. Nakatira ako sa Pagsanjan Laguna at nagaaral sa Pagsanjan Academy at hanggang ngayon I'm still searching for that one friend.

First day ko bilang isang Grade 6 at panigurado loner na naman ako tulad ng mga nakalipas na taon at wala namang magandang nangyare sakin nung bakasyon bukod sa kumain at matulog araw araw at sa nakilala kong wierd na babaeng naka-pink na hoodie sa tulay nung 9 ng gabe. Yun lang.

For sure limot nako ni "S". Limot ko narin kase itsura niya eh. Tas yung necklace na binigay niya nawawala pa. Hayyyyyy, yaan na...


- @School - 7:15am -

Sa pagpasok ko sa room bigla nalang tumahimik. Parang nakakita ng sindikato kung tumingin. Tumungo nalang ako at umupo sa pinakadulo.

Iniisip ko na sana hindi nalang ako pumasok at natulog nalang sa bahay. Nag-face down nalang ako at inintay nalang magsimula yung klase.

Dinig na dinig ko yung mga pinagsasabi nila.
Usong magbulungan -_-".

Piling ko alien ako sa klase. Hindi nalang ako umimik.

Nagsimula na yung klase at yung adviser namin na si Mrs. Valle ay may pinakilalang tatlong transfer student. Dalawang babae at isang lalake.

Mrs. Valle: Ok Class tumahimik muna kayo. Ako si Mrs. Valle at may mga bago kayung kaklase ngayon. Sige magpakilala na kayo.

Alyssa: Hi my name is Alyssa from Lumban Laguna.

Axel: Hi I'm Axel from Mabini St. Pagsanjan Laguna. Nice to meet you guys.

Valentine: Hi I'm Valentine and I'm also from here, Mabini.  And sana maging magkaibigan tayo :)


Halos lahat sila mukang foreigner. Ang wierd...

Yung isa mukang Japanese at yung dalawa mukang taga-America sa sobrang puti.

Mrs. Valle: Ok maging mabait kayo sa mga transferries ha?! Just take up the chairs from the back.

Nagulat ako nung sinabi ni Ma'am na umupo sa likod. Eh ako lang yung nakaupo sa huling row.

Kinakabahan ako dahil baka makatabi ko si Americana. Bawat sigundo na papalapit kumakabog ang dibdib ko eh. Eh sakto umupo si Americana sa tabi ko. Although di naman pala ganung ka-American. Maputi lang talaga tas Pilipino padin yung mukha.

Pero sa sobrang kaba ko pinagpapawisan na yung kilikili ko parang mga rich kid kasi tong sila eh. Pati iba kong kaklase nakatingin sa kanila.

Di ako mapalagay sa inuupuan ko dahil sa sobrang dami kong iniisip. Una, paniguradong pagseselosan ako ng mga kaklase ko dahil katabi ko siya, Pangalawa, nakalimutan ko baon ko at Pangatlo, paano pag kinausap nila ako paano at ano ang sasabihin ko? Anong paguusapan namin? Baka maboringan o mawierdohan sila sakin.


Bigla kong narinig na tumatawa tas sinabe niya "Hi!"



Napangiti ako tas medyo napaiyak ako kase after all this years may kakausap saken. Nung pagkatingin ko sasabihan ko na dapat ng "Hello" pero hindi pala ako yung kausap. Yung ibang transferries pala.

Nag-face down nalang ulit ako tas sinabe ko sa sarili ko na "O shet!! Muntik na yon!! Buti nalang di ako napahiya... Hayyyy"

After few hours Break time na. Natulog nalang ako gawa't nalimutan ko yung baon ko.


-Valentine-

Ang wierd naman ng lalaking to. Kanina pa tahimik eh. Parang walang kaibigan. Tinanong ko sa kaklase ko kung anong meron sa kanya.

Reflected LoveWhere stories live. Discover now