Chapter 5 - Falling Stars

57 3 1
                                    


I say, "Can you believe it?"

As we're lying on the couch

The moment I can see it.

Yes, yes, I can see it now.

Do you remember, we were sitting there by the water?

You put your arm around me for the first time.

You made a rebel of a careless man's careful daughter.

You are the best thing that's ever been mine.

Hehe ganda talaga ng boses niya.

"Wow idol. San ka natuto mag-gitara?"

"Tinuruan ako ng daddy namin tumugtog ng mga instrumento."

"Sa banda kase nagkakilala mga magulang ko kaya naituro nila samin yung kinahiligan nila."

"Ahhh. Magaling ka din kumanta pwede kang sumali ng singing contest o kaya talent show. Kase sayang naman yung talent mo."

"Hehe baka di ako payagan nila daddy. Pati busy sila." Parang nagbago yung mood niya bigla

"Ay sayang naman. Busy sa trabaho?"

"Busy sila sa pagaalaga sa kapatid ko. Mahina kase puso ng kapatid ko kaya sakitin."

"Ahhh. Sayang. Baka pagalitan ka naman ng daddy at mommy mo dahil gabi na oh."

"Hindi yan. Sanay na naman sila na wala ako." Tumawa nalang siya at humiga. Nakigaya nadin ako.

"Tingin ka sa taas Lucian."

"Nakikita mo yon?" Tinuro niya yung constellation na si Orion

"Alin?"

"Si Orion."

"Oo bakit?"

"Kita mo yung tatlong stars na naka-align?"

"Oo bakit?"

"Ayun sila Alnilam, Alnitak, Mintaka na bumubuo ng Orion's Belt, at alam mo ba si Orion ay ang pinakamagaling na hunter sa mundo noon? Isang araw pinapatay siya ni Hera. Ang pumatay sa kanya ay si Scorpio. At dahil don ginawa ni Zeus si Orion na isang constellation, para i-honor siya."

"Ahhh..."

"Ayun nakikita mo yung parang kamaya ni Orion? Sa kaliwa non si Gemini."

"Ah yung kambal?"

"Oo, pangalan nung kambal ay si Castor at Pollux. Magkapareho sila ng nanay, si Leda, pero magkaiba yung tatay. Pero kahit na ganon mahal parin nila yung isa't isa. Ang tatay ni Castor ay si Tynardus na King of Sparta at si Pollux naman ay anak ni Zeus, mortal si Castor at immortal si Pollux dahil God yung tatay niya. Lumaban silang dalawa na kasama yung ate nila na si Helen of Troy sa Trojan War."

"Trojan War? Ayun may malaking decoy na kabayo?"

"Oo, namatay si Castor dahil immortal siya at syempre si Pollux buhay dahil immortal. Pero napagdesisyonan ni Zeus na gawin ding immortal si Castor para magkasama sila habang buhay bilang isang constellation na Gemini."

"Ahhh..."

"At! Lahat tayo ay gawa sa stardust."

"Eh talaga?"

Reflected LoveWhere stories live. Discover now