Chapter 4 - Night Sky

38 2 0
                                    

- December 12, 2010 -

Lucian

"San tayo pupunta?"

"Basta"

Sinundan ko lang siya noon kase nakakapagtaka eh. Hindi dun sa pupuntahan namin kungdi dito sa babaeng kasama ko. Well syempre kasama nadin yon.

- After 30 - 45 mins -

Nakarating na kami don sa dulo nung tulay. Hila hila niya padin yung kamay ko. Hinila niya ko hanggang dun lang sa gitna.

"Lucian! Tignan mo yung view."

Di ako makatingin sa baba dahil may fear of heights ako. Nangangatog yung paa ko na sabay na nalululula na sabay na nasusuka.

"Lucian, wag kang matakot buksan mo lang mga mata mo, sayang di mo makikita to."

Di parin ako makamulat.

Bigla nalang niya hinawakan yung kamay ko. Para bang nagulat nalang ako bigla na hindi mo maintindihan.

"Sige na."

Minulat ko yung mga mata ko bigla nalang lumakas yung hangin. At-

Totoo nga. Ang ganda nung paglubog nung araw. Para bang hindi ko na maramdaman yung takot. Yung view lang yung nakikita ko...

Pati siya.

"Ano Lucian? Medyo gumaan naba yung loob mo?"

'Ha?'

"Eh kase parang may problema kang dinadala eh."

Woah... Paano niya nalaman yon? Wala naman akong sinasabi sa kanya ah.

"Alam mo tuwing may problema ako, dito ako lage napunta. Kase bigla nalang gumagaan loob ko pag nakikita ko yung paglubog nung araw eh."

"Dito ako lage dinadala ng kapatid kong si Avis pag malungkot ako."

"Avis?"

"Oo, kakambal ko siya tas may isa pakong kapatid."

"Ahhhh"

"Buti naman nakangiti ka na."

Oo nga no. Kakaiba tong babaeng to.

Ang saya niya lang tignan. Nakakagaan ng loob yung ngiti niya.

At napansin ko lang...

Magkahawak padin yung kamay namin.
Bumilis na naman yung tibok nung puso ko.

Di ko nalang pinakita na kinakabahan ako. Parang nakakapanibago tong nararamdaman ko.

Kaso binitawan niya narin agad.

"Lucian, Alice nga pala yung pangalan ko, ikaw san ka nakatira?"

Woah, ganda ng pangalan niya.
"Sa Mabini, Greenfields..."

"Pwede magkita ulit tayu bukas?"

"Bakit bukas? Monday bukas ah"

"Eh ano naman? Basta pumunta ka sa tulay bukas ng 6:00 ng hapon. May papakita ako sayo."

"Sige."

"Sige Bye" Nagsmile nalang siya.

Tapos non umuwi tumakbo na siya papaalis. Umuwi nadin ako.

- @Bahay - 8:00pm -

Magpapahinga nako dahil may pasok na bukas nang biglang may kumatok sa bintana namin. Yung kwarto ko kase may terrace sa gilid. Tas yung bintana namin de-slide

Reflected LoveWhere stories live. Discover now