Prologue

247 3 1
                                    

Ako si Angelo del Rosario, 16 years old ako. 3 months ago, may babaeng lumipat sa school namin. Mabait, matalino, maganda. Mga katangian nya, nung una ko syang nakita.. Na-lab at perst sayt yata ako. Hindi ko alam kung bakit pero, nilapitan ko nalang sya bigla nung unang araw nya at kinausap ko sya. At sa di inaasahan pagkakataon, naging magkaibigan kami. Ipinakilala ko sya kay Cole (bespren) kasi gusto ko sya ipagyabang, kaso nga lang, si Cole din, minahal sya. At nalaman ko din na mahal din ng mahal ko ang bespren ko! Shi* lang. Pero nakita ko namang masaya sila, at 2 months later, naging sila. At ako? Third person. Hadlang. Epal.

---------------------------------------------------------------------------------------------

Ako si Angela Guevarra, 16 years old. 4 months ago, may nakita akong magaling na basketbolista ng ibang school. Kaya, 1 month kong hinanap ang school nya para lilipat din ako. Stalker ba? Medyo lang. Joke. So after 1 month, lumipat na ako. Nung unang araw ko, may nakilala akong lalake. Matino naman ang itsura, gwapo din sya at mabait kasi sya ang unang kumausap sa'kin noon. At natuwa ako nung nalaman kong kaibigan sya ng crush ko (yung sinundan ko). Pinakilala nya kami sa isa't-isa. One day, sabi ko sa kanya, ilakad nya ako kay Cole, naalala ko yung mukha nya, bigo ang itsura. Sabi nya bakla daw sya na may crush din kay Cole. Hayy..

I'm Your Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon