Confession
---
Hapon na ngayon, tapos ko na homework ko kaya Facebook ako ulit hahahaha. Sinearch ko ulit si Ryan Salvador. At ngayon i-aadd ko na siya, wala namang masama kasi may mutual friends naman kami.
Hindi pa niya inaaccept kaya maghihintay pa ko. Pumunta na lang ako sa News Feed ko at nakatunganga. Matutulog na nga lang ako.
---
Kinabukasan maaga akong pumunta sa school kasi nga ang aga kong natulog. Kaya pumunta ako sa tamabayan, sa may High School Department malapit sa canteen.
Nakaupo, mukhang tanga dahil nga wala akong kasama, marami ng dumadaan wala pa rin akong kasama. Buti na nga lang may kanta na pinapatugtog eh nakakapagemote tuloy ako hahahaha.
Pumunta na lang ako sa canteen kasi nakakabored lang. Bumili ako ng Moby hahahaha at pumunta na sa classroom.
Buti nandon na ni Shaine, Best friend ko.
"Shaine!" sigaw ko sa pangalan niya at humarap din siya.
"Cass!" sigaw rin niya at tumakbo siya papunta sa akin at hinug ako ng sobrang higpit.
"Bilisan mo, oh may Moby ka na namang kinakain" sabi niya kaya nginitian ko na lang. Binilisan ko ng mag-locker para sa munti nating prinsesa.
"Punta tayo sa HS building" lambing niya sakin.
"Ano? Pupuntahan natin si Gary?" natatwa kong sabi sa kanya.
"Hindi noh. Yung kuya ko sasapukin ko lang siya" natatawa niyang balak.
"Hayysshh sige na nga" payag ko na lang kaya pumunta na kami dun.
Pagkatapos niyang batukan yung kuya ni Shaine pumunta kami sa lobby. Pero sa totoo lang gusto niyang makita si Gary hahaha.
"Shai, may sasabihin ako sayo" panimula ko.
"Owz, ano yon?" takang tanong niya.
"Kapag ba palagi mong tinitignan yung tao, kahit sa picture niya lang anong tawag dun?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami pabalik sa classroom.
"Depende yan eh kung may balak ka sa kanya. Kung naiinis ka sa kanya, gusto mo siyang patayin" sabi niya.
"Pero kung curious ka sa tao, baka naman may feelings ka. Wait. Bakit? Anong meron?" direderetso niyang tanong.
"Wait ha, ano toh press con?" natatawa ko lang na sagot.
"Ewan ko ba kung bakit pero nung nakita ko lang siya nag-iba yung paningin ko sa kanya. Dati nakikita ko siya, matagal na siya dito pero ngayon ko lang siya napansin" sagot ko.
"Sino ba?" halatang curious na tanong ni Shaine.
"Si Ryan Salvador" sagot ko.
"Hindi siya gwapo, panget siya pero ewan ko ba at may naramdaman ako bigla" sabi ko na lang at hindi na umimik sa buong araw.
---
Sorry kung agad nagka-feelings si Cass kay Ryan kahit first chapter pa lang😁 More on Messenger kasi talaga. By the way thank you for reading😁