---"Uyy, bilisan mo" sabi ko kay Shai dahil male-late na kami sa next period. Pano ba naman kasi yung pinapautos sa kanya ni mam ngayon niya lang ginawa at dinamay pa ko.
"Sus, wag kang mag-alala excuse tayo kinausap ko na si mam" payo pa ng Shai na toh.
Kaya lumabas na lang ako sa Faculty Room. Tumingin tingin at patuloy paring kumakain ng Moby yung vanilla. Kaya nung naubos ko na saan ko pa ba ilalagay malamang sa basurahan?
Kaya tinapon ko sa basurahan. At napatingin ako sa dalawang lalaki na nasa tabi ng basurahan.
Pero sa isang lalaki lang talaga ako na-curious, alam kong kilala ko toh eh kaya tinignan ko yung name tag niya.
"SALVADOR" nakalagay.
Nawala na lang ang tingin ko sa kanya nung tinawagan na ko ni Sara para bumalik na classroom.
Pagkatapos ng school hours. Nilabas ko ang phone ko at sinearch sa FB ang surname niya. Scroll down, scroll down hanggang sa nakita ko sa dp niya yung mukha niya.
So, Ryan Salvador pala name niya. Chineck ko kung may mutual friends kami. Meron nga, halos lahat ata ng students sa school friend niya eh.
---
Nasa bahay na ko tinitignan ko pa rin yung timeline ni "Ryan Salvador". Pero bakit ba ko na-curious sa kanya?
Si Drake Navarro, yung crush ng classmate ko crush ko rin. Eh naaawa lang ako kasi halatang adik siya kay Drake kaya pinagbigyan ko na. So yung Drake Navarro na yun kamukha niya kasi si Ryan Salvador. Kaya yun na-curious ako.
Sa kaka-stalk ko sa Ryan na yun ang dami ko ng nalalaman tungkol sa kanya. Birthday niya October 14, 2001, 3 years siyang mas matanda sa akin. Meron siyang two older sisters, tapos naglalaro siya ng LOL. Yun lang nalaman ko.
---
Thank you for reading😀