"Mom. I'm hungry. " pamamaktol na naman ng aking anak. Naglibot libot kami sa mall at nanood ng sine.
"Anak, bago lang tayong kumain ng merienda, gutom ka na naman? Saan mo ba tinatago iyong mga kinain mo?" Natatawa kong sagot sa kanya.
Pagkarating namin ng mall ay nagyaya siya agad na kumain raw muna kami. Kaya ayon, nilambing ang best friend ko at pinakain siya at pagkatapos ay nagyayang manood ng sine.
Bumili kami ng tatlong bucket ng popcorn ngunit siya lang rin ang nakaubos. Kailangan na ba akong mabahala dahil sa walang katapusang pagkagutom ng aking anak? Remind me to have him check up sa kanyang doctor.
"Mom, I am a big boy na. And big boys eat a lot. So I am eating lots of food. " hinihimas pa ang kanyang tiyan habang nagdadahilan sa akin.
"Of course big boy. Saan mo ba gustong kumain ngayon? " pasakay ng best friend ko. Pinandilatan ko siya ng mata dahil papakainin niya na naman ang inaanak niya.
"Ano ka ba babe. Minsan lang nga ako makapagbonding sa inaanak ko. Pagbigyan ko na. " Pampalubag niyang sabi sa akin.
"Sighs, Bahala ka diyan. Ikaw ang gagastos. Hmmp. " pagdadrama ko. Tawa lang ang sagot niya at inakbayan ako habang sinusundan namin kung saan kami dadalhin ng aming big boy.
Maraming napapalingon dahil sa amin. We are a picture of a happy family. Napapabuntong hininga na lamang ako sa aking mga naisip. Makikita ko pa kaya siya? Tatanggapin kaya niya kami? Ayaw ko na sanag umasa pero ang iniisip ko lamang ang aking anak. Paano niya kaya tatanggapin ang lahat ng ito? I need to prepare for the future of my son. Hangga't maaari, magiging maayos ang kanyang paglaki nandiyan man o wala ang kanyang ama.
"Babe, what's yours?" Tinapik ni Xavier ang pisngi ko kaya bumalik ako sa realidad.
"Shake. Let me have guyabano shake. Busog pa ako sa pinagkakain natin kanina. At parang hindi na kakayanin ng sikmura ko. " "Guyabano shake it is. "
Nilingon niya ang waiter at sinabi na ang aming order. Napatawa na lamang ako sa lahat ng inorder ng anak ko. Seriously, gutom pa siya? Buti na lang at mayaman ang madrina niya kung hindi, nunka at babayarin ko lahat ng mga inorder niya.
"Son, your madrina will go bankrupt because of you. " pangongonsensya ko sa kaniya. Natigilan na man siya at nilingon si Xavier.
"Is it true madrina that you will go bankrupt because of me? Starting right now, hindi na po ako magugutom. " Nagkatinginan kami ni Xavier at pinigilan ang aming tawa.
"Really? Hindi ka na magugutom? Sayang pala iyong inipon kong pera para sa mga pagkaing gusto mo. Babe, tayo na lang ang kakain next time kasi hindi na raw siya magugutom. "
At hindi na namin napigilan ay napahalakhak na kaming dalawa at pinagmamasdan ang magiging reaksyon ng pinagdidiskitahan namin. Nakakagigil talaga ang kanyang mga pisngi lalo na kung pinipigilan niyang huwag umiyak.
Hinalikan ko na ito at niyakap habang inaalo. Nakisali naman si Xavier at binawi lahat ng kanyang sinabi.
"Promise? " nilalahad pa ng aking anak ang kanyang hinliliit kay Xavier bilang tanda ng tutuparin niya ang kanyang pangako na ibibili pa rin siya nito ng mg pagkain. Tumango si Xavier at nilahad rin ang kanyang hinliliit.
Napailing na lamang ako habang pinagmamasdan silang dalawa. Ganyan rin kaya ang mangyayari kung nandito ang kanyang ama? Napabuntong hininga na lamang ako.
"Ang lalim nun ah. Anong iniisip mo?"
"Wala. Kumain na kayo. " Tama tama at dumating na ang aming order."Good morning parents! Good morning brothers! Aga natin ngayon ah."
![](https://img.wattpad.com/cover/83497029-288-k532835.jpg)
YOU ARE READING
Falling for a Single Mom
General Fiction"It's not always easy but it's always worth it."- Antiope