Kidnapped

41 3 3
                                    

~James' PoV~

Napaka-suspicious naman yung project na to...

"Ui Adrien, swerte natin excuse tayo noh!" Sabi ni Krizzle kay Adrien. Alam ko na yung pangalan ng mga bespren ni Bridgette (ginamit ko telepathy ko) nakakalito kasi ehh... Tumango si Adrien pero parang may iniisip siya

"YUSH! Ang swerte talaga natin!" Sabi naman ni Markiana. Buti hindi sila sinisita ni Ma'am, sigaw sila ng sigaw ehh...

"I knoe swerte nga tayo pero paano project ko sa english T^T pinaghirapan ko yun... Tapos ang bigat-bigat sa likod kaya yun maaga pa naman uuwi si Sir" sabi naman ni Aleya

" yush swerte nga dahil hinde tayo makakapag-math... Ang weird nga lang, hinde inexplain satin yung survival eklabush na yun" buti pa si Bridgette may suspicion dun sa project

"Wag kayong magaalala eexplain ko rin pag nasa school van na tayo" damn... Okay napakasuspicios na to ahhh, yung way nang pagkaka-sabi niya kasi. Sinubukan ko ulit basahin yung isip niya pero hanggang ngayon pagkain pa rin iniisip niya

•••

Noong nasa oval na kami, kami nila Bridgette at Adrien ay tahimik lang...

"Saan po tayo pupunta?" Tanong ni Bridgette

"Sa ibang school district, dun gaganapin yung project namin" sagot naman ni Kuya Gerald... Pinapasok na kami sa isa sa tatlong school vans.

Nung nasa loob na kami tumahimik kami lahat dahil sabi ng Adviser namin... Si Ma'am naman hinahalungkat yung bag niya

"Ay sorry... Nakalimutan ko yung cellphone ko sa office, pwede ba akong bumalik... Promise I'll be quick" sabi ni Ma'am

"Sure"tipid na sagot ni Kuya Gerald. Pagka-alis ni Ma'am biglang nagsalita si Adrien

"Pwede na po ba kayong magexplain" irritadong sabi niya

"Chill ka lang, seatbelt first" tsskk... Nagseat belt kaming lahat... "Good.... Yung survival project na ito ay hindi ordinaring survival game" what? Biglang umandar yung sasakyan

"Kuya bakit na po tayo umaandar wala pa naman po yung teacher namin?" Tanong ni Aleya

"That's the plan" sabay labas ni kuya ng cellphone. Yung apat na babae, you can see their terrified faces, maybe kay ma'am yung cellphone na yun. Si Adrien naman ansama na ng tingin kay kuya

"Can you please explain now" galit na sabi ni Adrien

Okay... Pareho na kami ng nararamdaman ni Adrien kay Kuya Gerald, na may mali... Ano nga ba iniisip niya? Tinry kong basahin yung isip niya .... Ano??? Hinde ko mabasa isip niya! ESPer ba siya??? Tinry ko ring basahin yung isip nila Krizzle, Aleya at Markiana .... Shoot di ko rin mabasa. Ang nababasa ko lang isip dito ay si Kuya Gerald, hanggang ngayon iniisip niya kung ano kakainin niya... Wait hinde kaya recorded lang yung sinasabi niya, o kaya may psychic static yung van na to? Pwede rin naman si Kuya Gerald ay isa ring ESPer??? Shete naman oh! Hinde ko na alam kung ano nangyayari!

" Yung rules lang naman ng 'game' of survival na ito ay 'too kill' other students from other schools, ma-i-identify niyo naman yung ibang students dahil nakauniform naman kayo... At yung matitirang group ay makakauwi na at mananalo ng 500,000 pesos!!! Di ba yun lang kadali!" What the hell! Hinde ko alam kung nagbibiro ba siya o hinde, pero ang alam ko lahat kami ay nagulat sa sinabi niya

"Haha Kuya Gerald nakakatawa naman yung joke na yan, parang nagsho-showcase kayo sa Eat Bulaga" sabi ni Krizzle habang kinakabahang tumatawa... Nagiba yung atmosphere... Alam nila yung sinabi ni kuya hinde joke....

The Psychotic PsychicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon