Hillary's POV
"Nakakainis talaga yung Lois na yun. Antipatiko, aba akala naman talaga niya eh isa ako sa mga cheap na babaeng nagkakandarapa sa kanya" Beastmode nanaman tong si Tintin, paano ba naman kasi sinabihan daw siya ni Lois ng 'I get whatever I want' pft yun lang badtrip na siya agad?
Patuloy pa rin ako sa pagstalk kay Timothy. Wala lang nalaman ko name niya sa mga chismosang frogs in the city.
"Oh goooosh. Reese tingnan mo to. Ang hot hot ng Voltemort ohhh" Turo ko sa screen. Ako lang naman ang dakilang fan girl ng Voltemort. Mga varsity ng school. Swimmers sila so ang hot talaga nila kapag nakatrunks lalo na si Timothy meghad.
"Ang pandak naman ni kuya pft HAHAHAHAHAHAHA" Makatawa naman 'tong si Reese eh ang pandak nga rin ni Kuya Gab. Pero grabehan yung abs ni kuya Charles. Pandesal kung pandesal ohlala.
"Ano ba yan?" Sumingit naman si Ate Kyle
"Buto't balat naman si Adrian dito" Matawa-tawang sabi ni Ate Moira
"Sinabi mo pa. Hahahaha!" At nag high 5 pa sila. Ibully daw ba si Kuya Adrian. Bad bad :<
"Sino ba yang mga yan? Si Charles, Adrian at James lang kilala ko dyan eh" Sabi ulit ni Ate Kyle
"Well, ito si kuya Kent" Tinuro ko sa screen. "Classmate siya nila ate Brey at Alexisse, tapos classmate din nila si Kuya Gab--"
"Future boyfriend ko hihi" Singit ni Reese
"Hala, sige i-push" Inirapan ko na lang siya, hambalusin ko to eh.
"Ah basta. Titirisin ko talaga yung kutong lupa na yun grr" Napatingin kaming lahat kay ate Brey na sasabog na sa inis.
"Hehehe, sorry" Nagpeace sign lang siya sa amin. Bakit mukhang mas bata pa siya sa akin huhu.
"Is everybody here already?" Pumasok na si Ms. Gomez sa Music Room.
"Yes ma'am."
"Okay so ganito ha, we've been practicing for almost 2 months and next week na tayo pupuntang Palawan, I know na close na nga kayo but I want you to be closer like sisters..." Nakangiting sabi ni Ms. Gomez.
Omg para namang exciting to shocks hihi.
"...You will live under one roof, from now on until next year with other 11 boys" BOYS? Did ma'am just say boys?!
Nagpapalakpak nanaman sa tuwa yung mga tenga ko. Sana kasama si Timothy, sana sana!
"MA! ANDITO NA AKO YUHOOO" Agad agad kong hinanap si mama, bibigay ko na kasi yung letter na pagkahaba haba galing kay Ms. Gomez para mapayagan na niya ako agad.
"Oh? Kain na, may turon tsaka juice dyan" Wow naman, ang sweet naman ng nanay ko nakakatouch hihi.
"Ma, oh" Inabot ko kay mama yung letter tapos binasa nya.
Lord sana payagan ako. Please please please.
"Hindi pwede" Sagot ni mama.
"Pe--pero ma, representative kami ng school, tsaka may incentives yan may allowance pa, di ka na mahihirapan sa paglabada para lang may pamasahe ako tsaka di naman ako magpapasaway dun, marunong naman na ako magluto, maglaba, maglini--"
"Hindi pwedeng hindi ka sumama dito, to namang anak ko oh, di pa nga tapos si mama eh" Yung uhog ko na tuloy tuloy ang agos biglang napaatras dahil sa sinabi ni mama.
Pinapayagan niya na ako. Shet lang magpapaparty na ako huhu.
"Thank you ma! Promise mananalo kami! I'll make you proud ma" Ngiting ngiting sabi ko.
"Sige nak, hahaha. Pero alam mo, di nakakaproud pag may tinga ka pa sa ngipin mo, oh akin na ballpen, pirmahan na natin" Inabot ko yung Fine Tech na ballpen, hiniram ko pa to kay Ate Brey di ko pa nababalik, yaman nun andaming ballpen sa pencil case hahaha.
"Thank you ulit ma! Yaan mo yang tinga na yan, ikaw lang naman nakakita eh hahahaha"
Moira's POV
"Hoy Moira! Sinuot mo nanaman yung bra ko no?!" Sinusugod nanaman ako nitong si Ate.
"Bra lang naman yun, wag mo ipagdamot" Sabi ko habang nagsscroll ng phone ko.
"Wag ipagdamot?! Eh nakipagbreak na nga sa akin si Zac tapos wag ipagdamot?! Una nawalan ako ng boyfriend tapos ngayon aagawan mo rin ako ng bra?!" Nakita ko si ateng pulang pula ang ilong at mugtong mugto ang mata.
Tumayo ako para yakapin sya. Kahit naman na ang saya saya nya asarin kasi ang liit nya hahaha mahal ko pa rin to syempre ate ko to eh. Hay naku sabi ko na di talaga mapagkakatiwalaan yang si Zac.
"Tahan na ate, andito pa naman ako eh" Sabi ko sa kanya at nginitian sya.
YOU ARE READING
Don't Be Normal
RomanceWhen everything seems to be normal and mainstream... A story that is not normal.