Tin's POV
"So ito yung mga roommates. Room 103 Brey and Reese, Room 104 Moira and Kyle, Room 105 Alexisse and Keith and Room 106 Tin and Hillary" sabi ni Ms. Gomez
"Yay, magkasama tayoooo" Niyakap ni Ate Moira si Ate Kyle. Ayos lang kasama ko si Hilay hahaha. Nahiwalay nanaman ang snow white naming si Naomi.
"Uy, ayaw ko kasama si Ate Breyyy! Baka masapak ko yan" Paghihimutok ni Reese.
"Bakit naman?"
"Eh paano ayun sa aking instincts kaya di ako pinapansin ni Gab dahil sa kanya no" Ang corny talaga nito ni Reese, patay na patay kay kuya Gab tss.
"Mabait kaya si Ate Brey, wag kang ano dyan ha" sabi ulit ni Hilay.
"Ayusin niyo muna yung mga gamit nyo tapos magproceed na kayo dun sa lobby ha"
Pagkatapos ituro sa amin ni Ms. Gomez yung mga rooms namin pumasok na kami.
"Uy, Tin"
"Oh ano yun?"
Tinanggal ko na yung mga damit ko. May dalawang kama na pang solo pumwesto ako sa may bintana banda ang ganda kasi ng view samantalang si Hilay naman dun sa tabi ng saksakan paano ba naman palaging nalolowbatt.
"Parang iniiwasan ako ni Timobeybs"
"Timobeybs? Si Timothy?" Kadiri naman, Timobeybs. Eww.
"Oo, boring ba ako kausap? Lahat na nga ata ng topic nasabi ko na kaso ang tipid nya talaga kausap"
Nageemo nanaman 'tong si Hilay. Palibhasa laging sawi sa pag-ibig. Wala kasing forever hahahahaha!
"Tantanan mo na kasi yang si Timothy. Bakit di na lang si Justin ang landiin mo ng tigilan na rin ako?!" Nakabadtrip pa rin yung nangyari kanina. Bida bida masyado eh. Ipalit ko sya sa araw eh grrr.
"Ayaw si Timobeybs lang gusto ko" Humiga naman sya ng kama at umikot ikot.
"Asa pa Hilay, wag kang iiyak iyak ha? Tara na nga sa lobby" Hinila ko sya patayo.
"Tin, CR muna ako ha?" Paalam ni Hilay
"Sige bilisan mo"
Kinuha ko yung phone ko at tiningnan kung may messages ba. Nakakadismaya wala man lang nangamusta sa akin grabe.
"Hulaan mo kung sino to. Clue pogi" May nagblindfold sa akin gamit ang kamay nya. Halata namang si Lois to. Amoy na amoy ko yung super masangsang nyang pabango at ang boses nyang parang ipis. Tss.
"Kingkong?!"
"Hoy, ang pogi ko masyado para maging kingkong no, halika nga dali" Hinila nya naman ako papuntang impyerno. Joke lang di ko talaga alam kung saan kami papunta.
"SAAN MO BA AKO DADALHIN?! SI HILAY HINIHINTAY KO!" Nakakasira talaga ng araw 'tong kumal na to eh.
"Chill ka lang, may gagawin lang tayo tsaka malaki naman na si Hilay, kaya nya na maglakad mag-isa" Sagot niya sa akin sabay kindat.
Yuck. Putek ano yun?! Nakakadiri.
"Kindat kindat ka dyan?! MUKHA KANG BANLAG! Pangilabutan ka nga. Ang pangit mo mukha kang bangaw"
"Ang poging bangaw ko naman, atsaka diba magkamukha tayo? Edi bangaw ka rin? Meant to be oh" Sabay smirk
Napakalakas talaga ng hangin ng kumal na to sa katawan. Talagang tinetest nito yung patience ko eh. Kalma lang Tin, wag ka papaakpekto okay?
"Meant to be your face"
"Andito na tayo" Huminto kami sa Room 109. Teka kwarto nila to ah.
"A-anong gagawin natin di-dito?! Bakit mo a-ako dinala dito?!" Omg. Bata pa ako Lois, madami pa akong pangarap. Subukan mo lang talagang galawin ako. Sisipain kita where the sun doesn't effin shine.
"Pasok na, tayong dalawa lang nandito" Tinulak ako ni Lois papasok tapos nilock nya yung pinto.
"Hoy Lois! Di ba sinabi ko naman sayo hinding hindi mo ako makukuha sa pacute cute mo!" Tinulak nya naman ako sa kama at umibabaw sa akin.
Holy crap! Ano bang ginagawa ng hayop na to?! Mama tulungan nyo ako!
Lumapit sya sa akin hanggang sa one inch na lang ang pagitan namin, napatingin ako sa lips nya, wow infairness kissable.
Teka nga Tintin maghunos dili ka, wag kang papadala sa pabango nya. Di ko alam pero napapikit na lang ako bigla.
Teka bakit wala pa? Tagal na--
"OUCH!" Pagdilat ko may nakita na lang akong brief sa mukha ko.
"ANO TO?!" Binato ko pabalik sa kanya yung Calvin Klein na brief nya.
"Bakit disappointed ka? Haha. Pakiayos naman yung gamit ko oh, babalikan na lang kita mamaya"
"Hoy hindi mo ako utusan, ano ka sinuswerte?!" Hinabol ko sya pero nakalock na yung pinto at di ko na mabuksan.
Paano na ako ngayon? Huhu.
YOU ARE READING
Don't Be Normal
RomanceWhen everything seems to be normal and mainstream... A story that is not normal.