Chapter 10

0 0 0
                                    

Tin's POV

Haaaay, tapos na rin. Napakadaming dala naman ni Lois eh ako nga isang maleta lang sa kanya dalawang malaking maleta tapos bag na malaki kulang na lang dalhin nya yung bahay nila eh tss.

Roommate nya pala si Kuya Charles at Timothy. Naku dapat pala sinama ko si Hilay dito, patay na patay pa naman yun kay Timothy.

Beep!

One new message from Hilayngot

Speaking of Hilay

'HOY TIN NASAAN KA BA? BAKIT MO KO INIWAN?! PERO OKAY LANG KASAMA KO NAMAN SI TIMOTHY MAHLABSOSWEET HEHEHE. SIGE KITA NA LANG TAYO LATUR MWAPS'

Di naman sya masaya nyan? All caps eh ramdam na ramdam ko.

'Hilay, sunduin mo ko dito sa room nila Lois, nilock nya ako dito bwiset sya'

Sending failed.

Aish wala nga pala akong load. Napakamalas nga naman. Ano nang gagawin ko dito?

Humiga ako sa kama. Iidlip nga muna ako baka pagdating ko nandyan na si Lois.

Lois' POV

Andito kami ngayon sa room nila Kent, karoom nya si Gab tapos si Adrian at James naman ang magkaroom, tapos kaming tatlo naman nila Charles ang Timothy.

"Game, game laro na"

Pinaikot na ni Gab yung bote. Naglalaro kami ngayon ng Spin the bottle, ewan ko ba ang ko-corny nila parang mga babae eh.

Huminto yung bote sa tapat ni Gab

"Ako magtatanong!" Sabi ni Timothy

"Ako naaaa!" Sabat naman ni Charles

"Ako"

"Ako"

"Ako nga"

"Ako sabi"

"Truth or dare?" Singit naman ni Adrian

"Teka kami magtatanong ah?!" Sabay na sabi ni Charles at Timothy

"Truth" Sagot ni Gab sabay ngisi

Ang corny talaga, aalis na nga ako dito.

"Oy, nahihilo na kasi ako, tulog muna ako ah" Tumayo na ako at lumabas ng kwarto nila Kent.

Di man lang ako pinansin tss.

Tutuloy lang yung pagpasok ko sa kwarto, hinubad ko yung shirt ko. Nasanay na kasi ako na nakatopless pagmatutulog, di ko na binuksan yung ilaw at natulog na.

Tin's POV

UGHHH. SHIT ANG SAKIT NG PUSON KO HUHUHU.

Omg! Yung kama matatagusan!

Tumagilid ako para hindi matagusan

"Ouch"

Teka ano yun, ang sakit ng noo ko tumama sa pader.

Inanlock ko yung phone ko para magkailaw at tumambad sa akin ang isang Adonis.

"Ahhhhhhhh. Manyakis! Rape rape rapeeeeee!"

Biglang pumasok yung iba pang mga lalaki.

Isa

Dalawa

Tatlo

Apat

Lima

Anim

Andito lang naman ang Voltemort.

"Ano ba yan ang ingay" Sabi ni Lois, nakapikit pa rin sya. Hinila nya ako papalapit sa kanya.

Di ko alam pero sinipa ko talaga sya at boom nahulog sya sa kama.

"ANO BANG PROBLEMA MO?!" Ops gising na ang tigre.

"Bakit mo ba ako niyayakap?!" Hinila ko yung kumot at tinakip ko sa katawan ko.

"Ano bang pinagsasabi mo? Bakit ka ba andito?" Baliw ba to?! Matapos nya akong ilock, tatanungin nya kung bakit ako nandito.

"SINO KAYANG NAGLOCK SA AKIN DITO PARA AYUSIN YUNG GAMIT NYA?! AALIS NA AKO DITO" Tumayo ako ng kama at lumabas.

Hay salamat nakalaya rin sa impyerno. Pero masakit pa rin yung puson ko ajujujuju.

"Tin" Tinawag ako ni Timothy

"Bakit?" Nilingon ko sya. Tumakbo sya palapit sa akin at tinali sa waist ko yung checkered polo nya.

"Te-teka anong ginagawa mo?" Ang lapit lapit nya sa akin, isang maling galaw at mawawala talaga first kiss ko huhu.

"May tagos ka kasi, balik mo yan sa akin ha, favorite polo ko yan. Pakilabhan na rin" Binulong nya sa akin at tumakbo na pabalik ng kwarto nila Lois.

"Shocks?! Sabi ko na matatagusan ko nanaman yung kama eh" Ahhhhhhh nakakahiyaaaaa!

Tumakbo na ako pabalik ng kwarto namin. Waaaah Lord, kuhanin nyo na po ako. May imamalas pa ba ako ngayong araw?

Reese's POV

Bakit wala si Tin? Saan ba nagpunta yun. Babalik na kaming kwarto tapos di man lang sya sumipot eh ididiscuss nga yung rules, di rin tuloy sya nakapagdinner

"Ang saya ko talaga ngayong araw, biro mo hinintay ako ni Timothy kanina sa labas ng cr" Kanina pa ako inaalog nitong si Hilay, di sya makamove on sa pagsundo sa kanya ni Timothy.

Malay nyo napadaan lang naman talaga si Timothy diba? Assuming talaga to tsk tsk.

Naghiwalay na kami ni Hilay dahil sa unahan yung room namin ni Brey at dulo yung kanila.

Oo Brey lang, mukha syang bata tsaka ayoko sya tawaging ate.

Kaya ko bang magsurvive dito lalo't sya ang roommate ko?

Goodluck na lang sa akin nito tss.

Don't Be NormalWhere stories live. Discover now