chapter 12: take care

15 2 0
                                    

Johnjell's POV
-pagkadating namin sa bahay nila ay tinanong agad kami ni tita bakit daw ngayon lang kami at bakit daw basa kami. Si Marry ang sumagot nagpalusot sya para hindi ako pagalitan nina tito ayun pinauna ko ng maligo si Marry pagkatapos nya ako naman tapos pumunta na kami sa kwarto nya.

"A-ah Baby J dun na lang ako sa may sofa ko sa kwarto tapos ikaw na lang jan sa kama ko" sabi nya

"Hindi ako na lang dun sa sofa mo ikaw na sa kama" sabi ko

"Nakakahiya naman bisita kita tapos sa sofa ka lang tutulog atsaka baka hindi ka sanay" sabi nya

"Ayos lang sige na tulog kana" sabi ko

"Sige baby J goodnight I Love You" sabi nya

"Good night Baby M I Love You Too" sagot ko sabay yakap sa likod nya at hinalikan sa noo

-humiga na sya at pumunta na ako sa sofa bali nasa isang kwarto lang kami sya sa kama ako naman ay sa sofa na pero di parin ako makatulog binisita ko si Marry kung tulog na sa tingin ko naman oo tapos hinalikan ko sya sa labi smack lang at humiga na ulit sa sofa. Makalipas ang ilang minuto 1:00 am na hindi pa rin ako tulog kaya binisita ko sa Marry

"B-Baby J p-penge akong g-gamot achooo!!" Sabi nya at bumahing

"Nako Marry ang taas ng lagnat mo" sabi ko ng may pag-aalala

"T-tulungan mo a-ako ang s-sakit ng ulo ko" sabi nya habang umiiyak

"Saglit lang ha kukuha lang ako ng panggamot sa baba" sabi ko sabay halik sa noo nya

"O-okay bilisan m-mo ha?" Sabi nya

"Oo" sagot ko

-kumaripas na ako ng takbo pababa nagpanic na ako dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Pagdating ko sa kusina kumuha agad ako ng gamot at tubig tapos yung lagayan na maliit towel at tumaas na papunta sa kwarto. Pinaupo ko si Marry para inumin na yung gamot nya.

"Baby M eto na yung gamot inumin mo na" sabi ko sabay abot ng gamot sa kanya

"S-salamat Baby J" sabi nya

-pagakainom nya inihiga ko na ulit sya at nagsimula na syang punasan ng towel na basa maligamgam lang yung tubig pinunasan ko sya ng pinunasan at nagpasalamat sya sa akin habang umiiyak sya. Naiinis ako sa sarili ko kasalanan ko to eh kung hindi lang sana ako nagpakatanga hindi sya magkakasakit bwisit naman oh

"M-Marry sorry ah? Kasalanan ko to eh pinaghintay kita ng matagal sa garden kaya ka nagkasakit" sabi ko

"A-ayos lang wag m-mo nang s-sisihin ang s-sarili mo" sagot nya

-bakit kaya ang bait nya kahit may nagawa akong mali ang bilis nyang magpatawad kahit ako ang may kasalanan ng lahat pinagtatakpan nya pa rin ako sa magulang nya sorry talaga Marry ayaw sana kitang saktan pero kailangan eh

"I-i Love you" sabi nya sabay pikit ng mata at natulog na

"I Love you too Marry sana mapatawad mo ako sa gagawin ko hindi ko alam pero parang mahal na rin ata kita mahal na mahal" sabi ko may pumatak na luha sa mga mata ko

-2:00 am na kaya itinigil ko na ang pagpupunas sa kanya tsaka kinumutan sya at humiga ako sa may tabi nya at niyapos ko na sya at natulog na rin ako. Nagising ako ng 7:00 am at wala na si Marry sa tabi ko kaya naghilamos at nagtoothbrush muna ako pagpdating ko sa kusina ay nagluluto na sya ng breakfast namin niyapos ko sya sa likod sabay kiss sa noo.

"Good morning Baby M" sabi ko

"Good morning din" sagot nya

"Kamusta na nga pala ang pakiramdam mo?" Tanong ko

"Ayos na ang galing kasi ng Doctor ko eh" sabi nya sabay ngiti

"Ah sus! Nambola pa, Marry sorry ulit ha? Kasi sa nangyari kahapon" sabi ko

"Ano ka ba ayos na yun" sabi nya

"Ah nasan nga pala sina tita?" Pagtatanong ko

"Umalis may pupuntahan ata sila ni tatay" sagot nya

"Eh yung kapatid mo?" Tanong ko ulit

"Nasa kwarto tulog pa" sabi nya

"So wala kayong kasamang dalawa?" Tanong ko ulit

"Oo" tipid nyang sagot

"Gusto mo ba samahan ko kayong dalawa habang wala pa sina tita?" Tanong ko

"Oo naman" sabi nya

"Uuwi muna ako sa amin pagka breakfast tapos babalik ulit ako dito magbihis kayo ng maganda ha? Gagala tayo" sabi ko

"Okay sige salamat, pwede mo bang gisingin si Carlo sa kwarto nya?" Pagtatanong nya

"Okay sige" sagot ko

-pagkatapos naming magbreakfast nagpaalam na ako para umuwi sa amin at magbihis kasi gagala kami babawi ako sa kanya ngayon isasama ko ang tropa ko dumating na ako sa amin at tinanong ako ni mama kung saan daw ako galing sabi ko kay na Marry. Nakaligo at nagbihis na ako humingi ako ng pera tapos sinundo ko yung dalawa kong tropa sabi ko magdala sila ng sasakyan nila tapos pumunta na kami kay na Marry at sinundo ko sya ang simple nya talaga pero maganda sya

"Marry sa enchanted kingdom tayo pupunta isasabay na natin ang date natin doon" sabi ko

"Talaga?! Ang bait talaga ng Baby J ko" sabi nya

"Talaga ako pa? Eh mahal kita eh" sabi ko

"Sus!" Sabi nya

"Kuya pogi, san po tayo pupunta?" Pagtatanong ng kapatid nya

"Sa enchanted kingdom gagala tayo doon" sagot ko










-sorry sa mga typo error ;)

pavote,comment and follow na rin po

I'm Inlove With A PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon