chapter four my secret

40 6 2
                                    

Joshua's POV
-hello ako nga pala si Joshua Barrion 14 years old grade-9 palang ako ngayon pero simula elementary bestfriend ko na si Marry. Kilalang-kilala ko talaga sya kapag malungkot sya alam ko kung pano sya patawanin, kapag inlove yan kilala ko din yan, kapag umiiyak sya nandito ako para patahanin sya.

Oo aaminin ko nakita ko yung ginawa ng lalaki kanina sa kanya kaya ako ganito ngayon dahil doon kasi mahal ko na sya hindi na bestfriend ang tingin ko sa kanya. Nasa kwarto ko ako ngayon nag-eemo dahil sa nakita ko sino ba yun? Bakit parang ang bilis ni Marry mahulog sa kanya? Parang nanliligaw na yung lalaking yun sa kanya? Ang daming tanong ang nabubuo sa isipan ko dahil dun basta ang kailangan ay kilalanin ko yung lalaki na yun.

"Anak, kumain kana nakahain na ang mga pagkain" sabi ni mama

"Ma! Mauna na po kayo susunod na lang po ako mamaya" sagot ko kay mama

"Anak may problema ka ba?" Sabi nya sabay pasok sa pinto ng kwarto ko

"Ma, wala naman po nalulungkot lang ako" sabi ko

"Anak alam ko may problema ka ishare mo na sa akin, anak nanay mo ako pwede kitang tulungan"pang-aamo nya

"Ma, kasi parang nasasaktan ako ngayon dahil yung mahal ko ay may nagustuhan ng iba, hanggang bestfriend na lang ata kami eh" paliwanag ko

"Anak di pa huli ang lahat kasi hindi pa naman ngayon ang panahon para sa love, pwede namang magkacrush kasi anak mahirap magmahal masasaktan at masasaktan ka lang kaya dapat pag-aaral muna ang iniintindi mo ngayon tsaka na yang love na yan at i-enjoy mo muna ang pagiging teen ager mo" advice ni mama

"Ma, salamat po sa payo nyo" sabi ko na lamang sabay yakap sa kanya

"Teka nga anak sino ba yang swerteng babae na mahal mo?" Tanong nya

"Ah Ma, wala po" tugon ko

"Sabihin mo na kasi" sabi ni Mama

"Si Marry po, Ma" sagot ko sabay tungo

"Ikaw na bata ka naku!! Aral muna tsaka na yan madali lang humanap ng love lalo pa't pogi ka" pambobola nya

"Hahaha mama naman nambola pa" sabi ko

"Hindi kaya gwapo ka talaga" sagot nya

"Sige ma susunod na lang ako aayusin ko lang ang sarili ko" sabi ko kay mama

"OK, Bilisan mo ah" Sabi nya

-sa totoo lang gwapo naman talaga ako, matangkad, mabait,maunawain, mapagmahal, hindi naman masyadong katalinuhan pero nakakasagot ako, nasimba din ako at nananalig sa Diyos, at palakaibigan. Hindi naman sa nagmamayabang ako pero ganon talaga ako. Hindi kami mayaman pero hindi rin kami mahirap may kaya lang kami

-sa tingin ko talaga si Mama na ang pinakamabait na nanay para sa akin dahil lagi syang nandyan kapag kailangan ko sya at sya din ang nagpapasaya sa akin only child lang ako. Si papa nasa abroad tapos kami ni mama nandito sa Pilipinas kaya nga naging mama's boy ako dahil sa kanya

Johnjell's POV
"Oh ano pare ano nang nangyare sayo bakit ka tulala?" Pagtatanong sa akin ni Kevin

"Ah wala to pare pagod lang" sagot ko sa kanya

"Pwe? Eh kamusta na nga pala ang deal natin?" Tanong naman ni James

"Pare malapit ko ng mapafall si Marry sa akin naka points nga ako kanina eh"pagmamayabang ko sa kanila

"Basta tuparin mo lang ang deal natin eh babalik din sayo si Rania"sabi nila

"Pare oo naman basta para kay Rania"sagot ko

-nga pala mga readers di nyo pa nga pala alam ang nangyari sa amin ni Rania flashback na lang

+flashback+
"Pare tulungan nyo naman ako mamaya oh" sabi ko

"Saan ba?" Sabi ni Kev

"Haharanahin si Rania sa stage mamaya"sabi ko

"Ah ok sige" sabi naman ni James

-ayun nga nasa stage na ako handa na rin ang mga instrument na gagamitin ko sa panghaharana sa kanya mahal na mahal ko kasi sya eh ayan na dumating na sya nagsimula na akong magstrum ng gitara habang nasa unahan sya sa baba ng stage ang dami kasing mga babae magsisimula na akong kumanta habang nakatingin sa kanya

"Minamasdan kita,
Ng hindi mo alam
Pinapangarap kong ikaw ay akin
Mapupulang labi
At matamis mong ngiti
Umaabot hanggang sa langit
huwag ka lang titingin
Sa'kin at baka matunaw
Ang puso kong sawi" sabay ngiti sa kanya at kindat

"Sa iyong ngiti
Ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sayo
Ang awit ng aking puso
Sana ay mapansin mo rin
Ang lihim kong pagtingin"

-pagkatapos kong kumanta lumapit ako sa kanya sa baba ng stage at lumuhod sabay hawak sa kamay nya

"Rania pwede ba kitang maging girlfriend?" Sabi ko habang kinakabahan

"A-a-ahm yes Johnjell payag ako"sabi nya habang tumutulo ang kanyang luha

-niyakap ko sya ng mahigpit at ayun tumakbo kami palabas ng school habang magkaholding hands pa tapos sumakay kami sa kotse ko at pumunta sa isang maganda at tahimik na lugar para syang garden na puno ng makukulay na bulaklak

*fastforward*
"Babe anong gift mo sa akin? Malapit na monthsary natin eh" wika nya

"Wala naman akong napaghandaan dyan eh gala nalang siguro tayo sa enchanted kingdom" sabi ko

"Palagi ka namang ganyan eh" wika nya ng malungkot na tono pero di nya alam na may surprise talaga ako sa kanya

"Basta magiging masaya talaga tayo sa monthsary natin sa isang araw" wika ko

"Oo na nga eh tara na lang muna sa garden" sabi nya habang nakahawak sa kamay ko











-sorry sa mga typo error ;)

pavote,comment and follow na rin po

I'm Inlove With A PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon