chapter 23: Puzzle

8 3 1
                                    

Marry's POV
-nandito ako ngayon sa amin dahil inannounce na wala kaming pasok ng 2 days buti naman makakapagpahinga ako ngayon. Maya-maya ay tinawag ako ni nanay

"Marry! Marry! may naghahanap sayo nandito sa sala bumaba kana dyan!" sigaw ni nanay

"opo! susunod na po!" sagot ko

-lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba na papunta sa sala at pagtingin ko sa nakaupo na feel na feel ang pagkakaupo kala mo sa amin talaga nakatira walang iba kundi ang dakilang playboy.

"hey! baby M tara na sa amin diba may pinapagawa si sir kaya halika na sinusundo na kita" sabi nya

"oh Marry may pinapagawa naman pala sa inyo eh maligo kana at sumama kana kay Johnjell" sabi ni nanay

" sige po nanay" sagot ko

-nakakainis lang may pagpunta pa sya sa bahay namin at susunduin pa talaga ako! kala ko pa naman makakapagpahinga na ako may halimaw pa na dumating. Naligo akp ng mga 20 mins. rush na dahil sa panget na naghihintay sa akin baka mapagalitan pa ako ni nanay eh

"Marry bilisan mo dyan! kanina ka pa hinihintay ni Johnjell" sabi ni nanay

"eto na po"! pababa na po ako!" sagot ko

"oh! baby M halika na at tayo ay aalis na" sabi ni Johnjell

"oo eto na halika na nga" sabi ko

"lets go baby M" sabi nya

-pagkalabas namin sa bahay ay bigla nyang hinawakan ang kamay ko kaya magka holding hands kami ngayon paglabas namin ng gate inaalis ko ng pilit ang kamay ko nakakainis ang kapal ng mukha nya ah may pahawak-hawak pa sya sa kamay ko nakakainis ang feeling talaga. Saktong paglabas namin ay nasa tapat ng gate namin si Josh kaya agad kong tinaggal ang kamay ni Johnjell

"Oh Marry saan ka pupunta?" tanong ni Josh

"dito lang naman dahil may pinapagawa si sir Patrick" sagot ko

"eh bakit kasama mo na naman tong si Johnjell" tanong ulit nya

"eh kasi diba sabi ni sir kilalanin ang kapartner mo" sagot ko

"ah oo nga pala, so sya pala ang partner mo?" pagtatanong nya

"yes, ikaw sino nga palang partner mo?" tanong ko naman sa kanya

"ah si Alteah ang partner ko" sagot nya

"sige pare! aalis na kami ni Marry ha" sabat naman ni Johnjell

"okay, take care of her ha" bilin ni Josh

- umalis na kami ni Johnjell hinila nya kasi ako wala talagang manners eh. San naman kaya kami pupunta ng ugok na to? hay kala ko pa naman makakapahinga na ako eh!

"oy! Johnjell san ba tayo pupunta?" tanong ko

"Were going to my house I told you! we need to know each other okay" sabi nya may paenglish-english pa sya ah

"pero hindi mo naman sinabi na ngayon yun eh" sagot

"You know its a surprise meron bang surprise na sinasabi?" pagtatanong nya

"oo na! oo na! just shut up your mouth" sabi ko

-dumating na kami sa bahay nila and wow ang laki mala castle ha, parang mas mayaman sila kayna Jerome, Medyo natulala ako kasi kahit noong gf nya pa ako hindi pa nya ako dinadala sa bahay nila eh

I'm Inlove With A PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon