Chapter 1 Meet the player….
Anne’s POV
Wake up in the morning feelin’ like P. Diddy
Grab my glasses I'm out the door I’m gonna hit the city
Before I leave brush my teeth with a bottle of jack
‘Cause when I leave for the night… I ain’t coming back
Errr. Alarm. K Haaaay… Umaga na naman. Good morning? Echosera! Anon ba ang maganda sa umaga? Ako lang naman ang maganda. Kung anu-ano nanaman ang sinasabi ko. Umagang-umaga eh. Anyways..
My name is Crissanne Fuentes. Call me Anne nalang. 18 years old. Nag-aaral sa *tooot* University (uyyyy…. Confidential. Haha) Sabi nila, yeah. Sabi nila, I’m hot, maganda, matalino and……MABAIT ako. Oo, mabait ako. Maging palaka na ang umangal. Popular ako sa school.
Sabi nila Perfect Girlfriend material, kaya naman ganoon nalang karami ang naghahabol sa sakin. Mahangin ba? Sorry naman. Sinasabi ko lang ang totoo. =))
Ayun, dahil sa madami silang naghahabol. What do you expect? Edi pinagsabay-sabay ko silang lahat. Para madali. Eeeeeh, choice nila yun. Mga madlang pipol, love is a game pag nainlove ka talo ka, ikaw ang masasaktan. Tch.
Love? Naaaah. Wala yan sa vocabulary ko. Masama ba ako kasi pinagsabay-sabay ko sila? Pinagbigyan ko lang gusto nila. Gusto nila akong maging girlfriend? Then, fine. Tss. Madali akong kausap. Kung masama ako, mas masama siya….
Sino? Nah. Nevermind. Errr. Ayokong inaalala yun. Ang aga-aga eh, magdadrama ako. EEEEEHHH. Tama na.
Bumagon na ako at naghanda nang pumasok.
‘Kuya Eddie, ‘asan sila Kuya?’- ako
‘’Aaah eh, Anne nauna na silang pumasok.’- Kuya Eddie.
Si Kuya Eddie, matagal na naming driver. Pero kuya tawag namin.
Hindi namin talaga tinatawag na Manong at Manang ang mga kasama sa bahay. Parang family na rin ang turing namin sa kanila. OJ
And oh yes, may mga kuya ako. Tatlo sila at ako? Oh well, nag-iisang babae. Me is the bunso. :DD
They are, Chase (panganay), JM (pangalawa), Nico (pangatlo), at Anne (bunso). I’m their princess. Nakanang yan. Haha. Aaminin ko, spoiled ako I always get what I want pero mabait naman ako.
I’m not like those brats naman na super mean na umaabot sa puntong nanlalait ako ng tao to be popular. I’m popular because of me. Only me, I don’t have to make use of other people para sumikat ako. I shine in my own special way. ;)
Aaaaand, hindi ko namalayan, nasa school na pala.
‘Anne, nandito na tayo’
‘Sige, Kuya Eddie pasundo nalang po ako mamaya. Ingat. Thanks.’
Pinagbuksan lang ako ni Kuya ng pinto at pumasok sa school. Maraming ‘hi’ at ‘good morning’ sabi sayo eh, I’m popular.
Siyempre, mabait nga kasi ako kaya naman I smiled back at them.
‘Di naman kasi nga ako snob. Ano beeyy. :)
‘BEEEEEEEEEEESSSSSSSSSSSSSSSSTTTTTTTTT!!!!!!’- Lysa
’Ay, makasigaw wala na bang bukas? Miss mo ko no? hahaha’- ako
‘Eto naman. Di ka na nasanay. Haha.’- lysa