A/N Si Dwaine naman hahaha. Babalik din tayo kina Joseph at Anne. Para masaya, si Dwaine din kasi dapat may love story di baaa? hahaha. :))
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 10- Untold story 2
Beatrice's POV
Omygoodness, di ko talaga inexpect yun. Magkakilala sina Jules at Dwaine? :O Naka-uwi na kami sa Manila, pero di pa rin ako makaget-over sa MGA nalaman ko.
Yes. MGA. Which means, marami. Grabe ang liit nga naman ng mundo.
Parang ang hirap paniwalaan na ang pinsan ko na si Jules at ang Bff ko na si Dwaine, may past. Ay mali..mali. Hindi pala past yon. Unfinished business pala. Yon. So si Dwaine pala yung palagi niyag kinukwento sakin non.
Flashback
" Jules, kung mahal mo sabihin mo. Baka maunahan ka pa eh. Ikaw rin."
" Ano ba naunahan na nga eh."
" Ano tawag sayo?"
"Tanga."
"Di lang. TORPE rin. Hayy! Ewan ko sayo. Wala naman sa lahi natin torpe eh. Kanino ka kaya nagmana? Ampon ka lang siguro no?"
" Oo na...ako na talaga. Ayoko lang naman kasi makagulo sa kanila eh. Masaya na siya eh, guguluhin ko pa ba?"
Kriinnngg...Kriiinnng...
Ang ganda naman ng ringtone niya. Kala ko telepono namin eh, cellphone niya pala.
" Hello.......bakit?.......ano nangyari?..........ha?..........osige.......saan? papunta na ko diyan."
"Bakit? Sino yun? Anyare? San ka pupunta?"
"Teka lang insan. Andaming tanong isa-isa lang. Ay wag ka na muna pala magtanong alis muna ko. Reserve mo muna yang sangkaterba mong tanong mamaya."
" Sira ka talaga. San ka ba pupunta?"
" Punta ko sa kanya. Tumawag eh. Umiiyak."
" Sino ba yon?"
"Si...si...wag nalang madaldal ka eh."
"Maganda naman."
" Sige na oo nalang. Alis na ko."
*end
Walang araw na di nagkukwento si Jules tungkol dun sa mystery girl niya. Ayaw niya pa nga sabihin eh. Di ko naman alam na si Dwaine pala yun, edi sana nalakad ko siya diba? Buti nga sa kanya. haha! Ang bad ko.
Kaya naman pala bumalik tong sira ulo kong pinsan. Ang alam ko kasi dun na talaga sila sa America for good. Mahal talaga nitong pinsan ko si Dwaine. As in sobra. Simula noon hanggang ngayon. SOLID.
" HUY!" -Dwaine
" Ay bakekang!"
" Sa pagkakaalam ko hindi ganito kaganda si bakekang. (sabay turo sa mukha niya)"-Dwaine
"Ewan ko sayo."
"Ang lalim kasi ng iniisip mo eh. Nalulunod ako."
"Pasagip ka kay Ju......"
" Oy tignan mo yon Bea ang ganda ng dress oh."
" SAN?!"
Wala naman eh. Iniba niya lang yung topic. Nang uto lang. At ako naman tong uto-uto.