Cebu
Nag mamadali akong sumakay sa kotse ko at agaran ko itong pinaandar hindi narin ako sinundan pa ng mga body guards namen dahil narin siguro pinatigil sila ni Daddy.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta sa mga oras na to. Kung mag hohotel ako matatagpuan agad ako ni Daddy dahil halos lahat ng may ari ng hotel dito sa Cagayan De Oro ay kaibigan niya.
Kailangan kong lumayo at mag tago. Iyon ang paulit ulit na sumasagi sa isip ko. Mabilis ang patakbo ko ng sasakyan papuntang airport. Wala akong ibang naiisip na paraan kundi ang umalis muna dito sa Cagayan.
"Good Afternoon Miss Ramirez! How may i help you?"
"Is there any available flight right now?"
"Please. Let me check it first"
Kahit saang lugar pupunta ako makaalis lang dito.
"Cebu City, Miss 1:30 this afternoon shall i book a flight for you now?"
"Yes. Please"
Naka hinga ako ng maluwag sa pag iisip na makakaalis ako dito sa Cagayan.
Mabilis na lumipas ang mga oras at agad akong nakasakay ng eroplano. Buti nalang may sarili akong naipon na pera para sa sarili ko kaya hindi ganoon kahirap ang umalis at lumayo.
I wish na hindi ako mahanap ng pamilya ko. Alam kong ganun kalaki ang impluwensya ng pamilya ko sa Cagayan para mahanap agad ako kaya naisip ko agad ang lumayo.
Mabilis na lumipas ang oras at hindi ko namalayan na nasa Cebu na pala ako.
This place is so beautiful. Ang mga tanawin na napakaganda. I feel freedom here. Nalibang ako ng nalibang. Hindi ko pa alam kung saan ako pupunta.
"Miss saan ka?" Bigla nalang sumulpot ang isang taxi driver sa harap ko.
"Hindi ko po alam manong e. Ngayon lang po kasi ako nakapunta dito." I shouldn't talk to strangers but i have no choice wala akong kakilala o alam na lugar dito.
"Naku Mam! Mag hahapon na po. Paano na po kayo niyan?"
"Is there any hotel here? O kaya kahit Motel nalang?"
"Naku Mam! Punuan po kasi ang mga Hotel ngayon kasi Summer!" Oh! I almost forgot! Summer nga pala ngayon. Perfect timing ang pag punta ko dito sa Cebu.
"Mam kung gusto niyo po may isang apartment po akong alam malapit po sa bahay namin. Kaso Mam alam ko pong hindi kayo nag titiwala sakin kasi ngayon nyo lang ako nakilala. Pero Mam wag po kayong mag alala hindi ko po kayo ipapahamak."
Muka namang mabait na tao itong si manong at wala din naman akong choice.
"Sige po manong. Pero pwede po bang pa deretso nyo nalang po muna ako sa isang mall dito? Wala po kasi akong gamit e bibili po muna ako."
"Sige po Mam! Ay Mam! Canor nga po pala." Sabay lahad ng kamay niya sa akin na agad ko namang tinanggap.
"Venice po." isang ngiti ang ginawad ko sa kanya.
Pag dating namin sa isang Mall ay agad akong namili ng mga gamit na kakailanganin ko. Binilisan ko na rin ang pamimili dahil nag hihintay si Mang Canor sa labas. How lucky i am kasi may nakilala agad ako.
"Mang Canor natagalan po ba ako? Pasensya na po"
"Naku Mam hindi po! Ang bilis niyo nga po e hehe"
Mabilis na nag patakbo ng sasakyan si Mang Canor. At habang nasa biyahe ay pinaulanan niya ako ng mga tanong na agad ko namang sinasinagot. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako sa biyahe medyo malayo din pala sa bayan ang kanilang lugar.
Naalimpungatan ako ng biglang mag preno ang sasakyan.
"Mam! Naku nagising pala kayo! Malapit na po tayo sa amin."
Lumipas pa ang limang minuto at natanaw ko na ang dagat napakaganda. Nag taka ako kasi wala namang mga kabahayan dito. Ang natatanaw ko lamang ay ang limang bangka at ang mga bata ding pasakay sa mga bangkang naka daong sa gilid ito.
"Mam nandito na po tayo kailangan lang po nating sumakay sa bangka ng marating natin ang aming isla."
Wait. What? Isla? Pupunta ako sa isang isla? Ginapangan agad ako ng takot sa sinabi ni Mang Canor.
Ngunit nilabanan ko ang takot ko at sumakay na ng bangka. Like what i said wala akong choice. Kaya wala na akong panahon para maging duwag pa.Kasabay ang mga bata na parang sanay na sa pag sakay sa bangkang ito. Agad na umandar ang bangka at sumabog agad ang buhok ko at sumabay sa pag galawa ng hangin.
Manghang mangha ako sa kulay kahel na kalangitan at sa malumanay na tubig ng dagat. Kung mamasdan mo ay napaka ganda.
Lumipas ang 10 minuto ay nakarating na kami sa isang isla na maraming kabahayan. The children run fastlly natanaw ang daungan.
"Naku Mam! Pasensya na po kayo ha! Medyo magugulo po ang mga bata dito sa amin hehe"
"Nako ayos lang po iyon."
Halos lahat ng bahay dito ay may lumang disenyo at antique na ngunit magaganda. Kung iisipin mo ay parang lugar ito ng mayayaman noong unang panahon.
"Halika po Mam! Ipapakilala po kita sa asawa ko."
"Mahal! Mahal! Eva! Halika dito at may bisita tayo!"
Maganda ang bahay nina mang Canor. Hindi mo mapapamukahang taxi driver siya dahil sa gara ng kanyang bahay.
May lumabas na isang babaeng morena na may karga kargang bata sa mula sa isang kuwarto. She is beautiful bagay na bagay sa kanya ang pagiging morena.
"Mahal ito si Mam Venice. Dayuhan siya dito at wala siyang alam na pwedeng matuluyan kaya dinala ko na muna siya dito sa atin."
"Naku mahal ganun ba? Hehe hello po Mam Venice! Pasensya na po sa bahay namin" nahihiyang sabi ni Ate Eva.
"Naku ate Eva. Venice nalang po. Ako nga po dapat ang manghingi ng pasensya sa inyo dahil naabala ko pa kayo."
"Hehe Mam ay este Venice kumain po kayo dito sa amin at sigurado pong mahaba ang binyahe niyo."
Nag handa ng pag kain si ate Eva. Mabait ang pamilya ni Mang Canor. Lahat ng kinatatakutan ko kanina ay nalusaw na parang bula.
Pag katapos kumain ay nag presinta akong gawin ang pag lilinis ng plato ngunit agad iyong tinanggihan ni Ate Eva.
"Mam Venice ihahatid na ho kita sa apartment na sinasabi ko at alam kong gusto nyo ng mag pahinga" tumayo na ako at sumunod kay Mang Canor.
BINABASA MO ANG
Sweet Lies
RomanceAnong gagawin mo kung malaman mong ang buong mundo mo ay puro kasinungalingan? Ang mga taong nakapaligid sayo. Ang mga bagay na nakukuha mo. At higit sa lahat ay ang taong pinaka mamahal mo? She's Krystal Venice Ramirez, she got everything in this...