Chapter 2

0 0 0
                                    

Cold

"Maraming Salamat po Ate Eva. Salamat po sa pagtanggap sakin. Uuna na po ako"

Pahabol ko bago tuluyang lumabas ng bahay nina Mang Canor.

"O sige Mam Venice hehe. Mag iingat po kayo hehe" maligayang tugon ni Aling Eva.

Naramdaman ko agad ang lamig ng hangin sa balat ko. Maagagap akong napayakap sa sarili ko.

Mga 3 minuto pa ang nilakad namin ni Mang Canor at tumambad sa akin ang isang kulay asul na Apartment. Kung titignan mo ng mabuti ay parang hindi naman ito kalakihan at sapat lang para sa isang tao.

"Ay naku Mam Venice pasensya na po sa malayong nalakad hehe ito na po yung apartment na sinasabi ko. Medyo maliit po ito pero maayos naman po sa loob."

Its nice hindi nga lang kasing ganda ng mga Apartments sa amin pero ayos na rin. At least may matutuluyan ako ng pang samantala habang pick season pa sa mga hotel. Hindi din naman kalayuan ito kina Mang Canor at kaharap nito ang magandang dagat.

"Naku Venice saglit at hahanapin ko lang si Manang Ednna ng matanong natin ang presyo nitong tutuluyan mo."

Sasagot pa sana ako kay Mang Canor pero wala na siya ng pag lingon ko sa pwesto niya. Hindi naman nag tagal si Mang Canor at bumalik din pag katapos ng ilang minuto.

Hindi naman ganon ka bigat ang presyo ng Apartment kaya agad ko ng kinuha. Kumpleto din naman ang gamit sa loob kaso wala nga lang electronic appliances katulad ng tv o kaya washing machine.

Suguro bibili nalang ako nito pag may bangkang dumaong muli dito sa isla. Nalaman ko kasi kay Mang Canor na tatlong beses lang sa isang linggo may dumadaong na bangka dito sa isla.

I check on my phone kung may signal ba dito ngunit wala talaga. Mas maganda nga na wala akong cellphone para kung i trace man ako nina Daddy ay mabibigo sila.

Agad din akong nakatulog ng gabing iyon dahil na din siguro sa pagod sa mag hapon lalo na sa biyahe.

Nagising na lamang ako ng marinig ko ang ingay ng isang makina. Siguro ay makina iyon ng bangka. Bumangon ako at binuksan ang bintana.

Lumabas ako para makiusisa sa mga taong nasa tabing dagat. May bagong dating palang turista. My eyes are directly went on the tourist's cold eyes. Wala pa akong nakikitang matang kasing lamig katulad ng sa kanya. His eyes went on my eyes too. Tumagal ng ilang segundo ang titigan namin. Naudlot lang ang pag titig ko sa lalaki ng biglang sumigaw si Mang Canor.

"Mam Venice pupunta na po akong bayan! Baka ho sa isang araw na ang balik ko, andyan naman ho si Eva pwede kang humingi ng tulong sa kanya kung kailangan niyo ho."

"Naku Mang Canor salamat po! Sige po mag ingat po kayo!"

Agad akong kumaway sa kanya ng makitang paalis na ang bangka.

Hindi pa nakakalayo ang bangka ay itinigil ko na ang pag kaway ko. Nahagip muli ng paningin ko ang turista. Agad akong nag iwas ng tingin ng mapag tanto kong nakatingin pala siya sakin.

Hindi narin ako nag tagal pa at pumasok narin agad ako sa Apartment. Ngunit hindi pa ako tuluyang nakakapasok ay nakarinig ako ng mga tilian ng mga babaeng mga kasing edadan ko. Well i guess dahil yun dun sa turista, hindi na ako mag tataka. Well he's handsome hindi ko maitatanggi yun.

Nag tataka lang ako kung bakit ganun ka yelo siya tumingin. Siguro kung sa susunod na titingin ako sa mga mata niya ay siguro malulusaw ako. Venice! What are you talking about? Am i dreaming of looking in that eyes?

I shut my thoughts ng napag tanto kong nag oover thinking na ako sa mata ng lalaking yun. It's just the eyes, Venice okay? Wala ng iba. Na aamazed kalang sa mata niya.

I cooked my breakfast. Fried rice, egg and hotdogs are enough. Habang kumakain ako ay napag tanto ko na wala pala akong gagawin mag hapon.

Not like pag nasa CDO ako ay mag hapon akong nasa trabaho o kaya naman ay nagimik kasama ang mga kaibigan ko. I think na ho-home sick ako.

Pag katapos kumain ay napag pasyahan kong lumabas muna at libutun ang isla. Ngayon ko lang napansin ang ganda ng tubig dagat. Dahil na din siguro sa gabi na nung dumating ako dito at kanina naman ay dahil sa mata nung arggg shut the thought Krystal Venice!

Hindi pa ako nakakalayo sa Apartment ay narinig ko na agad ang tawanan ng mga babaeng nasa kalapit na kubo. Napahinto sila ng napag tanto nilang nakatingin ako sa kanila.

"Oh im sorry! I mean, im sorry for staring or being rude." Nag taka naman ako sa inasal nila ng bigla silang nag tawanan sa sinabi ko. Anong nakakatawa sa sinabi ko? I checked on my face before i left sa Apartment kaya sure akong wala namang dumi dito. O baka naman sa suot ko? Agad ko itong tinignan pero wala namang pangit dito. Isang blue denim high waisted short at color red sleeveless top. Binili ko to sa mall doon sa bayan ng Cebu.

"Hahahaha sorry miss kung nag tataka ka hahaha hindi ko kasi mapigilang matawa sa reaksyon mo." Sabi nung chinitang maikli ang buhok.

"Punta ka nga dito." Agad akong lumapit sa kubo. "Bago ka dito ano? Pasensya kana sa mga kaibigan ko haha masasanay ka rin. Mia nga pala." Nag abot siya ng kamay na agad ko namang tinanggap. At ito namang tumatawa ayan si Aya, eto naman si Pam at Lina mag kapatid silang dalawa."

"Hello Ate! Ah anong pangalan mo?"

"Im Venice. Krystal Venice! Nice to meet you all." I smiled at them sweetly.

"Ah ate nakita mo ba yung turistang lalaki na sobrang gwapo? Yung bago katulad mo? Kyaaaaaa! Sobrang gwapo niya para siyang modelo na nakikita ko sa TV" pasigaw na sabi sakin ni Pam

"Ay ate ate ayun pala siya oh! Nasa may dalampasigan!" Sabay turo sa lalaking naka talikod sa amin.

No not again Venice!

Nag madali akong tumalikod ng makitang haharap siya sa kinaroroonan namin. Oh my gosh!

Sweet LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon