Stranger
Halos nakalimutan ko na ang gutom ko sa nang yari. Napag desisyunan kong wag ng bumalik dahil baka makasalubong ko na naman yung lalaking nakaka lusaw. Mag luluto nalang ako para maka kain.
Kinagabihan pag katapos kong kumain ay lumabas muna ako para mag pahangin at makapag isip isip sa mga bagay na maaring gawin nila mommy.
Agad na lumapat sa balat ko ang lamig mula sa sariwang hangin sa dagat. Niyakap ko ang sarili ko at sinuot ang cardigan na hawak ko.
Naiisip ko tuloy kung bakit ba naging ganito sila mommy at daddy.
Hindi sana mang yayari to kung nandito pa siya. Kung hindi lang sana namatay ang kapatid ko.
Gumising ako ng umagang umaga ng maramdaman na may kumikiliti sa paa ko. I open my eyes para makita kung sino ito. Nabigla ako ng makita ko siya. Tumalon agad ako at niyakap siya ng mahigpit.
"Ateeeeeeeeee!" Tuwang tuwang sigaw ko. Kung alam niya lang kung gaano ko siya na miss!
"Not so fast lil sis mag toothbrush ka muna! Ang baho mo!" Nag rereklamo niyang tulak sakin.
Memories of her is flashing back again. I miss her so much.
Sumimangot ako sa kanya at kunyaring nag tatampo. Ganito lagi ang sitwasyon naming dalawa tuwing uuwi siya galing ng ibang bansa. Twice a year lang kasi siyang umuwi simula noong pinadala siya ni daddy sa amerika.
Bata pa lang kami ni ate ay sobrang close na namin. Lahat ng secrets ko ay sinasabi ko sa kanya. Halos hindi kami mapag hiwalay. Pero nag bago ang lahat simula nung mag amerika siya pag tungtong niya ng college. Mag isa nalang ako sa bahay. Kasama ko lang ang mga katulong namin. Nalungkot ako ng masyado ng dahil sa pag alis ni ate.
Highschool ako nung nakilala ko si Stacy kaya parang nag kakapatid ulit ako. Habang wala si ate ay naging super close ko si Stacy at nag karoon pa ako ng marami pang kaibigan dahil sa kanya. I find it cute pag tumatawag sakin si ate at sinasabing nag seselos daw siya kay Stacy.
Lahat ng masasayang araw na yon ay nag bago ng dumating ang araw na pinaka pinag sisisihan ko. Na hanggang ngayon ay hindi ko parin makalimutan.
Bakasyon yun ng umuwi isang beses si Ate Denise. Third year highschool ako noon at mag fofourth year na.
"Ate pasaan ka?" Tanong ko kay ate ng makita kong palabas siya ng bahay.
"May bibilhin lang ako. Want to come?"
"Ah eh.. May gagawin pa ako e." Pakunyari kong sabi.
"Okay mag ingat ka at naulan ha. I love you lil sis." Sabay halik sa pisngi ko
Nauna siyang umalis ng bahay. Tinawagan ko si Stacy para sabihing makakaalis ako.
"Hello Stacy! I'm coming!" Natutuwa kong sabi atsaka lumabas ng bahay.
Hinintay kong dumating ang kaklase kong si Arthur na susundo sakin.
"Hayyys ang tagal namaaaan!" Halos pa bulong ko ng sabi baka kasi biglang lumabas ang isa sa maids namin.
Maya maya pa ay may tumigil na kotse sa harap ko at pinagbuksan agad ako ng pinto.
"Nainip kaba?" Nag aalalang tanong ni Arthur.
"A bit! Wag na nating pag usapan! Let's go!" Sigaw ko sa kanya atsaka nag patugtog ng mga party songs sa kotse niya.
Pag dating namin sa bar kung saan ang usapan ng mga kaklase ko ay agad akong dumeretso kay Stacy at yumakap. Nandoon din ang iba kong mga kaklase na bumati din sa akin.
Kaklase ko ang may ari ng bar na ito kaya pwede kami kahit minors. We are here for a party dahil birthday niya.
The party went on.
Hanggang sa may kumatok na mukang butler ni Kim sa vip room kung saan naroon kami.
"Sir Kim bigla pong nag anunsyo ang balita na may dadating daw pong bagyo. Kaya mas mabuti po sana kung pauwiin niyo na ang mga kaibigan niyo pinag uutos po ng daddy niyo."
Kinabahan ako sa sinabi ng butler ni Kim. Kinapa ko ang cellphone ko at nakita kong marami na palang missed call si Ate sakin.
Nag silabasan na ang mga kaklase ko at nakitang may mga nag hihintay ng kotse para sa kanila. Mag papasundo nalang ako kay ate Denise. Tinawagan ko agad si ate at nag pasundo sa kanya.
Wala pang sampung minuto ay dumating na si Ate.Pumasok agad ako sa kotse niya at naupo sa tabi niya. Naging mabigat ang aura naming dalawa.
"Kelan ka pa natutong mag bar at mag sinungaling ha Krystal?" Ginapangan ako ng takot dahil sa tono ng boses niya.
"I'm sorry." Nakayuko kong sagot.
"Hindi mo ba alam na nag aalala kami sayo! Sinabi mo dapat sakin!"
Sa susunod na aalis ka ay mag paalam ka muna!"Biglang bumuhos ang malakas na ulan habang paalis kami ng bar ni Ate.
Tahimik lang akong sumandal at pumikit habang nasa biyahe ng biglang nag salita ulit siya.
"Look I'm just worried okay? Sige mag pahinga ka na mu-" Mag sasalita pa sana siya ng biglang may kotseng bumangga sa harap namin.
Then everything went black.
Hindi ko na napigilan ang pag buhos ng luha ko ng maalala ko uli ang nangyari kay ate noong araw na yun ng dahil sakin.
Nagising nalang ako ng may ingay akong narinig. I saw my Mom crying. Bumalik ang pag iisip ko ng maalala ko ang nang yari.
"Mommy si Ate?" Nag aalala kong tanong. Nanlambot ako ng hindi sumagot o lumingon man lang si mommy.
"Dad?" Ngunit hindi niya rin ako tinignan.
Simula noong trahedya ay naging cold ang trato nila sa akin. Sabihin man nilang hindi ay ramdam ko.
"It's my fault kung bakit ganito ang nangyayari. Kung sana ay hindi ako naging makasarili!" sigaw ko sa kawalan habang walang tigil ang pag tulo ng luha ko.
"It's not your fault." Natigilan ako ng biglang may nag salita sa likod ko.
Nilingon ko agad kung sino ito. At hindi ako nag kamali sa iniisip na siya nga. It makes me shiver ng lumapit siya sakin."Kanina ka pa diyan?" Out of the topic kong tanong. Nararamdaman kong parang umurong lahat ng luha ko ng dahil sa kanya. I've never feel this before.
"At wag ka ngang lumapit sakin you're a stranger!" Nauutal ko pang dugtong.
Humalukipkip siya at ibinuka ang kanyang bibig.
"I'm not a stranger. I am Shem." Malamig niyang tugon habang tinitignan ako ng mata sa mata.
Kung nakakamatay lang ang pag titig siguro kanina pa ako namatay at inilibing.
May bigla akong naramdaman na hindi ko pa naramdaman noon. Parang may gustong kumawala mula sa aking tiyan na nakakapag dulot ng kiliti sa akin.
"Nice to meet you Krystal."

BINABASA MO ANG
Sweet Lies
RomanceAnong gagawin mo kung malaman mong ang buong mundo mo ay puro kasinungalingan? Ang mga taong nakapaligid sayo. Ang mga bagay na nakukuha mo. At higit sa lahat ay ang taong pinaka mamahal mo? She's Krystal Venice Ramirez, she got everything in this...