Mysterious
Narinig siguro nung lalaki ang sigaw nitong si Pam kaya siya napatingin dito sa dako namin. Ginapangan agad ako ng kaba ng makitang titingin siya sa kinaroroonan namin kaya hindi ako nag dalawang isip na tumalikod.
Nag taka naman ang mga kasama ko sa ginawa ko at agad na nag tanong.
"Magkakilala kayo ni pogi? Venice?" Nagtatakang tanong ni Mia.
"Hi-hinde tinitignan ko lang kung may dumi yung mukha ko." Palusot ko.
Hindi na naman sila nag tanong pa kaya agad na akong nag paalam sa kanila.
Pumasok ako sa loob ng apartment at nilibang nalang ang sarili sa pag lalaro ng cellphone kong hanggang ngayon ay wala paring signal. Napag desisyonan kong mamaya nalang ituloy ang kagustuhan kong mag ikot dito sa isla.
Mabilis na lumipas ang oras at naka tulog ako ng hindi ko namamalayan. Tatlong oras din pala akong nakatulog kaya nakaramdam ako ng gutom.
Kinapa ko ang cellphone kong nasa gilid ko para mag salamin pero nagulat ako ng biglang may nag appear na notifications. 57 text messages and 115 missed calls tinignan ko agad ang signal kung meron nga at nagulat ako ng makitang mayroon nga.
"Venice where are you? I've heard the news from Stacy. Please answer my calls." - Harley
"Venice gosh! Where are you? I'm so worried about you! please text back!" - Stacy
Hindi ko na binasa pa ang ilang text messages na natanggap ko dahil paniguradong iisa lang naman ang sasabihin nila. Mag rereply nalang ako kay Stacy dahil alam kong sa ganitong mga sitwasyon ay maasahan at mapapag katiwalaan ko siya.
Natatandaan ko tuloy when we were just a teen age high schoolers lagi siya ang nag papaliwanag kay mom at dad pag may nagawa akong kasalanan o kaya namay ginagabi ako sa pag uwi. She always saves me from my troubles. I'm thankful na dumating siya sa buhay ko.
Nagtipa ako ng text message para sa kanya.
"I'm okay Cy, no need to worry."
Wala pang minuto ay nag reply agad siya at kasunod nito ay isang tawag. Hindi ko alam kung sasagutin ko ito o hindi dahil paniguradong kukulitin niya lang ako sa pag tatanong kung nasaan ako.
"Veniiiiceeeeee! Where are you? Are you okayy? You need my help? Bat hindi mo sinabi sakin na aalis ka? Huhuhu we are so worried about you! Nag tatampo na ako sayo! Say anything! Krystal are you there!?" Sinasabi ko na nga ba e bat ko pa kasi sinagot ang tawag niya.
"Shhhh. Cy paano ako mag sasalita kung sunod sunod yang pag sasalita mo!" Natahimik naman siya.
"I'm so worried lang naman! Where are you pupuntahan kita!" Halos mamaos ang boses niya sa pag sasalita.
"No don't do that! Baka may maka sunod pa sayo." Buti nalang alam niya ang dahilan kung bakit umalis ako kaya no need to explain.
Noon pa man kasi ay naging open na ako kay Stacy. Alam niya lahat from the start, simula ng malaman ko na ako ay naka Fix Marriage sinabi ko na agad sa kanya. Pati na rin ang mga naging problema ko sa pamilya, ko pati na rin sa mga past relationship ko lagi niya akong dinadamayan at tinutulungan.
She's always been my sister/hero to me kahit na alam kong may problema din siya. She's into Arrange Marriage too. Ang pinag kaiba lang namin ay matapang siya at kaya niya.
"Tumigil na sa pag hahanap sayo ang daddy at mommy mo. I heard it from my mom habang kausap niya ang mommy mo sa telepono. Nag tataka nga ako e. Ang nag iisa nilang unica iqa pababayaan nilang umalis sa puder nila? Paano na partnership niyo with the Dela Merced? This is unbelievable!" Takang takang wika niya.
Kahit ako sa sarili ko ay nag tataka din sa inaasta ng mommy at daddy ko. Ibig sabihin ba nito ay pinapabayaan na nila ako? It's like a Mystery! Nakakapag taka!
No it's impossible! I know may plano sila para lang matuloy ang partnership nila. Lahat gagawin nila para doon. Minsan nga naiisip ko hindi nila ako mahal at ginagawa nila ito para sa sarili nila. Pero they always told me that its for me, for my future kasi mahal nila ako.
"I don't know kung anong balak nila o kaya ang nasa isip nila basta ang alam ko lang ay kailangan ko munang lumayo. Ikaw lang ang mapag kakatiwalaan ko dito Cy."
"Of course Venice nandito lang ako. Pero please sabihin mo naman sakin kung nasan ka hindi mapapanatag ang loob ko hanggat hindi ko nalalaman." Nag susumamo niyang tanong.
"Cebu. In an Island malayo sa kabihasnan thank God napapunta ako dito." Masayang wika ko.
"Tss. I need to hang up may nakatok sa pintuan ko! Bye Venice tatawag nalang ulit ako. Mag iingat ka diyan."
"Thank you Cy. Goodbye."
Tumayo na ako sa kama at tinignan ang sarili sa salamin. Krystal hindi mo alam ang pwedeng gawin ng mommy at daddy mo mahanap ka lang kaya kailangan mong mag ingat. Bulong ko sa sarili ko at tulutan ng lumabas ng bahay.
Tinuloy ko ang balak kong pag lilibot sa buong isla. Marami din palang pwedeng puntahan dito. Like basketball court, grocery store at isang bakery. Nakagaw agad ng pansin ang mga tinapay na ka babake lang at katatanggal lang sa oven.There's cupcakes, cookies at kung anu ano pa. Ginapangan ako ng gutom ng maamoy ko ang mga ito. I checked on my purse para kumuha ng pera ngunit wala ito.
I probably forgot it sa appartment. Walang atubili akong nag lakad pabalik ng makita ko yung lalaking dayo dito sa isla. Hindi mo maintindihan ang mata niya kung saan titingin na para bang may hinahanap.
Tumigil lamang siya ng makita niya ang mga mata kong nakatingin sa kanya. He's walking toward me. I step back ng malapit na siya sa akin. Hindi parin nawawala ang mga mata niyang kasing lamig ng yelo.
"This is yours. Nalaglag mo kanina."
Pag sasalita niya habang nakatingin sakin ng deretsyo.
"Oh! thank you!" Wala sa sarili kong tinanggap ang purse.
"Next time keep it para hindi mawala." Saka siya tumalikod sa akin at iniwan akong manghang mangha sa kanya.
He is so mysterious na parang gusto mong malaman ang lahat sa kanya! Parang napakaraming sikreto ang naka tago sa mga mata niya. And it makes him so attractive.
Damn!
BINABASA MO ANG
Sweet Lies
RomansaAnong gagawin mo kung malaman mong ang buong mundo mo ay puro kasinungalingan? Ang mga taong nakapaligid sayo. Ang mga bagay na nakukuha mo. At higit sa lahat ay ang taong pinaka mamahal mo? She's Krystal Venice Ramirez, she got everything in this...