Binilisan ko ang Paglalakad ko para Maabutan ko siya. Leshe! Ang bilis non ah? Parang kanina lang Katabi ko pa siya. Ano ba yun, Tikbalang?
Whoa! Baka nga Tikbalang siya?!
Waaaaaaah! Hindi naman siguro diba? Sobrang gwapo ba naman niya magiging Tikbalang?! Hays. Ikaw talaga Tiffany kung anu-anong iniisip mo!
Kasalanan ni Mama 'to eh! Pinakain kasi ako ng Cake kanina.
Diba Matamis yun? Nasobrahan yata ako! Sheez.
"Jacob Olivares!"
Shocks!
Pagkatapos kong isigaw ang Pangalan niya Lumingon siya sakin na Nagtataka ang mukha.
Omygod! Why so gwapo ba bebeko?
Nilakasan ko muna ang Loob ko bago Lumapit sa kaniya. Aba, Kailangan ko ng lakas ng loob ngayon kase Kaharap ko ang Prinsepe ng bayan! Hihihi.
"Para sayo." Inabot ko sa kaniya ang Love letter ko habang titig na titig ako sa Gwapo niyang Mukha. Gosh! Ang gwapo niya talaga! Natatandaan ko pa nung Tinulungan niya ako dahil Muntik na akong Masagasaan. Shemay! Halos humiwalay na ang Puso ko non sa Kilig!
Tinignan niya lang ang Love letter na hawak ko saka..
UMALIS!
Waaaaaaaah!! Bakit ganun? Ayaw niya ba nito? Pinaghirapan ko kaya 'to kagabi! Nilagyan ko pa ng Sticker na Robot at Kotse ang Labas para Magustuhan niya. Pero bakit parang hindi niya nagustuhan?!
Oh no! Wag mo sabihing?
Ayaw niya ng Robot at Kotse! Ano ba yan Tiffany! Hindi ka man lang Nag iisip.
Kung alam ko lang na Bratz O Darna ang gusto niya edi sana Nabilan ko siya ng Sandamakmak na Stickers!
Hays. Sayang naman! Limang oras ko din 'to ginawa eh. Tinulungan pa nga ako ni Mommy eh.
"Aww! Ni reject? Hahahaha!" Eto na naman ang mga Mean girls. Lagi na lang nila akong binubully kapag narereject ako ng Crush ko! Lalo na 'tong si Aya!
"Atleast hindi ako Nanliligaw no!" Mataray na sabi ko. Aba! Hindi na uso ang Apiapihan ngayon no? Alam ko namang Panget ako pero wala silang Karapatan na apihin ako!
"Hoy! Betty! Hindi ko na Kailangan pang Ligawan si Jacob no! Dahil nai Kama niya na ako! Eh ikaw? Ni hanggang tingin ka nga lang sa kaniya eh!" Hindi ko mapigilang Humagalpak sa Tawa dahil sa sinabi niya.
Talagang Proud pa siya dahil nai Kama na siya ni Jacob?
"Bakit ka tumatawa ha?!" Nanggagalaiting tanong ni Aya. Umiling lang ako saka Tinalikuran siya. Tumakbo na ako para hindi na nila ako mahabol pa.
Sasabunutan na naman nila ako pag Nagkataon! Mahal ang shampoo no! Six pesos isa.
"Ang ganda ganda niya talaga!"
"Oo. Ang sexy pa!"
"Ang puti niya. Para syang anghel."
"Ang ganda ng damit niya."
Napatingin ako sa Damit ko. Plain white tshirt, Blue jeans at Black doll shoes. Anong maganda dito?
Hihihi. Atleast Pinuri nila ako diba?
"Queen! Ang ganda mo!"
Hehehe. Pero joke lang no! Hindi naman ako yung tinutukoy nilang Maganda eh. Si Samantha, Ang tinaguriang Pinaka Maganda sa buong MSU. Pabor naman ako don kasi Sobrang ganda niya. Para siyang Anak ni Aphorodite! Tapos kapatid niya ko. Hihihi XD
Makapunta na nga lang sa Room ko. Baka nandon na si Jasper Myloves!
Ang dami kong crush no? Hihi. Ang ganda ko kasi eh! *flips hair*
Pumipito pito pa ako habang Naglalakad. Ang saya ko lang kasi First day of School namin ngayon. Hindi ko pa nga kilala mga Kaklase ko eh. Pero isa lang ang sigurado ako.
Kaklase ko si Jasper John Jimenez myloves!
Nang makatagpuan ko na ang bagong Classroom ko ay binasa ko muna ang mga Pangalan ng bago kong Kaklase bago Pumasok.
Olivia Peralejo Eto yung bestfriend ni Queen! Maganda din siya pero Mataray ang mukha!
Hans Joson Yay! Eto yung Pinaka Matalino samin dati. Pero ewan ko na lang ngayon.
Jasper John Jimenez Kyaaaaah! Kaklase ko sya! Oh diba? Sabi ko naman sa inyo eh! *wink*
Samantha Elizabeth Chua Omg! Kyaa! Kaklase ko din si Queen! Nakaka star struck! Grabe.
Dahil sa tuwa ko ay Hindi ko maiwasang hindi mapatalon sa Tuwa.
Waaaaah! Kaklase ko na si Crush tas Kaklase ko pa si Queen! Yeeey!
*Poink*
Natigil ako sa Pag wagayway ng Kamay ko ng Maramdaman kong parang may Nahampas ako. Eh tigas ah?
Napatingin ako sa bagay na Nahampas ko at ganon na lamang ang Gulat ko ng Hindi pala bagay ang Nahampas ko. Kundi..
"Fuck! What the hell?" Napatakip ako sa bibig ko sa gulat. Shocks! Natamaan ko ang ulo niya!
Kyaaaaaa! Sana kamay na lang ako!!
Si Nathan Montefalco!
Nahawakan ko ang Ulo niya!
Kyaaaaaaaaaaaa!!
YOU ARE READING
Hopeless Romantic
Teen FictionAko si Tiffany, Ang babaeng laging sawi sa Pag ibig. Ang babaeng Malakas ang Imagination pero Kabaligtaran sa totoong buhay. Ako ay 'NBSB' No boyfriend since birth pero sobrang dami ng crush. Pero kahit ganon, Naniniwala pa din ako na darating yung...