"Uyy~ Anong tinitignan mo diyan?" Nakita ko kasi si Nathan na Nagtatago sa Gilid ng Maliit na Puno. Ano ba naman to? Hindi na naawa sa Puno. Ke payat payat na nga eh.
"Wag ka nga mangielam! Alis! Shoo! Shoo!" Ah ganun? Ginawa na akong aso? Sa ganda kong 'to?
"Eh? Ano kasi yun!" Titignan ko na sana ng Bigla niya akong hilahin. Aray bes ha! Sakit ng braso ko don.
"Eto naman! Titignan lang eh. Baka mamaya may balak kana pa lang Umitan ng Lipstick diyan. Sabi ko naman kasi sayo mero---"
"Shut your fucking mouth up! Or else." Napatakip agad ako ng bibig ko. Hala! Murder ata to si Joding! Waaaaaaah!
"Sungit!" Aalis na sana ako ng mangyari ang hindi inaasahang Pangyayari.
"Waaaaaaaah!!" Napasigaw ako at Napapikit.
Waaah! Mangungudngod ako! Mangungudngod ako!
Teka, Bakit ang lambot?
Bakit parang hindi ako nasaktan?
Napadilat ako at Ganon na lamang ang Panlalaki ng Mata ko ng Makitang Nasa Ibabaw na ako ni Nathan!
Nasa ibabaw ako ni Nathan..
Processing...
Processing....
Processing.....
"Shit!" Bigla akong Tinulak ni Nathan kaya ngayon ay Nagpagulong gulong ako.
"Waaaaah! Mommy! Daddy!" Leshe! Sakit ng Likod ko.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Sunod sunod na Malakas na Tawanan ang narinig ko. Napatingin ako sa Paligid at Nandito na ako sa gitna ng Hallway!
Aaaaaaaah! Paano ako nagpagulong gulong dito?!
"Look! Tignan nyo si Betty! Akala ata swimming pool yung Hallway." Geez? Nandito na naman si Aya? Bakit ba kapag may nakakahiyang nangyayari sa Buhay ko ay lagi siya ang Saksi?
Hindi na natigil ang tawanan sa Hallway kaya naman Kahit na nahihiya ako ay Tumayo ako. Aray ko bes! Sakit ng likod ko. Huhu! Kasalanan to ni Bakla eh!
"Let me help you." Nagulat ako dahil biglang naglahad sakin ng Kamay si Aya. Weh? Totoo ba tong nakikita ko? Kanina lang ay kasama siya sa mga Nakikipagtawanan tapos ngayon Tutulungan niya ako?
"Ha?"
"I'm sorry. Mali ako kasi Pinagtawanan kita. Kaya eto, Tulungan na kita." Nakangiting sabi niya. Whoa? Ang isang Marayah Madrigal nagsosorry? Infairness, Choosy pa ba ako?
"Thanks." Tinanggap ko ang kamay niya at Makakatayo na sana ako ng Bigla niya akong bitawan. Kaya ngayon doble na ang sakit. Ouch!
"Ooops! Sorry! Hahaha! Tatanga tanga ka kasi eh." Grabe naman girl. Ang harsh mo naman sakin! Hays. Akala ko pa naman sincere na ang Pagtulong niya sakin.
Pilit akong tumatayo pero ang hirap talaga eh. Ang sakit ng Balakang ko. Shemay naman oh. Wala man lang ba tutulong sakin?
"Tayo!" Napatingin ako sa nagsalitang yon. Si Nathan ay Seryosong Natayo sa harapan ko habang Nakalahad ang isang Kamay niya. Isa pa 'to eh! Alam ko patibong niya din yan. Siya ang dahilan kung bakit hindi ako makatayo ngayon! Asar naman eh.
"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?" Nagulat ako dahil sobrang seryoso na ng Boses niya. Aba, Galit pa siya ngayon ha? Eh siya kaya may kasalanan! Baka mamaya ilaglag niya din ako.
YOU ARE READING
Hopeless Romantic
Teen FictionAko si Tiffany, Ang babaeng laging sawi sa Pag ibig. Ang babaeng Malakas ang Imagination pero Kabaligtaran sa totoong buhay. Ako ay 'NBSB' No boyfriend since birth pero sobrang dami ng crush. Pero kahit ganon, Naniniwala pa din ako na darating yung...