Chapter 5: Fiancee'

72 3 1
                                    

"Princess, Wake up!"

Hmm. Sandali lang...

"Gising na anak."

Sandali lang sabi eh. Mga 5 minutes pa..

"Anak! Nandito si Nathan!"

Hmm... Sino daw?

"Anak! Nandito si Nathan!"

Nathan? Si Nathan nandito?

"Waaaaaaaaaah!!" Napatakit naman sila Mommy at Daddy sa tainga nila. Ay napalakas ata!

"Ano ba nangyari sayo anak?" Tanong ni Mommy habang nakahawak pa din sa Tainga nila.

"Sino pong Nandito?!" Waaaah! Baka naman nananaginip lang ako no?

"Si Nathan. Nandito siya kaya Maligo kana. Kanina kapa niya hinahantay sa Baba." Waaa! Confirmed! Hindi nga ako nananaginip. Pero bakit siya nandito?!

"Baka nakakalimutan mo anak, Pumayag ka sa Deal diba? Hatid, sundo kana ngayon sa kaniya." Sabi naman ni Daddy. Kyaaa! Oo nga pala. Hatid sundo na ako ngayon ni Bakla. Eh? Kainis naman eh! Paano na ako makakapag stalk ngayon nyan?

Sayang naman! Balak ko pa namang iistalk mamaya si Jasper ko. *pout*

Naligo na ako at Nag ayos. Pagkatapos ko mag ayos ay bumama na ako. Nakita ko naman si Nathan na Kausap sila Mommy at Daddy. Nang mapansin nya ako ay Sinamaan niya ako ng tingin. Ay! Beastmode si Badaf.

"Goodmorning Ba--- Nathan. Hehe." Oops! Muntik na akong madulas don ha? Nako. Nangako pa naman ako sa kaniya na Hindi ko ipagkakalat na Bakla siya.

"Tita, Tito alis na po kami." Paalam naman ni Nathan. Tumango naman sila at Hinalikan ako nila Daddy at Mommy sa Pisngi. O diba? Sweet ng parents ko. Hihi.



"Hoy. Simula ngayon sakin ka Sasabay. Wag na wag kang magtangka na Tumakas dahil Lagot ka sakin." Aba. Binalaan ako! Waaaaah! Mommy. Bakit po ba siya pa ang naging Date ko?

"Aye! Aye." Sabi ko at sumakay na ng Kotse niya. Whoa? Ganda naman ng Kotse niya at Ang bago pa sa Loob. Si Daddy kasi ayaw pa akong Pagamitin ng Kotse eh.

"Ano na naman ang iniisip mo?" Napatingin ako sa kaniya. Yung mukha niya parang Pinagbaksakan ng Langit at Lupa. Psh! Ayoko din naman siya kasama no? Baka mamaya ayain pa ako lagi nito Mag parlor. Mauubos ang Allowance ko.

"Iniisip ko na Sana naman wag nating araw arawin sa Parlor ne? Alam ko naman na Hobby mo ang Pagpunta don kaya sana wag naman---- Waaaaah!"

"FUCK!"

Pano ba naman kasi bigla niyang Hininto yung kotse niya! Ayan tuloy hindi ko napigilang hindi sumigaw.



Gosh. Ka stress!

"HELL?! WHAT ARE YOU TALKING ABOUT?! Damn! Kahapon kapa!" Waaaah! Mommyyyyy! Daddyyyy! Please. Help me!

Napapikit ako sa Malakas na sigaw niya. Oh-uh?

"Shit! Open your damn eyes!" At dahil don napadilat ko naman ang mga mata ko. Nako. Sobrang pula na naman niya! Ano ba kasing ginagawa ko sa kaniya? Wala naman diba? Diba?!

"H-hehe? A-ano ba kasi yung G-ginawa ko sayo?" Nag aalangang tanong ko. Napahampas naman siya sa Manibela niya at Napahawak sa Buhok niya.

Waaah!

"Shit!" Inayos niya ang sarili niya at Pinaandar ulit ang Sasakyan. Aray naman. Hindi man lang ako Pinansin.




Nang makarating na kami sa Campus ay Lumabas na agad siya ng hindi ako Pinapansin. Bumaba na din ako at hinabol siya.

"Nathan!" Hindi siya lumingon at dirediretso lang. Ay bingi?

"Nathan!" Tawag ko ulit sa kaniya pero kainis lang kasi hindi niya ata ako naririnig *pout*




"Why are you calling Nathan? Huh? Stalker ka niya no?" Hays. Eto na naman siya. Hindi pa ba sya nakuntento sa ginawa niya sakin kahapon at Sisimulan na naman niya ngayon?

Hindi ko na lang siya Pinansin at Dirediretsong naglakad. Kakausapin ko na lang si Nathan. Tutal Classmate ko naman siya.



"Hoy!" Napa aray ako ng biglang may humila ng buhok ko. Aray naman! Ang haba pa naman ng Buhok ko. Huhu!

"Ang Kapal ng mukha mong Talikuran ako!" Hinarap nya ako sa kaniya habang Nakasabunot pa din sa buhok ko.

"Ang sakit! Bitawan mo nga ako!" Ang sakit talaga! Grabe. Amazona pala tong si Aya. Huhu! Mommyyyy help me!

"Eh kung ayoko?!" Hinawakan niya ang braso ko at isa lang ang masasabi ko.


Ang sakit!




"A-aya! Please. Let me go." Mangiyak ngiyak na sabi ko. Ang sakit sakit ng hawak nya sa Braso ko. Mas masakit pa sa Pagkakasabunot niya sakin. Pakiramdam ko bumaon ang Kuko niya sa Braso ko.


"Akala mo ba nakalimutan kona ang Ginawa mo sakin kahapon? Ha?! Ang kapal ng mukha mong Landiin si Nathan!" Grabe. Nakakatakot siya! Yung tingin niya pa lang sakin parang gusto niya na akong Patayin.


Pagkatapos niya akong sigawan ay Tinulak niya ako ng sobrang lakas. Kaya ang nangyari? Bumagsak ako sa sahig. Aray ko talaga! Ang sakit na naman ng Likod ko.




"N-nathan?" Napatingin ako kay Aya ng bigla niyang Banggitin ang Pangalan ni Nathan At don ko nakita si Nathan na Hawak na ngayon ang Braso ni Aya. Waaah! Anong ginagawa niya?

"N-nathan.. M-masakit.. Please.. B-bitawan mo ako." Napatingin naman ako sa Braso ni Aya na hawak hawak ngayon ni Nathan. Waah! Oo nga! Namumula na ang braso ni Aya.

Tumayo ako para pigilan si Nathan. Mang lalapit na ako ay bigla ako pinigilan ni Nathan at sinamaan ng tingin.

Tumingin muli siya kay Aya at Binitawan ang Braso nito. Nakahinga naman ako ng Maluwag. Gosh! Okay lang kaya si Aya?


"Don't you dare touch her AGAIN! Or else.." Tumingin sakin si Nathan at Hinawakan ang kabilang Braso ko kaya parang naka akbay na sya sakin.

"N-nathan.. B-bakit ba ang bait bait mo sa babaeng yan?!" Mangiyak ngiyak na sabi ni Aya. Naaawa ako sa kaniya. Ang alam ko kasi ay matagal na siyang Patay na patay kay Nathan pero hindi man lang siya Pinapansin nito.










"She's my Fiancee'"






Ano daw?

Fiancee? Ako? FIANCEE NIYA AKO?!!




WAAAAAAAAAAAAH!!




"N-nathan ano ba yung----" Natigil ang sasabihin ko.

"Baby. Wag mo na ideny sa kanila, Okay?" Huwaaaaaat?!! Anong tinawag niya sakin?! BABY? As in B A B Y ?! KYAAAAAAAAAAAH!!!





KINIKILIG AKOOOOO!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 06, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hopeless RomanticWhere stories live. Discover now