Chapter 2: Freak

86 3 0
                                    

"Ay! Sorry. Hehe." Sabi ko kay Nathan saka nag Piece sign. Ang gwapo niya talaga! Chinito at Mukhang Koreano!

"Tss." Yun lang ang sinabi niya at Nilayasan na ako. Ay! Sunget.

Pero wait?

"Kaklase ko si Nathan?" Napahawak ako ng Dalawa kong pisngi dahil Kinikilig ako ngayon! Omg bes. Kaklase ko si Nathan!

"Goodmorning Classmate! I'm Tiffany Dela Vega, 16 years old." Ngiting ngiti kong bati sa kanila. Halos lahat ng babae ay hindi Maipinta ang mukha kasi naman Ayaw nila akong Kaklase diba? At yung mga Lalaki naman ay Nakangisi yung iba. May binabalak na naman kasi. Sus, Sanay naman ako eh! Una kong tinignan si Jasper pero Naka dukdok lang ito ngayon. Sunod ko namang tinignan si Queen. Nginitian ko siya at Nginitian niya din ako! Waaaaaaah! Ang saya naman! Ang bait niya talaga.

Sa hindi inaasahan ay Napadako ang tingin ko kay Nathan. Nakatingin din siya sakin pero hindi tulad ni Queen na nakangiti sakin. Ang sama ng tingin niya sakin! Anong ginawa ko sa kaniya? *pout*

"Hoy panget! Alis na nga diyan. Nakakasira ka ng araw!" Sabi sakin nung Matabang Lalaki. Ay grabe! Kung makapangit 'to. Eh ang taba taba naman niya! Kainis ah? Nakaka insulto siya!

"O sige. Ikaw na! Ingat ka sa pagtayo ah? Baka mayanig ang mundo!" Natatawang sabi ko. Mukhang nainis naman sya kaya agad ko syang Binelatan. Tumakbo ako at umupo sa Dulo para hindi niya ako mahabol.

Sus. Ang kapal kapal ng Bilbil tapos ang Lakas manabi ng Pangit?

"What do you think your doing?" Napatingin ako sa nagsalita. Si Nathan pala! Ay pakshet lang. Bakit dito pa ako napunta sa Tabi niya? Lilipat na sana ako ng...

"Kung saan kayo nakaupo ngayon ay Yon na ang Permanent seat nyo." Parang bigla akong nanigas sa sinabi ni Ma'am.

Gosh!

Ano daw? Dito na ang Permanent seat namin? Pero...


Kyaaaaah! Kinikilig ako!



"Shit. Bakit ikaw pa?" Narinig ko namang bulong niya. Ay ganun? Ayaw niya akong Katabi? Bakit kaya? Wala naman akong Putok ah? Dove kaya ang Rexona ko! Tapos naligo naman ako kanina! Kahapon lang hindi.

Joke! Hehe.

"Ay sunget mo naman pala." Sabi ko sa kaniya. Tinignan ko siya at sinamaan niya naman ako ng tingin. Wews, High blood si koya! Sayang. Pogi pa naman.

Hindi ko pa din inaalis ang tingin ko sa kaniya at nagulat ako ng bigla siyang tumingin sa gawi ni..


Queen?


Pansin ko ang Pamumula bigla ng Pisngi niya at bigla siyang Yumuko.


Waaaaah! Sabi ko na eh! Sabi ko na! Tama ang hinala ko!




Kaya siya inis sakin kasi Bakla siya! Tapos ngayon naiinis siya kay Queen kasi Maganda si Queen?!

Ayaw niya ng Nalalamangan!

Isa kang dakilang Joding! Nathan Montefalco!


Well Paano ko nalaman na Bakla siya?

Kasi namumula siya! Ibig sabihin Galit sya!

Dati kasi sabi sakin ni Mommy pag namumula daw ang Mukha ng Tao pwedeng Naiinitan siya o Kaya nagagalit.

Eh ang lamig kaya sa Room! Naka AC dito no! Ibig sabihin Nagagalit sya! Insecure siya kay Queen Samantha!

Hopeless RomanticWhere stories live. Discover now