Chapter 6:*Weird*

223 9 0
                                    

Chapter 6:*Weird*

~Trinity's Pov~

~Monday~

"Ma papasok na po ako sa school"sabi ko kay mama

"Halika na Trin,sabay kana saakin."sabi ni mama saakin

"Sige po."sabi ko

"Elle ikaw na ang bahala sa bahay.Pakisabi nalang kay Anton na sasabay saakin si Trin."sabi ni mama kay ate Elle.Si kuya Anton pala yung  driver namin.

"Okay po ma'am"sabi ni ate Elle 

Lumabas na kami ni mama sa bahay at sumakay sa kotse niya

"Ma huwag po kayong masyadong mag-papagod ah."sabi ko kay mama

"Hindi naman ako masyasdong nag-papagod anak.Okay lang ako.."sabi niya

"Basta ma huwag niyo po pababayaan ang sarili mo.Di ko po kayang mawala kayo.."-ako

"Naku anak!Ano kaba healthy pa kaya ako.Kaya ko pa ngang mag-disco disco tuwing gabi eh ahahaha syempre biro lang.."sabi ni mama at tumawa

"Kamusta na po ang Flower shop?"tanong ko

"Okay lang naman.Maraming nag-oorder ng mga bulaklak sa shop natin dito at sa ibang branch pa natin."sabi niya

"Mabuti naman po kung ganon."sabi ko

"Ikaw kamusta ang school?"tanong niya

"Ayun okay lang naman din po.Tapos na ang aming practical test sa TLE subject tapos this coming Thursday at Friday na ang aming periodical test."sabi ko

"So ano na may umaaligid naba?"nakakalokong tanong ni mama

"Ano po sinasabi ninyo?"pag-maang maangan kong tanong

"Naku Trin ang ibig kong sabihin may nag-paparamdam naba?"tanong ni mama

"Nag-paparamdam?Naku ma huwag kayong ganyan.Wala naman pong multo sa school ah."sabi ko

"Ang ibig kong sabihin may nanliligaw naba sayo?"tanong ni mama 

"ANO!Wala po.Walang wala po noh.Wala po akong balak sa mga ganyan."sabi ko kay mama

"Aysus ikaw talagang bata ka."sabi ni mama at tumawa

"Nandito na pala tayo.Sige papasok na po ako,mag-ingat po kayo."sabi ko sabay halik sa pisngi ni mama

"Ingat din"sabi niya

Bumaba na ako sasakyan at pumasok na ng gate.Nag-lakad na ako papuntang classroom.Maraming estudyante nadin ang nag-dadatingan sa eskwelahan dahil malapit nadin mag 7:30 am.Maaga naman talaga ako pumapasok sa school kaya lang natagalan ako ng gising ngayong umaga.

"Trin Good Morning"bati ni Aira saakin habang papalapit ako sakanya

"Good Morning din"sabi ko at umupo na sa aking upuan na malapit sakanya

"Meron ba tayong assignment ngayon?"tanong niya

"Wala"sagot ko

Naalala ko naman yung mga papel na ibinigay ni Aaron saakin nung Sabado.

"Aira tulungan mo naman akong i-distribute ang mga testpapers natin sa mga kaklase natin"sabi ko

"Sure"sagot niya

Iniisa isa na namin ang pag-sauli ng mga testpapers sa mga kaklase ko.

Ang ingay ingay ng mga kaklase ko.Merong nag-dadaldalan,mero nag-sisigawan ewan ko lang kung bakit ganyan sila eh mga 4th year na naman pero daig pa ang Grade 1 kung maka-asta,meron ding nag-gigitara,at meron ding mga estudyante na tahimik lang na nag-hihintay sa guro namin.

Crush For Audition!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon