Chapter 5.1 *I saw them in 1 day*

251 12 0
                                    

~Trinity's POV~

Sabado ngayon kaya walang pasok.Pumunta na ako sa kusina para kumain.

"Anak wala ka bang praktis ngayon?"

"Wala po ma"

"Ganun ba.Oh siya sige pupunta muna ako sa flower shop dahil may aasikasuhin muna ako dun.Ikaw na ang bahala sa bahay at kung may  kailangan ka tawagin mo lang ang ate Elle mo."

"Okay po.Ingat po kayo"sabi ko at hinalikan ko siya sa pisngi

"Sige alis na ako"sabi ni mama at umalis na ng bahay

Nag-hugas na ako ng kamay at umupo sa mesa para kumain

"Oh?Gising ka na pala Jane,umalis na ba ang mama mo?"tanong ni ate Elle

"Oo bago pa po siya umalis.Kumain na po ba kayo?"tanong ko sakanya

"Oo kumain na ako kanina.Ikaw kumain ka na diyan dahil ako'y mag-lilinis muna sa sala."

"Sige po"

Umalis na si ate Elle kaya kumain na ako ng scrambled eggs,hotdogs,at ginisang kalabasa.Ang sarap talaga mag-luto ni ate Elle.

34 years old na pala si ate Elle at matagal na siyang nag-sisilbi sa aming pamilya.Tumutulong siya kay mama sa pag-babantay saakin noon kapag wala si mama sa bahay.

Si mama na ang bumubuhay saamin simula ng iniwan kami ng papa ko.Di ko na alam kung nasaan na siya ngayon.Mayaman ang angkan ng mama ko pero di siya umaasa sa mga ito dahil gusto niya na itayo ang pamilya namin sa sariling sikap niya.

Wala namang away na pumapagitan sa grandparents ko at kay mama sadyang ganun lang talaga ang prinsipyo niya sa buhay.Natapos na ako kumain kaya niligpit at hinugasan ko na yung pinag-kainan ko.Pag-katapos ko kumain ay naligo na ako at nag-bihis.

Tumingin ako sa wallclock, 10 am na ng umaga.Natagalan pala ako ng gising kanina...Umupo na ako sa harap ng computer namin at ini-on ito.Nag-fb na ako,oh! Dont get me wrong hindi ako yung tipo ng tao na mag-uupload ng maraming pictures sa FB.Binubuksan ko lang ang FB ko pag-may importante akong tinitignan at sa puntong ito ay titignan ko ang Tula na ginawa ni Aira..

50-Friend Request

1-message

26-notifications

Ang dami naman yatang friend request..Pero kahit marami yan hindi ko naman yan basta bastang  ina-aacept  kung di ko close o kaya ay di ko kilala.

Ini-open ko muna yung message at tama ang hinala ko.Kay Aira galing ang message.

 

Trin basahin mo itong tula na ginawa ko para sa Filipino subject natin tapos mag-reply ka kung okay lang ba yung tula ah,di talaga ako marunong gumawa ng tula eh..

Nag-scroll down ako at binasa yung poem na ginawa niya..

Una palang kitang nakita.

Nabihag mo na ang puso kong sira.

Lumingon at ngumiti ka saakin.

Di ako mapakali at di diretso sayo makatingin.

 

Araw-araw kitang tinitignan.

Sa malayo ako'y kuntento basta ika'y masilayan.

Di ko alam kung kailan ako mag-kakaganito.

Crush For Audition!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon