Chapter 4.2:*Clinic*

276 11 0
                                    

Chapter 4.2 : *Clinic*

-Tristan's POV-

Nagising ako mula sa tulog ko ng may narinig akong pag-uusap.Boses ni ate Jen at ni?

"ahmm Ate Jen,ahmm hindi ka po ba nangangalay diyan?"

Pamilyar ang boses..di kaya kay? Tumayo ako at pinuntahan ko si Ate Jen.

"ATE JEN!!" tawag ko pero napahinto ako sa pag-sasalita nung nakita ko si Trinity.Anong nangyari sakanya?

"Hoy!!Tristan!!" tawag ni ate Jen

"Ahh ahmmm opo.." sabi ko

Hindi ko namalayan yung sinabi ni ate Jen kanina dahil napa-titig ako kay Trinity.

"Ha?Anong opo?Kaw talaga lutang na naman yang isip mo.Eto nga pala si---"

"Ate Jen!Ate Jen!" sigaw ng isang babaeng estudyante

"Ate Jen!Pumunta ka po muna sa building 2 Room 12 Section B may nahimatay po kasi eh."

"Ha?Ganun ba.Oh siya sige..Ui pinsan ikaw muna ang humawak nito."sabi ni ate Jen at inilahad ang ice pack sa akin.

"Pinsan?" nag-tatakang tanong ni Trinity

"ahhh Oo pinsan ko yan,oh siya sige mamaya na ako mag-kwekwento.Tristan ikaw na bahala diyan.15 minutes lang naman,pag-katapos niyan ay lagyan mo ng bandage yung na sprain para maiwasan ang pamamaga.." sabi ni ate Jen

"Ate Jen,ako nalang ang hahawak ng ice pack" saad niya

"ha?hindi pwede..Mahihirapan ka lang"

"Ako na ate Jen,kaya ko naman po eh" pag-pipilit niya

Bakit kaya ayaw niya na ako ang mag-cold compress sakanya.Naiilang ba siya sa akin? Ayaw niya ba sa akin?

"Ahh basta si Tristan ang hahawak diyan.Tristan umupo kana at icold compress muna yang kaliwang paa niya.Maiwan ko muna kayo diyan ah,Sige alis na ako" sabi ni Ate Jen at tumingin sa akin

"Sige po" sabi ko

Ngumiti lang si Ate Jen saamin atsaka umalis.

Tumingin ako sakanya na nakatingin din saakin kaya ngumiti ako sakanya pero agad siyang umiwas ng tingin..

Kinuha ko ang kanyang kaliwang paa at dahan dahan ko itong nilagay sa kandungan ko.

Inilgay ko na ng dahan dahan ang ice bag sa kanyang paa.Nakayuko lang siya kaya hindi ko masyadong makita ang kanyang mukha..Nabalot ng katahimikan ang clinic nung umalis si ate Jen dahil hindi kami nag-uusap o nag-kikibuan ni Trinity.Gusto ko siyang kausapin,gusto ko siyang tanungin kung ano ang nangyari sakanya pero di ko magawa sa kadahilanan na baka magalit siya.Sino nga naman ako diba?Ni hindi pa nga niya talaga ako kilala.Lumipas ang ilang minuto na ganun lang kami.Ako nakahawak sa kaliwang paa niya at siya nakayuko at titingin-tingin sa labas ng pintuan.

"Tapos naba?" bigla niyang tanong

Napa-titig naman ako sakanya dahil sa maamong mukha niya..parang kakaiba siya sa ibang babae na nakilala ko.Alam ko na naman ang ugali niya na ayaw sa mga lalaki pero parang may nag-tutulak sa akin na lapitan siya.She looks familiar.

"Tapos naba?" ulit niyang tanong

"Ahhh Oo tapos na" sabi ko,hindi ko namalayang lumagpas na pala ng 15 minutes..

"Lalagyan ko muna yan ng band-aid" sabi ko atsaka pumunta dun sa table kung nasaan nakalagay ang first aid kit.Kumuha na ako ng isang elastic band aid para sa sprain niya.Bumalik na ako sa kinauupuan niya.Dahan dahan kong nilagyan ng band aid ang sprain ng kanyang kaliwang paa.Pag-katapos nun ay tumayo siya at ini-exercise ng kaunti ang kanyang kaliwang paa in a circling motion.

Crush For Audition!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon