Special Chapter *Christmas Eve with Him*

194 11 2
                                    

Mensahe ni *yellowme* 

Hi sainyo :) Ang tagal ko yatang walang update dito ahahaha kaya eto Christmas Gift ko sainyo.Thank You for reading Crush For Audition!! Read niyo nalang ang authors note ko sa last part.Geh enjoy kayo atsaka Merry Christmas ^_^ 

P.s Huwag seryosohin ang Special Chap na eto ahahaha xD! 

**** 

Special Chapter *Christmas Eve with Him* 

~Trinity's POV~ 

Ang lamig naman ng simoy ng hangin.Sayang wala akong dalang jacket. Nag-lalakad ako ngayon sa park na malapit sa bahay namin 11:00 pm na at isang oras nalang at pasko na.Nag-tataka siguro kayo kung bakit ako nandito sa park kung gayon ay gabi na at dapat kasama ko sila mama.Si mama kasi yung nag-insist saakin na pumunta ako dito sa park dahil sobra na daw akong stress nung nakaraang araw.Nag-tataka nga ako eh,ano ang connect dun sa pag-papapunta niya saakin dito sa park ngayon? Ang labo ni mama.Dapat nga nandoon ako sa bahay ngayon para tulungan sila pero pinalayas ba naman ako.tsk How rude of them.Tinawagan pa ako ni mama atsaka sinabing bumalik na lang daw ako 20 minutes after mag 12 o'clock atsaka Enjoy! 

What the? Weird ni mama ngayon ah. 

Nag-patuloy lang ako sa pag-lalakad,hindi naman delikado dito dahil maraming tao ang nandito.Gusto siguro nila na dito i celebrate ang christmas eve with their family.Malaki kasi itong park at marami din ang mga foodstalls dito kaya hindi boring.Maganda at peaceful din ang ambiance for christmas dito dahil nilagyan ng mga christmas lights ang mga puno na nakakakuha ng atensyon lalong lalo na sa mga bata.Idagdag mo din ang mga bituin na nag-niningning sa kalangitan.Kitang-kita ko na nag-eenjoy ang mga bata dito kasama ang parents nila at relatives.Napapansin niyo medyo madami akong idinedescribe sa paligid? 

Kasi naman eh!Ang tagal niya dumating! 45 minutes na akong nandirito pero wala parin siya!Pinag-hintay ba naman ako.Lagot talaga saakin yung LALAKING yun!

Nabigla nalang ako nung may nag-patong saakin ng jacket.

"Sorry... kung ...natagalan ako" hinihingal niyang sabi atsaka umupo sa tabi ko. 

Oo nakaupo ako ngayon sa isang bench,umupo kasi ako kanina habang nag-dedescribe ako sa paligid dahil napagod ako kakalakad. Lumingon ako sakanya at nakita ko siyang pinupunasan ang gwapo niyang pag-mumukha gamit ang panyo niya.Swerte nga siya kasi sinabihan ko pa siya ng gwapo!

"And so?Ano naman ang magagawa ng sorry mo?"sungit kong sabi sakanya

I-tinext ko kasi siya kanina na pumunta sa park kasi wala akong kasama

"Huwag ka ng mag-sungit Ms.Ganda.Sige ka papangit ka niyan." sabi niya at kinurot ang mag-kabilang pisngi ko

"Aray!Bitaw nga di pa tayo bati."sabi ko at umusod palayo para di kami mag-kalapit ng upo.

"Sorry na...Pumunta pa kasi ako sa bahay ninyo eh dahil may pinaalam ako kay mama kanina eh tapos may kunti akong pinag-kaabalahan bago pumunta dito." at nakiki-mama nadin pala siya kay mama ngayon.Teka nga?Ano yung pinag-kaabalahan niya?

"Alam ko namang di mo matitiis ang gwapo mong boyfriend eh kaya sorry na!" sabi niya sabay akbay saakin

Gulat kayo noh? Oo boyfriend ko ang galung-gong na yan tsk. Joke! Hindi siya galung-gong kundi Tuna! Hayys korny ko,di bagay saakin maging sweet.Hayaan niyo na ako pasko naman eh! Nag-tataka siguro kayo kung paano niya ako napasagot sa mapang-ahas kong Oo,well kayo na ang bahalang mag-imagine kung paano siya naka-survive sa pan-liligaw saakin.

"Ok forgiven." simple kong sagot

"Talaga?"

"So ayaw mo?So ganun? Ah sige binabawi ko---"

"Huwag mo ng bawiin,binibiro lang naman kita eh atsaka may sorpresa ako sayo." sabi niya saakin at ngumiti.

"Ano?"tanong ko

Lumapit naman siya saakin tapos tapos lumapit pa siya and I feel his warm breathing,teka nga ano gagawin niya?

"Merry Christmas..." bulong niya at

Boom!

Boom!

Boom!

Tumingala ako sa langit at nakita ko ang mga fireworks na may iba't-ibang kulay. Ang ganda. 

Hindi lang naman ako ang namamangha kundi ang mga tao din na nandirito.

Nung medyo patapos na ay nabigla nalang ako nung nag-finale na yung pa-fireworks display tapos...

Merry Christmas!!

I LOVE YOU TRINITY JANE MONTEL!!

 

Speechless...akala ko sa Valentines day lang ang may ganito pwede din pala mangyari kahit pasko.Alam kong siya ang may gawa nito kaya lumingon ako pero wrong move kasi dumampi ang labi niya sa labi ko.I dont know kung anong nangyayari saakin dahil automatic na pumikit ang aking mga mata imbes na itulak siya.

Humiwalay siya atsaka ngumiti saakin.Walang umimik saamin kaya hinawakan niya ang kamay ko at nag-salita..

"Im lucky to spend my christmas eve with you" eye to eye niyang sinabi saakin saka ako hinila.

Langya sweet na sana yung moment eh pero biglang nanghila.tsk Kinilig na sana ako eh,Oo inaamin ko may kilig vibes din naman kasi ang tulad ko lalong-lalo na kung siya ang gumagawa ng sweet damoves! Tsk.Ano ba tong nangyayari saakin?

Pero kahit ganun,lihim din akong napangiti because Im also lucky to spend my Christmas Eve with him.

***** 

Mensahe ni *yellowme* 

Pansin niyo walang pangalan yung lalaki,bwahahaha

Huwag niyo akong batuhin ng kamatis,saging pwede pa xD!

Remember special chapter lang ito kaya huwag seryosohin na may boyfriend si Trinity ahahaha atsaka wala itong kinalaman sa mga susunod na kabanata,trip trip ko lang gawin toh :) Kayo nalang ang manghula kung sino yung boyfriend kuno ni Trin,ahaha (oh!huwag nga kayo mangbato ng kamatis,saging okay pa xD!) 

Asa pa kayong magiging sweet si Trin,alam niyo naman ang ugali nun,di mahilig makihalubilo sa mga lalaki!hahaha!

Trinity:Ano sabi mo?

*yellowme*:wala sabi ko Merry Christmas kahit matagal pa pasko niyo dyan,ahaha

Trinity: tsk =_=

Pero eto totoo,thank you po for reading this special chapter.. 

Comment po kayo ah,mabait naman po ako eh kaya comment po kayo kung anong tingin niyo sa previous chapters at sa special chapter na toh,thank you.

Advance Happy New Year nga pala sainyo ^_^

Adios Amigos!!

Crush For Audition!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon