Haluvīá

96 1 0
                                    

Binuksan ng pantas ang makasaysayang aklat ng talaan ng mga pangyayari sa sinaunang lupain ng Encantadia

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Binuksan ng pantas ang makasaysayang aklat ng talaan ng mga pangyayari sa sinaunang lupain ng Encantadia..

Ang lahat, mula sa pinaka-maliit hanggang sa pinaka dambuhalang nilalang na nasa loob ng bulwagan ay nagpatirapa at nagsabi sa makabagong wikang Encanté (Nchan)..

"Nashevi rasfi! Nashevi Encantadia!"
(Dakilang kasaysayan! Dakilang Encantadia!)

Maka-ilang ulit na binigkas ito ng mga nilalang nang tila isang malakas na atungal mula sa Riyœn (leon) ang narinig.

Ang lahat ay nagkagulo at nagimbal nang pumasok ang isang naka-itim na babaeng nilalang na may kakaibang koronang sungay sa kaanyang ulo. Isang nakakabinging katahimikan ang dumating nang dahan-dahan itong naglakad papalapit sa pantas na siyang may hawak ng aklat ng kasaysayan..

"Yivihây dœ shaqæ ada livrœ da Encantadia!"

Mahigpit na hinawakan ng pantas ang aklat ng kasaysayan at binalaan ang babaeng nilalang..

"Hindi mo kailanman maaring hawakan ang aklat ng kasaysayan ng Encantadia, sa ngalan ng mga sinaunang Sanggre na nagbuwis ng kanilang buhay upang mapanatili ang kapayapaan sa lupaing ito.. Yį chæraman Haluvia! (Hindi kailanman Haluvia)

Tinalikuran ni Haluvia ang pantas at dahan-dahang naglakad palabas ng bulwagan. Tumigil ito sa gitna ng lahat ng mga nilalang na naroon at muling hinarap ang pantas na may hawak ng aklat..

"Kung hindi mo isusuko sa akin ang aklat ng kasaysayan, titiyakin kong ikaw na ang huling Gulô (pantas) na makikita ng buong Encantadia..

Falláthién da ada ashê mará haragán riyœn!
(Parating na ang aking mga alagang leon)
Varán raraváshda vuhé sha rugálda dó!
(Walang lalabas na buhay sa lugar na ito)

Pumasok sa bulwagan ang mga riyœn na tila handa nang magpakabusog sa gabing iyon!

"Ubusin niyo sila, aking mga mababangis na riyœn, wala kayong ititira ni isang pirasong buto mula sa mga Encantado!"

At umagos ang dugo sa loob ng bulwagan..

At umagos ang dugo sa loob ng bulwagan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
ENCANTADIA: Ang Bagong MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon